HUSBAND (2)

2.3K 15 0
                                    

"ANO? May nakita kaba?" Nakangising sabi ko kay Stell. "Wala diba."

Nilingon ako nito. "Nasan yung bata?" Tanong nito sakin.

"At bakit ko sasabihin sayo kung nasan ang anak ko."

"Anak natin Reigh." Pag didiin nito sa anak natin.

"Anak ko lang Stell. Bakit ba pinag pipilitan mong anak mo? Sigurado ka bang ikaw ang ama?" Ngumiti ako ng peke dito pag katapos sabihin ang mga katagang yan.

"Bakit ako lang naman ang nakagalaw sayo ah! Huwag mong sabihin na habang tayo ay niloloko mo na ko?" Nakakunot noo nitong mga tanong.

Nag peke ako ng tawa sa sinabi nito. Alam ko ang gagawin nito once na malaman niya na siya ang ama ni Sky.

Lumapit ito sakin na iki na atras ko naman agad. Pero patuloy parin itong lumalapit kaya patuloy parin akong umaatras palayo dito. Napalingon lang ako ng may mabangga ang likod ng paa ko. Napapikit nalang ako ng makita na wala na kong aatrasan pa.

"Once na malaman kong anak ko siya. Kukunin ko siya sa ayaw at sa gusto mo." Madiin ang pag kakasabi nito sa mga kataga na yun.

Napalunok nalang ako at nag bungtong hininga ng makalayo na ito saakin. Sabay kaming napalingon sa taong basta basta nalang pumapasok sa bahay ko.

"Buti na abutan kita dito." Hinihingal na sabi ni Mak.

"Bakit?" Takang tanong ko dito.

"Kanina ka pa namin kinocontact nila Kat pero di ka naman na sagot. Sumama ka sakin dinala nila sa hospital si Sky." Habol parin ang hininga nitong sinabi, Pero napakunot noo ako sa huli nitong sinabi. BIgla akong nag panic.

"Huh? Anung nangyari sa anak ko?" Tanong ko dito.

"Sumama ka nalang sakin, dahil hindi ko rin alam tinawagan lang ako ni Kat." Sabi pa nito.

"Ano pa hinihintay natin tara na." Sabi ko Dito at nakalimutan ko na si Stell na naroon nga pala. Nag mamadali kaming umalis doon at sumakay sa kotse ni Mak.

Ilang minuto lang ang byahe ay nasa hospital na kami. Natanggal na sa sasakyan ang tinali sakin na necktie ni Stell. Nag mamadali akong lumabas ng kotse at tumakbo na ko papasok ng hospital kahit naka heels pa ko. Nakita ko naman agad sila Kat at nasa likod nito si Allen, pareho ang dalawa na pabalik balik ang lakad. Mabilis akong nag lakad patungo roon.

"Reigh I'm sorry hindi ko alam." Hingi agad ng tawad ng makalapit ako sa mga ito.

"Ano bang ng yare?" Tanong ko dito.

"Kumakain lang kami tapos bigla nalang nahirapang huminga si Sky at namamantal din siya. Ang sabi naman ng doctor ay allergic daw si Sky sa Hipon. Sorry Reigh hindi ko talaga alam na allergic si Sky doon." Kwento at paliwanag ni Kat.

"Ayos na ba ang anak ko?" Tanong ko pa dito.

"Ok na siya nasa loob siya at inaasikaso pa." Sabi nito.

"KAHIT ako hindi ko alam na allergic siya doon." Narinig kong sabi ni Reigh kay Kat. "Kase hindi naman ako na kain ng hipon na diba simula nung nakatikim ako ng sobrang lansa kaya never na kong kumain nun ulit."

"So ngayon alam na nating allergic siya doon. Manang mana talaga sa tatay niya allergic sa hipon at pusa." Sabi ni Kat ng umupo ang mga ito sa bench doon. Sinundan ko sila nung kaibigan ni Reigh na bakla kaya nakarating din ako dito.

"So anak ko nga." Bulong ko sa sarili ko at bumungtong hininga bago kaswal na lumakad palapit sa mga ito.

Satingin ko ay naramdaman ni Reigh ang nanglilisik kong tingin sa likod nito kaya lumingon ito agad sa gawi ko. Nang laki ang mga mata nito sa gulat na naroon din ako. Tumayo ito at nag lakad ng ilang hakbang palapit sakin. Huminto ako ng ilang metro dito.

"A-ano? Bakit ka narito?" Nalilito nitong tanong sakin. Halata sa mukha nito ang kaba.

"Dahil sinundan ko kayo. Kaya ako na rito?" Kalmadon sabi ko dito.

"Maari ka ng umalis."

"At bakit ako aalis. Nandito ang anak ko kaya bakit ako aalis. Hmm?" Nakangising sabi ko dito.

"Stell Pare wag ka ng manggulo dito." Sabi ni Allen.

"Hindi ako nanggugulo. Ang gusto ko lang makita at makasama ang anak ko." Seryosong sabi ko kay Allen.

"Anak mo?" Pilosopo nitong tanong sakin. "Sigurado ka bang ikaw ang ama?" Nakangisi na nitong sabi.

"Once na masigurado kong ako ang ama. Kukunin ko siya sa ayaw at sa gusto niyo."

"Wala kang karapatan sa bata Stell." Sumabat na si Kat na asawa ni Allen.

"Sa ngayon. Pero pag nalaman kong anak ko siya mag kakaron na ko ng karapatan. Bakit ba pinagkakait niyo sakin ang sarili kong anak. Ilang taon niyo ko pare parehong niloloko!" Galit na na sabi ko. Mag sasalita sana si Reigh ng bumukas ang pinto kung nasaan ang batang si Sky.

"Doc. Kamusta ang anak ko?" Lumapit agad si Reigh sa doctor na lumabas doon.

"Ayos na naman siya. Maaari na kayong pumasok sa loob at iuwi siya. Babalik ako para sa reseta." Sabi ng doctor kay Reigh.

"Sige salamat doc."

Mabilis na pumasok ang apat sa loob. Ako ay naiwan sa labas. "Stell?" Patanong na tawag sakin ng doctor.

Nilingon ko ito. "Mark?"

"Yeah ako nga pare." Nakangiti na nitong sabi.

Dating kaibigan ko pala ang tumingin sa anak ko. Napangisi ako ng may maisip.

"Can I ask for a favor?"

"Yeahs sure. What it is?"

"I want to have a DNA test doon sa bata na nasa loob."

"Why?"

"Yung kausap mong babae is asawa ko. Itinago niya ang anak namin. Gusto ko lang makasigurado na akin ang bata." Sabi ko dito.

"Oww. Ok tara sumunod ka sakin. Kukuhanan kita ng dugo. Teka type A ka diba?"

"Yes ,why?"

"Type A din kase yung bata na nasa loob. Hindi malabong anak mo yun pre. Hindi rin mapag kakaila kase kamukha mo si Sky nung bata kapa. Simula mag mulat ang mga mata nung ni Sky nasa tabi na ko nun."

"What do you mean nasa tabi ka niya?"

"Ninong ako ni Sky. Nung manganak si Reigh na doon din ako. Nakita ko na lumaki yung bata. Nawalan ako ng balita sayo ng panahon na yun. Hindi ko rin naman alam na kasal pala si Reigh at lalong di ko alam na may asawa ka pala at siya ang asawa mo."

"Hindi naman kami kasal sa simbahan kung hindi sa papel lang." Sabi ko dito.

"Sige tara na sumunod ka sakin ng makunan kita ng dugo." Sabi nito at nag lakad na. Lumingon muna ko sa pintuan kung nasaan ang anak ko. 'Babalik si Papa." Sabi ko sa isip ko at sumunod na ng tuluyan kay Mark.

🐼Mami_panda🐼

Ito na nga po. Sorry di ko na pub nung nag story ako hehe. Kaya ayoko pong nag bibigay ng araw kung kilan ako mag pub eh. Kaya kung may next ito di ko rin alam kung kilan. Hehe. Keepsafe guys Borahae💜

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon