NAKATULALA lang ako dito sa garden ng bahay ni Luther.
"Iha." Tawag sakin ng Mommy ni Luther nilingon ko ito.
"Po?" Sabi ko at pinahiran ang luha tumulo. Umupo ito sa tabi ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong nito.
Ngumiti ako ng pilit dito. "Ok lang po ako." Sabi ko.
"Pag pasensyahan mo na si Luther iha." Sabi nito. Tumango lang ako rito.
"Tara na sa loob kailangan mong kumain." Sabi nito sakin. Tango lang ulit ang sinagot ko rito. Tumayo na kami at nag tungo sa kusina ng bahay. Na doon na sila Nanay, Tatay, Papa ni Luther at si Luther.
Umupo ako sa tabi ni Luther. "Good Afternoon Pa." Bati ko sa Tatay ni Luther. Tumango lang ito sakin. Nag usap usap muna sila saglit bago kami kumain. Oras din kami halos na doon.
Nang matapos ako kumain ay nag paalam ako na sa garden lang ako. Gusto ko ang sariwang hangin doon lalo at buntis din ako ngayon.
Naupo ako sa kaninang inupuan ko. Nang may umupo sa tabi ko. Nilingon ko ito at ang Nanay ko lang pala. Binalik ko ang tingin sa mga bulaklak doon.
"Anak." Tawag nito sakin.
"Masaya na kayo?" Tanong ko dito.
"Anak." Tawag ulit nito sakin.
"Pwede ba huwag niyo na kong tawaging anak." Naiinis na sabi ko dito.
"Siguro naman masaya na kayo sa ginawa niyo diba. Nakabayad nga kayo ng utang kay Luther at ako yun ngayon, diba." Sabi ko dito. "Nakuha niyo na ang gusto niyo. Kung pwede kalimutan niyo nalang na may anak kayo." Sabi ko dito. Tumayo na ko at pumasok sa loob.
Nakasalubong ko si Luther. "Where you going?" Tanong nito.
"Sa taas lang ako." Sabi ko dito.
"Mamaya kana tumaas. Nadito sila Mommy at Papa." Sabi nito sakin.
"Ok." Sabi ko dito.
Hinimas nito ang tyan kong kabuwanan na. "Malapit kana lumabas." Sabi nito.
"Gusto ko na umupo." Sabi ko dito.
"Oh tara." Sabi nito. Inalalayan ako nitong umupo sa sofa.
"Anung pangalan ulit ang ibibigay niyo sa apo namin?" Tanong ni Mommy Liny.
"Danrick James po." Sabi ko.
"Ikaw ba naka pili nun?" Tanong ni Papa Luther.
"Opo." Sabi ko.
"Teka. Pinag sama mo pangalan niyong dalawa tas dinagdagan mo ng James?" Tanong ni Mommy Liny.
"Opo." Sabi ko.
"Hmm ang gandang pangalan. Kabuwanan mo na diba." Sabi nito.
"Opo baka sa susunod na araw po manganak na ko." Magalang na sabi ko dito.
"Kumpleto na naman ang gamit ng apo ko ano?" Tanong ni Papa.
"Opo naman Papa pinag handaan ko na itong panganganak ni Danica." Sabi ni Luther.
"Mabuti kung ganun." Sabi ni Papa.
"Gusto ko na talagang mahiga Luther." Sabi ko sa katabi ko.
"Anak iakyat mo na yang asawa mo." Sabi ni Mommy.
"Opo, mom." Sabi ni Luther.
Inalalayan ako nitong tumayo. Hanggang sa maka akyat at makapasok kami sa kwarto namin ay naka alalay ito sakin. Pero nang maka pasok na kami sa kwarto ay tinanggal ko ang pag kakahawak nito sakin.
Nag lakad ako papunta sa kama at dahan dahang umupo doon. Hihiga na sana ko ng aalalayan sana ako nito.
"Kaya ko!" Madiing sabi ko dito.
Nang maka higa ay umayos lang ako."Bumaba kana doon." Sabi ko dito.
"Bakit ganyan ka?" Tanong nito.
Tiningnan ko ito ng masama. "At talagang nag tatanong ka pa." Sakastimong sabi ko. "Najan lang ang magulang mo kaya pinakitunguhan kita." Sabi ko dito. "Kaya paki usap lumabas kana." Sabi ko dito.
"Bahay ko ito Danica." Sabi nito.
"Oh bahay ko din ito diba." Sabi ko dito.
"Ilang beses na kong humingi ng tawad sayo." Sabi nito.
"Anung magagawa ng sorry mo?" Patanong na sabi ko. Napangiwi ako ng medyo sumakit ang tyan ko.
Biglang nag bago ang reaksyon nito. "Are you ok Baby?" May pag aalala sa boses nitong tanong. Umupo ito sa gilid ng kama at hahawakan sana ang tyan ko ng hampasin ko yun. Inis kong tiningnan ito.
"Kanina pa kita pinapalabas eh!" Inis na sabi ko. Mas napangiwi ako ng mas sumakit na talaga ang tyan ko. "Luma---- ahhh."
"Hey ano, anung nangyayare sayo." Natatarantang sabi nito.
Tinaas ko ang dress na suot ko ng maramdaman kong may likido na tumulo doon. Pag angat ko ng kamay ko ay basa yun. "Woy manganganak na ko Luther!" Inis na sabi ko.
"Huh?"
"Tang ina manganganak na ko sinabi ehhh!"
Nang matauhan ito ng hampasin ko ito ay binuhat ako nito at nag mamadali pero may ingat na nag lakad palabas ng kwarto. Nang makababa kami ay na doon pa ang mga magulang nito.
"Oh ano manganganak na?" Tanong ni Mommy ng tumayo.
"Opo Mom. Ok lang ba na isunod niyo ang gamit nila. Nasa kwarto po sa maliit na maleta ang gamit nila." Sabi ni Luther.
"Ala sige. " Sabi ni Mommy.
Nag lakad na ulit si Luther at pinasok na ko sa kotse. Bumalik ito ulit sa loob para kunin ang susi ng kotse. Habang ako ay hinga lang ng hinga ng malalim. Nang makapasok ito sa kotse ay kinapitan ko ng mahigpit ang braso nito.
"Dalian mo ang sakit na Luther." Sabi ko dito.
"Oo baby ito na. Malapit lang naman hospital dito." Habang sinasabi niya yun pinapasok na nito ang susi ng kotse sa susian.
Mabilis itong nag maneho. Habang ako ay pawis na pawis. Ilang saglit pa ay huminto na kami. Mabilis itong lumabas at binuhat ulit ako. Mabilis naman kaming dinaluhan ng mga nurse doon.
"Manganganak na asawa ko." Sabi ni Luther.
"Opo Sir." Sabi pa ng nurse doon.
HINDI ko alam kung ilang oras na kaming nasa labas. Pero di parin lumalabas ang doctor. Nang bumukas bigla ang pinto.
"Doc ayos po ba sila?" Mabilis na tanong ko.
"Ayos na sila." Nakangiting sabi nito.
"Eh bakit wala kaming narinig na ungol?" Tanong ni Mommy.
"Hindi naman masyado malakas ang iyak ng bata. I mean nasa dulo kase kami." Sabi pa ng doctora. "Wag kayong mag alala. Ayos na ayos ang pag labas ng apo niyo." Sabi nito.
"Ililipat na sila sa room." Sabi pa nito.
DI KO alam kung ilang oras ako nakatulog. Nag mulat ako ng mata at puro puti ang nakita ko.
"Oh you awake." Rinig kong sabi ni Luther. Nilingon ko ito.
"Nasan si Danrick?" Tanong ko dito.
"Nasa nursery room pa." Sabi nito.
"Pwede ko na ba siya makita?" Tanong ko dito.
"Mamaya maya dadalin na yun dito." Sabi nito.
"Kumain ka muna." Sabi nito. Tumango lang ako dito. Sinubuan ako nito ng grapes at pakwan. Ayoko kaseng kainin yung lugaw. Feeling ko ng hihina pa ko.
*//////////////////*
So ayun sorry na na late na itong na publish hehehe. Nung december pa itong nakaimbak dito hahaha. Ito na nga may isa pa siguro itong chap. Hehehe. Keep safe guys.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.