"SIGURADO ka ba sa sinasabi mo?" seryosong tanong sakin ng papa ni Grace.
"Opo Sir"walang pag dadalawang isip na sabi ko.
"Next month?"tanong nito.
"Sige po"
"Napaka sigurado mo naman iho."nakangising sabi nito."Gusto ko next month pero inggrande ang magiging kasal ng anak ko"seryoso ulit nitong sabi."Kaya mo ba? Syempre ikaw lahat ang gagastos. Sa gown lang ng anak ko ako gagastos."
"Opo "sabi ko.
"P-pa?"utal na tawag ni Grace sa ama.
"What?"
"P-pls pa wag na sanang umabot sa k-kasal pa"naka tungong sabi ni Grace.
"At bakit hindi?may anak kayo at dapat ka nyang panagutan."
"H-hindi naman namin m-mahal ang isa't i-isa"sabi pa nito.
"Nakagawa kayo ng anak pero di nyo mahal ang isa't isa."natatawanf sabi ng papa nito.
"Ikaw ba Jerson... Hindi mo ba minahal kahit minsan ang anak ko?"
Napalunok ako sa talim ng tingin nito sakin. Nilingon ko si Grace at nakatungo parin ito.
"Minahal ko sya nong panahon may mang yare samin,kahit hanggang ngayon na dito parin yun"turo ko sa puso ko" Yung kwento nya na puro lait ang ginagawa ko sakanya ay doon lang ako nakakakita ng chance na mapalapit sa kanya. Hindi sya palakaibigan noong college kami. Pero ginawa ko ang lahat para mapalapit parin sa kanya. Nang makapagtapos ay hindi ko sya tinigilan. Hindi ako nag tanong kong pwede mang ligaw pero pinaparamdam ko yun na gustong gusto ko sya. At nung unang araw na may mang yare samin ay ang saya ko kase feeling ko ay akin na sya. Pero ayun nga po isang araw ay bigla nalang syang hindi nag pakita at kahit paramdam ay wala. "Mahabang sabi ko.
"Mahal mo naman pala ang anak ko simula pa noon bakit hindi mo sya hinanap?"
"Hinanap ko po sya sa mga tropa namin, pero hindi rin daw nila alam kung nasaan din sya. Nag patulong na ko sa magulang ko pero wala parin sya dito sa buong pilipinas. Tapos ngayon ko lang din nalaman na natupad niya ang pangarap nya na maging attorney. Siya kase ang humawak sa kaso ng tatay ko na napanalo nya. Last month ko lang din nalaman na bumalik sya ng pinas. Ginawa ko ang lahat para makita sya pero parati akong sawi. Masyadong mahigpit ang seguredad sa agency nyo Sir. Kaya ginawa kong dahilan ang pagpapasalamat sa pag panalo nya sa kaso ng tatay ko"
"Kung ganun pala,next month ang kasal. Sa ayaw at sa gusto mo Grace."madiing saad ng ama nito at tumayo na at nag tungo sa pintuan at lumabas doon.
"Grace"tawag ng kuya nito dito.
Nag angat ng tingin si Grace sa kuya nya."Kuya"utal na sabi nito.
Lumuhod sa harap ni Grace si Jc."I'm sorry walang nagawa si Kuya"sabi ni Jc dito.
"N-no kuya walang may kasalanan."
"Gagawin ko lahat para mag bago ang isip ni Papa"
"A-alam nating pareho na w-wala tayong m-magagawa,final na yung sinabi nya"sabi nito sa kapatid.
"Ayos lang ba sayo?"tanong ni Jc sa kapatid.
"Para na din to kay Gray"sabi ni Grace.
May kumatok sa pinto at bumukas yun."Iha,iho mag si labas na kayo jan at bumaba sa sala."sabi ng mommy ni Grace.
"Yes mom susunod kami"sabi ni Jc.
NA DITO na kami sa sala at naka upo sa mahabang sofa. Katabi ko si kuya. Si Jerson ay nasa pang isahang upuan.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.