Wala ko maisip na tittle eh hahahah
"BAR kase tayo Bell." Pilit sakin ni Jona.
"Oo na." Sabi ko dito.
"Ayan pumayag kadin. Wag kana mag paalam sa jowa mo, baka di ka na naman payagan nun." Sabi naman ni John kaibigan naming bakla.
"Oo na. Pero sabihin ko na may pupuntahan ako ngayon." Sabi ko dito.
"Ok." Sabay na sabi ng dalawa.
Tumayo na kami at kinuha ang mga gamit namin.
"Bye Sir." Paalam namin sa PE teacher namin."Bye, ingat kayo." Sabi naman nito.
Kami nalang apat ang natira sa room. "Mag bihis muna tayo bago umalis." Sabi ko sa dalawa.
"Sige sunduin ka nalang namin." Sabi ni Jona.
"Sige sige." Sabi ko. Nag lakad na kami palabas ng room ng tawagin ako ni Sir.
"Bell."
Nilingon ko ito "Sir?"
"San kayo pupunta?" Tanong nito.
Nilingon ko yung dalawa tumango lang ang mga ito. "Mag bar po Sir." Sabi ko.
"Pwedeng sumama?" Tanong nito. "Libre ko kayo." Nakangiting sabi nito.
"Abay Sir oo naman pwede kang sumama." Sabi bigla ni John.
"Oo nga Sir kita nalang po tayo sa labas ng **** Bar. Mag bibihis lang po kami." Sabi ni Jona.
"Ok sige, see you." Sabi nito. Tumango lang kami dito.
Nag lakad na kami paalis doon. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan si Alex.
"Susunduin mo ba ko?" Tanong ko agad ng sagutin nito ang tawag.
"Ahm Babe pasensya na di kita masusundo nag kaayayaan kase sa gym kanina. Medyo malalate ako ng uwi." Sabi nito.
"Ok." Sabi ko at binaba ang tawag.
"Di ka susunduin na naman." Sabi ni Jona.
"Sumabay kana samin. Unahin ka namin tas hintayin ka namin mag bihis tas samin naman." Sabi ni John. Tumango ako rito.
NASA bar na kami at ang daming alak na naka lagay sa mesa namin.
"Sir seryoso? Kayo mag babayad nito?" Tanong ko sa Teacher namin.
"Pag nasa labas tayo wag na Sir tawag niyo sakin. Kahit Jerson nalang." Sabi nito.
"Ok sige po." Sabi namin.
"Mojito lang ang iniinom ni Bell sir eh. Di na inom ng beer yan ." Sabi naman ni Jona.
"Ah ganun ba. Order nalang kayo kahit ilan gusto niyo." Sabi nito.
"Sir ang dami na nitong nasa mesa natin tas kukuha pa kami?" Tanong ni Jona.
"Oo nga. Wag kayo mag alala kaibigan ko may ari nito." Sabi naman ni Jerson.
"Ay Sir kung kanina mo pa sinabi lasing na sana tayo ngayong." Sabi ni John.
"Doon lang kami huh. Sunod nalang kayo." Sabi ni Jona. Tumango ako rito.
Nang may dumaan na waiter doon tinawag ito ni Jerson.
"Sir?"
"Dalawang bote nga ng Mojito." Sabi nito.
"Sige po sir." Sabi nung waiter.
Pinalibot ko ang tingin sa Bar. Nang makita ko ang isang kaibigan ni Alex. Pero nilipat ko agad ang tingin ko sa iba ng dumating na ang Mojito ko.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.