KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil ngayong araw ang punta namin sa mga nasalanta ng bagyo. Pag kagising na pag ka gising ko ay naligo na ko at nag ayos bago bumaba.
"Nanang?" Tawag ko sa mayodorma.
"Bakit?" Tanong nito ng makapasok ito sa sala.
"Where's Mom and Dad?" Tanong ko dito.
"Ang alam ko nasa library." Sabi nito.
"Ang mga bata po?" Tanong ko.
"Nasa kusina nag aagahan." Sabi nito.
"Ah sige po. Puntahan ko lang." Sabi ko. Nag tungo ako sa kusina at nakita kong kumakain sila ng pancakes.
"Mga Baby ko." Tawag ko sa mga ito.
"Momma." Masiglang sabi ni Chloe at bumaba sa upuan nito.
"Good Morning Momma." Malambing nasabi nito at hinalikan ako sa pisngi. Lumapit din si Cleo at binati rin ako ng magandang umaga.
"Good Morning din sa inyo." Balik bati ko sa dalawa.
"Where are you going po?" Tanong ni Chloe.
"Ah, pupunta kami ngayon sa mga nasalanta ng bagyo." Sabi ko.
"Isasama niyo po ulit kami?" Tanong pa nito.
"Hindi muna ngayon Baby mahirap na." Sabi dito.
"Ah ok po." Sabi nito at kumain na ulit.
"Breakfast Mom?" Alok ni Cleo sa kinakain nito.
"Ahm, sa labas na ko siguro kakain. Kakausapin ko pa sila Mommy at Papa niyo." Sabi ko dito.
"Ok po. Ingat po kayo." Sabi ni Cleo.
"Ingat Momma." Sabi naman ni Chloe.
"Sige." Sabi ko sa dalawa. Hinalikan ko ang mga ito sa noo bago iwan ang mga ito.
Bumalik ako sa taas at nag tungo sa library. Kumatok muna ko ng dalawa bago buksan yun.
"Oh, ayan na pala siya." Rinig kong sabi ni Mommy.
Pag pasok ko ay nagulat pa ko na nadoon si Garrett.
"Good morning." Sabi nito. Napakurap kurap pa ko bago batiin ito. "Morning." Sabi ko.Lumapit ako kila Mommy at Daddy para humalik sa pisngi ng mga ito. "Good morning Mom, Dad." Sabi ko.
"Ma upo ka iha." Sabi ni Dad.
No choice ako ng uupuan kung hindi sa tabi mismo ni Garrett.
"Diba pupunta kayo sa Catanduanes ngayon nila Pablo." Sabi ni Daddy, tumango ako dito.
"Isama mo si Garrett at baka pag kaguluhan ka doon." Sabi nito.
"Isasama ko naman talaga siya kase nga diba bodyguard ko siya." Sabi ko at lumingon kay Garrett pero agad ko rin naman na ibinalik ang tingin sa magulang ko. May narinig na kaming helicopter.
"Ayan na sila." Sabi ni Mommy.
Lumabas na kami ng library at lumabas na ng bahay.
"Hi Tito, hi Tita." Bati ni Pablo.
"Hi din iho." Sabi ni Mommy tinanguan lang ito ni Daddy.
"Ang mga bigas, groceries at tent ay kagabi pa umalis panigurado ay malapit na ang mga yun doon." Sabi ni Daddy.
"Ok, so Ria Let's go?" Tanong ni Pablo sakin. Tumango lang ako rito.
Aalalayan sana ako nito sumakay sa helicopter ng maunahan ito ni Garrett. " Ako na." Malamig na sabi ni Garrett. Inalalayan ako nito sa beywang para makataas sa helicopter. Buti ang suot ko ngayon ay pants na itim at itim din na tshirt kahit ang rubber shorts ko ay itim. Sumunod na pumasok ay si Garrett.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.