Best Friend Goals 3

2.8K 11 0
                                    

PAG KAPASOK namin sa xylo. Ang sumalubong samin ay sobrang lakas na musika, usok, amoy alak at iba pa. Kada lingon mo ata sa ibat ibang sulok ay may nag sasomething na.

Ikaw nalang ata mahihiya sa mga naglalaplapan sa sulok sulok. Ang ibang mga boys ay may kandong ng mga babae. Grabe first time ko ito.

"Doon tayo sa kabilang dulo." Pasigaw na sabi ni Cleo.

Limang malalaking table daw ang ukupado ng pinsan nito para sa mga bisita and isa ay saamin na.

Nang malapit na kami doon sa pinsan nila ay hindi maalis ang pag hanga sa mga mukha namin. Dahil gwapo at magaganda ang mga naroon. Kahit naman sa mga nakakasalubong namin ay ganun din. Ang iba ay model ata pero hindi ko kilala.

ILANG oras na rin ang lumipas. Ang boys na kasama ko ay mga nandoon na sa table ng may birthday.

Hindi ako masyado umiinom. Ididikit ko lang sa labi at kunting inom ang ginagawa ko. Gusto ko pa kaseng mag tagal kaya maya maya na ko iinom ng marami.

Siniko ako ni Janel sa tabi ko. "Bhe kanina kapa nililingon nun oh." Sabi nito at ngumuso sa gilid naming table.

Lumingon ako dun at napansin ko ngang may nakatingin samin. Nakaakbay ito sa sandalan ng sofa. Naalis ang tingin ko dito ng may lumapit na waiter samin.

"Ma'am may nag papabigay po." Sabi nito sakin at iniabot ang alak sakin.

Kunot noo naman akong tumingin ulit dito. "Sino?" Takang tanong ko dito.

"Si Mr. Watson po." Sabi nito at tinuro ang gawing ininguso kanina ni Janel.

Ngumiti ang lalaking nakaakbay sa likod ng sofa at kumaway sakin. Tinaasan ko lang ito ng kilay.

Ibinalik ko sa waiter ang isang bote ng mamahalin na alak. "Pasabi hindi ko matatanggap." Sabi ko dito.

Tumango ito at aalis na sana ng pigilan ito ni Camile. "Bhe hindi tinatanggihan ang grasya lalo kung mamahaling alak." Sabi nito at kinuha ang alak sa waiter.

"Pasabi sa nag bigay kuya Salamat." Matamis na ngiti ang ibinigay ni Camile sa waiter. Umalis na ang waiter pag katapos nitong tumango.

Kinunutan ko ito ng noo. "Ano kaba naman Camile mamaya mag expect yun ng kung ano dahil jan sa pag tanggap mo ng alak." Sabi ko dito.

"Ok nga yun eh. Mag hintay ka mag papadala pa ulit yun mamaya. Ok lang gwapo naman si Kuya. Kapatid yun ng tropa ng pinsan namin." Sabi pa nito.

"Ewan ko sayo." Sabi ko nalang dito. Kinuha ko ang baso ko sa mesa at inisang tungga yun. Napangiwi ako ng maramdaman ang init nun sa lalamunan ko. Pero wala na kong pake mamaya ay uuwi na kami. Mag eleven na din kase. Pero sabi naman ng pinsan nila Janel ay ayos lang din na mga kahit ala una kami umuwi pero kami na ang gagastos. Dahil wala naman akong pera pang bayad dito kaya sasabay na din kami na 12 lang.

Sila Camile lang din naman ang nag ubos ng alak. Nagulat nalang ulit ako ng may lumapit na naman na waiter medyo may tama na ko pero matino parin naman ang isip ko.

"Mam pinapabigay po ulit ni Mr. Watson." Sabi nito. May alak at isang putahe yun na kagaya ng putahe na nilalantakan ko ngayon. Hindi ko alam ang tawag doon pero baboy yun.

Mag sasalita na sana ako ng sumingit na naman si Camile at ito ang kumuha ng pinapabigay. Wala na kong nagawa.

Halos apat na bote din ata ang ipinadala sa akin at halos 6 na pulutan. Tinawag ko yung waiter na nag dadala ng alak sakin. "Pasabi dun sa nag bibigay ng alak usap kami sa doon." Sabi ko at turo ko sa isang gilid na walang tao. Tumango ito.

Tumayo ako at nag paalam na iihi lang. Ibinaba ko ang dulo ng dress ko dahil umangat na yun halos. Medyo gumewang ang mga una kong hakbang. May mga lalaking pilit akong dinadala sa table nila pero tinatanggihan ko ang mga ito.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon