Wala ulit ako maisip na tittle hehe.
"ITIGIL mo nayang kahibangan mo, Mikee." Sabi ni Yanna.
Lumingon ako dito at inialis din agad ang tingin dito. "Kaya nga ako bumalik para suyuin siya eh." Sabi ko dito habang nakatingin sa dagat. Ang sarap sa tainga ng tunog ng alon doon.
"Alam ko yun. Pero ikakasal na yung tao sa isang linggo." Sabi pa nito.
"Pilit na kasal lang naman yun."
"Kahit naba. Eh kung noon pa siya umayaw diba walang kasal na magaganap. Pati anung plano mo jan." Sabi nito. Nilingon ko ito at ininguso nito ang tyan ko.
"Sasabihin ko sa kanya." Simpleng sagot ko sa sinabi nito.
"Eh paano aalis kana nga mamaya."
"Kung di niya ko paalisin hindi ako aalis. At kung hindi naman siya maniwala o ano aalis ako."
"Pano kung pigilan ka? Paano ang misyon mo, ang trabaho mo?"
"Mag reresign ako."
"Alam mo Mikee. Hindi ikaw yan eh."
"Iba na ko sa Mikee na nakilala niyo noon kaya huwag ka ng mag taka. Pero hindi nababago saakin ang kapag gusto ko dapat na kukuha ko. Pero kung ayaw naman niya na saakin. Hindi ko na ipipilit ang sarili ko."
"Ikaw lang din ang nasasaktan sa ginagawa mo."
"Alam ko. Sa loob ng dalawang bwan na bumalik ako dito siya na ang pinuntahan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako nag papansin mapansin niya lang ako. Anung magagawa ko mahal ko eh. Pati deserve ko naman ang sakit na nararamdaman ko. Wala pa ito sa kalahati na ginawa ko sa kanya. Isipin mo yun iniwan ko siya ng 2nd monthsarry namin. Bago palang kami pero iniwan ko siya kaagad."
"Ikaw yan mag desisyon ka ng sayo. Matanda ka na para dyan."
"Anung oras na din at mag trabaho pa ko una na ako. Eemail mo nalang sakin kung saan ka lilipat ng bansa at address mo. Pupuntahan kita bago ka manganak." Sabi nito at tumayo na.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko dito habang nakatangad dito.
"May 7 buwan akong mission sa France."
"Ah. Sige ingat ka. Kailangan na roon ka kapag nanganak ako dahil ninang ka nito kahit hindi pa lumalabas." Sabi ko dito.
"Oo mag ingat ka din sa byahe mo pa ibang bansa." Sabi nito at bumiso bago ako tuluyang iniwan. Nanatili pa ako ng ilang minuto doon bago tumayo. Nag lakad na ko palapit sa kotse ko. Pumasok na ko roon at nanatili muna ng ilang minuto sa loob bago ipaharurot sa bahay ni Isaac.
NASA labas na ko ng bahay nito. Sa labas na ko nag park. Pag labas ko ng kotse ay may sumalubong sakin na isang babae.
"Sniper ako pinadala ni Bullet dito para kunin ang kotse mo." Sabi ni Silent. Inabot ko naman agad dito ang susi ng kotse ko. "Dadating dito si Bullet kapag kalabas ko ng village na ito." Sabi pa nito, tango lang ang naging sagot ko dito. Pumasok na ito sa kotse ko at pinaharurot na nito yun paalis sa harap ko, ng hindi na matanaw ay pumasok na ko sa gate ng bahay ni Isaac.
May nakita akong kulay pink na kotse doon at sigurado akong narito ang mapapangasawa nito. Bumuntong hininga nalang ako at tumuloy parin sa pag lakad. Nang makapasok sa bahay ni Issac ay nakita kong nakikipag halikan ito sa babaeng mapapakasalan nito.
Nang makita ako nito ay humiwalay muna ito kay Jeana. "Oh bat umuwi kapa?" Tanong nito.
Tumingin ako kay Jeana at ngumiti lang ito saakin. "Sa taas lang ako." Paalam nito at umalis na nga sa harap namin.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.