NAUNA akong nagising kay Ion. Tulog na tulog parin ang lalaki sa kama ko. Bumangon na ko at nag tungo agad sa cr. Ginawa ko na lahat ng routine ko doon at lumabas na ng bihis. Nag ayos na din ako doon.
Nang matapos ay lumabas na ko ng kwarto ko at hinayaan na lang doon ang natutulog pa. Bumaba ako at pag baba doon ay nakita na na dito na pala sa bahay si Manang.
"Manang." Masayang sabi ko ng makita ito sa kusina na nag luluto.
"Iha." Nakangiting sabi nito.
"Magandang umaga anak." Sabi nito sakin.
"Magandang umaga din Nay." Nakangiting sabi ko dito.
"Ano po yang niluluto niyo?" Tanong ko dito ng makaupo ako sa hapag kainan.
"Omelette at sinangag na kanin." Sabi nito.
"Matatapos na naman ako dito iha. Bat pala napaka aga mo magising?" Tanong nito sakin.
"Ah pupunta po kase ako sa hospital pati po hinihintay ko na din si Shemlee." Sabi ko dito.
"Anung gagawin mo sa hospital?" Tanong nito sakin ng mahain nito ang mga pag kain sa harap ko. Umupo ito sa kaharap kong upuan.
"Mag pa check up po." Sabi ko dito.
"Check up? Bakit naman?"
"Nay na alala mo yung kwento ko sa inyo?" Bulong na sabi ko dito.
"Ano yung batang nag kakagusto sayo?" Mahina ding sabi nito at medyo inilapit din ang mukha sakin.
"Opo, diba sabi ko sa inyo may nag yare samin." Bulong ko pa.
"Oh ano nakabuo agad?" Gulat na sabi nito.
"Hindi pa naman ako sigurado, pero parang." Sabi ko pa dito.
"Mas maigi nga na mag patingin ka muna para sigurado. At kung sigurado nga ay matutuwa ang mga magulang mo nyan." Nakangiti pang sabi nito.
"Nay si Ion nga pala dito na tulog na doon yun sa kwarto ko. Lasing yun kagabi kaya doon nakatulog. Bayaan niyo lang po siya kung anung oras siya magigising huh." Sabi ko dito.
"Sige." Sabi ni Manang at pinagpatuloy ang pag kain.
Mag sasalita pa sana ako ng marinig ko sa labas ng kusina ang boses ni Shemlee.
"Where's my dear Bestfriend?" Sigaw nito habang nasa labas ng kusina pa.
"Na dito ko sa kusina." Sigaw ko mula sa loob. Maya maya ay nasa kusina na din ito at may dalang tatlong box ng donut.
"Here favorite mo." Sabi nito at inilapag ang tatlong box ng donut sa tabi ng kinakain ko.
"Salamat." Nakangiting sabi ko dito.
"Hi Nay." Bati nito kay manang.
"Hi din iha." Nakangiting sabi ni Manang.
"Kakain kaba dito?"
"Ah hindi po busog na po ako. Pinakain na po ako ng asawa ko hehehe." Nakangiting sabi nito.
KALAHATING oras pa kaming nanatili sa bahay. Kotse ni Shemlee ang dala namin. Habang nasa daan ay walang umuimik samin.
"Ay girl bat na doon pala sasakyan ni Ion?" Tanong nito bigla. Humarap ako dito.
"Sa bahay siya na tulog kase malakas ulan kagabi diba." Sabi ko dito.
"Ah, so ano may nang yare?" Tanong nito at lumingon sakin binalik din nito ang tingin sa harap.
"Meron." Sabi ko at umiwas ng tingin dito.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.