"MOMMY." Rinig kong tawag sakin ng anak ko. Napaangat ang tingin ko sa itaas ng hagdan at na doon ang anak ko na nag kukusot ng mata nito. Halatang kakagising lang nito at kaagad akong hinanap.
Tumayo ako sa pag kakaupo ko sa sofa at nag lakad patungo sa dulo ng hagdan.
"Come here Honey. Dahan dahan huh." Nakangiting sabi ko dito.
Kumapit ito sa Handrail ng hagdan at dahan dahan bumaba papunta sakin. Nang asa tapat ko na ito ay binuhat ko ito.
"How's your sleep honey?" Tanong ko dito habang nag lalakad palapit sa sofa. Umupo ako ng nasa sala na kami, nakakangdong ito saakin habang nakahilig ang ulo nito sa balikat ko.
"I fell asleep in the plane right Mom?" She ask.
"Yes Honey, medyo mahaba naging tulog mo huh 5 hours din yun. May matutulog kapa kaya mamaya nyan?"
"I'm still sleepy po Mommy. But I'm hungry na po kase so I look for you."
"Ow Mommy's baby is hungry. Let's go to the kitchen Honey." Aya ko dito at ibinaba. Mag kahawak kamay kaming naglakad papunta sa kusina.
"Set there I will prepared your food." Sabi ko dito. Sumunod naman ito agad.
Hindi parin pumapasok si Kian dito sa loob siguro ay nangungulit parin ang tao na yun na pumasok dito sa loob.
Lumapit ako sa ref at binuksan yun. Kumuha ako ng hungarian at bacon para ayun ang kainin ng anak ko. Kahit siguro araw araw hungarian ulam namin ay ayos lang sa kanya kase favorite naming pareho yun.
Kumuha na ko ng pag lulutuan at ipinatong yun sa stove, binuksan ko na ang kalan at hinintay na uminit init yun.
"Pre, nakikiusap ako sayo kailangan ko makausap si Mikee." Rinig ko pang sabi ng taong kausap ni Kian.
"Kapag nag pumilit kapa tatawag na ko ng pulis."
"Mommy may nag aaway po ba sa labas natin? Tanong ni SM sakin.
"Wala honey, pero may kausap ang Tito Papa mo sa labas mukhang nangungulit yun. Pero pabayaan na natin kaya na ng Tito Papa mo yun." Sabi ko dito. Tumango tango lang ito.
Nang makita kong medyo may usok na ang kawali ay nilagyan ko na ng mantika yun at pinabayaan ko muna na uminit din yung mantika. Inilagay ko na ang hungarian doon at ang bacon.
Saglit lang naman ang pag luto sa hungarian at bacon kaya inialis ko na sa lutuan. Kumuha ako ng isang mangkok na kanin sa rice cooker doon. Isasangag ko nalang ito. Kapag kase oorder pa ko sa labas ay matatagalan ok na ito na ito nalang muna kainin niya bukas nalang ako mag luluto ng may sabaw.
Isinangag ko na ang kanin doon. Saglit lang din naman yun. Bawang, toyo at asin lang naman yun ay ok na. Nang matapos ay inihain ko na sa harap ni Star ang mga iniluto ko.
"Damihan mo kain mo huh." Nakangiting sabi ko dito.
Tumango ito sakin dahil may laman na ang bibig nito ng pagkain. "Wait Mommy here ok." Sabi ko dito. Tango lang ulit ang isinagot nito sakin. Umalis ako sa kusina at nag tungo sa pintuan ng bahay binuksan ko yun at bumungad agad sakin sila Kian at Isaac.
"Finally." Sabi ni Isaac ng makabawi ito sa gulat ng makita na ako ang nag bukas ng pintuan.
"I will talk to him Kian. Puntahan mo nalang muna yung bata nasa kusina kumakain." Sabi ko dito. Tumango lang ito sakin.
"Huwag mong kikidnappen toh huh kung hindi babasagin ko itlog mo." Sabi ni Kian kay Isaac. Gusto ko matawa pero hindi ako matawa na ewan. Nang tumingin sakin si Kian ay sinamaan ko ito ng tingin.
"Ito na papasok na huh." Sabi nito at pumasok na nga.
Hinarap ko si Isaac. "What are you doing here?"
"I want to talk to you and to see you also." Naka ngiting sabi nito.
"We are talking now." Sabi ko dito.
"And also I want to see our child." Biglang sumeryoso ito.
Piloso akong tumawa dito. "Joke kaba? huh. Simula noon wala ka ng karapatan sa anak ko. Our child kapa jan. Simula ng hayaan mo kong umalis sa bahay mo wala ka ng karapatan sa kanya sa amin Gago." Hindi ko napigilan ang galit ko dito.
"Look tinakbuhan mo ang mga tauhan ko ng mahanap ka nila noon. Alam mo bang sa loob ng ilang taon pinahanap ko parin kayo pero magaling kang mag tago kaya hindi ko kayo mahanap." Kunot nuong sabi nito saakin.
"Wala pa kong pahinga simula ng umuwi kanina bumalik ka nalang sa susunod o kaya ay sa labas tayo mag usap hindi dito. Ayokong makita mo ang anak ko." Diretsyong sabi ko dito.
"But I want to see our child Mikee. I'm still her Dad." Seryoso ding sabi nito.
"Oo tatay ka niya pero hindi ko siya basta basta ipapakilala sayo. At ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala kang karapatan sa anak ko? Kaya ko siya buhayin ilang taon ko ng siyang binubuhay ng kaming dalawa lang. Hindi niya kailangan ng isang amang gago kagaya mo!"
"Mikee ang gusto ko lang makumpleto tayo." Mahinahon na sabi nito sakin. Kahit anung hinahon ang boses ibigay niya sakin nabwebwesit parin ako sa kanya.
"Hindi na tayo mag kakabalikan bakit ba ayaw mo itaga dyan sa utak mo yun. Kinasal kana at hinahabol mo parin ako. Nung ako humabol sayo ano ginawa mo sakin, pinabayaan mo ko diba! tapos harap harap mo pang ipinapakita sakin na may hinahalikan kang ibang babae noon." Yamot na talaga sabi ko dito.
"She have her own family now. Hindi natuloy ang kasal." Seryosong sabi niyo.
Nagulat man ako pero di ko pinahalata dito. "Umalis kana." Sabi ko at Tumalikod na dito.
"Mommy, mommy si papa po oh. Mommy help me." Rinig kong sigaw at tili ng anak ko sa loob.
Pumasok na ko at nakita ang mag Tito na nag hahabulan. "Halika dito kay Papa dali. " Sabi ni Kian habang hinahabok si SM.
"Ayaw kinikiliti mo po ako." Sigaw naman ng bata na umiikot sa buong sala.
"So, she is my daughter?"
Nagulat ako kaya napalingon ako sa likod na titig na titig sa anak ko. Nanlaki ang mata ko kaya agad agad ko itong hinatak pa labas ng bahay.
"Ano ba! Sabi ko umalis kana diba?"
"She saw me. She smile to me. Can I just hug her now? Tapos aalis na ko." Seryosong sabi nito pero nabasa ko ang lungkot sa mga mata nito.
Napalunok naman ako. 'Sobra na ba ko?' tanong ko sa sarili ko.
🐼Mami_panda🐼
Update leng hehe. Next year ulit. May new story try to write BL here❤️
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.