MAYOR

9.1K 29 0
                                    

"DANICA!" Sigaw sakin ni nanay.

Napapikit ako at bumungtong hininga bago lingunin ito.

"Hindi kita tinuruang mang bastos ng tao. Lalo at nakakataas satin!"sigaw pa nito.

"Eh,bastos din naman sya ah"sabi ko pa dito.

"Kung ako kase sayong bata ka...pumayag kana sa gusto ni Mayor"sabi ng tatay ko na nag babasa samay sala. 

"Edi kayo ang umoo sa gusto nya,total kayo din naman ang  may gusto"sabi ko at tinalikuran ang mga ito.

"Gabing gabi naninira ang king ina."Sabi ko ng makapasok sa silid ko.

Humiga na ako para matulog.

KINABUKASAN ay alas 7 na ako nagising, dahil anung oras narin ako na tulog.

Bumaba na ako agad at nag tungo sa kusina at deretso pasok sa cr namin doon na hindi kalakihan.

Mabilis lang ako naligo at lumabas na akong naka tapis lang ng tuwalya. Nag luluto na si nanay ng umaagahan ng makalabas ako sa cr. Umakyat agad ako at nag bihis ng simpleng damit lamang...dahil nasa bahay lang din naman ako.

Nang maka tapos ay bumaba na ko at nagulat pa ng makita ko kung sino ang nakaupo sa may kahoy naming upuan na mahaba.

Ngumisi ito sakin ,samantalang ako ay napalunok na naman at parang biglang bumalik ang ilang  gabing pinagsaluhan namin sa isip ko. Pero ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang nasa isip ko.

"Oh,iho ayan na pala ang aking nag iisang anak.mag umagahan ka muna dito samin."magandang bati ni nanay dito.

Umirap lang ako at nag tungo na sa kusina at umupo sa upuan ko doon,samangtalang si tatay ay naka salamin na naman at nag babasa ng balita sa dyaryo nitong bagong dating siguro.

Napansin ko na may tumabi ng upo sakin,pero hindi ko yun nilingon.

Ibinaba na ni tatay ang dyaryo at inalis ang salamin nito at matamis na ngumiti kay Luther.

"Magandang umaga,iho"magalang na bati nito.

"Magandang umaga din po tay"mas magalang na bati ng binata sa tatay ko.

Napairap ako sa ka plastikan nito.

"Danica,pag silbihan mo yang bisita mo."utos ni nanay sakin.

Umirap ulit ako at tumayo na,kaya napatingin silang tatlo sakin na nakakunot noo lalo na ang aking ama na masama din ang tingin sakin at sininyasan akong umupo. Umiling lang ako dito.

"Nawalan na po akong ng ganang kumain ,nay,tay."sabi ko at tumalikod na. umakyat sa maliit na hagdan at nagtungo sa maliit kong silid.

Naupo ako sa matigas na higaan ko,manipis na foam lang ang na doon kase.

Napahinga ako ng ilang ulit ng malalim at nagulat ng bumukas ang umuugang pinto ko.

Nan lalaki ang matang napatingin ako kay Luther na nanlilisik ang mga mata.

"Bumaba ka doon at sabayan mo kong kumain!"madiin na utos nito sakin.

Napalunok muna ako bago nakapag salita"K-kung gusto m-mong kumain na,s-sumabay kana kila nanay"uutal utal kong sabi.

"Sasabay ka samin sa ayaw at sa gusto mo"sabi nito at lumapit sakin at kinapitan ang palapulsuhan ko at pilit hinatak na nilalabanan ko naman pero na pa tayo na ko ng hatakin ako nito ulit.

"Ano ba,nasasaktan na ko!"inis na bulyaw ko dito.

"Talagang sasaktan kita pag di kapa bumaba doon!"

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon