HOLD DOP (2)

4.3K 18 2
                                    

MABILIS lumipas ang araw. Isang buwan na kong naninirahan kay Boks. Nahuli na din ng mga ito si Teo.

Nag tratrabaho ako sa isang business nila Boks dito sa manila. Ngayong araw naman ay may opening ng cafe ang Mommy nito. Kaya ito ayos na ayos na naman ang dating ko. Kaming dalawa lang di ko na pinasama sila mama baka mapagod. Kahit ang kapatid ko ay alam kong nag tratrabaho na din. Isang buwan ko ng hindi na kikita ang mga yun.

"Marga, Let's go?" Tanong ni Boks na nasa likod ko. Nasa harap kase ako ng salamin at tinitingnan ang itsura ko. Ang laki ng ipinagbago ko noon sa ngayon.

"Tara." Sabi ko. Kinuha ko muna ang body bag ko sa may sofa. Kinapitan nito ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng bahay nito.

Pinag buksan ako ng pinto nito at inalalayan pa ko papasok sa kotse nito.

"Salamat." Sabi ko ng maayos na ang upo ko. Isinuot ko ang seat belt ko.

Umikot na ito sa driver seat at pinaharurot agad ang kotse.

"Wala ka bang pasok?" Tanong ko dito.

"Naka off ako ngayon, mas uunahin ko opening ni Mommy kesa sa trabaho ko." Sabi nito.

Inilagay nito ang isa nitong kamay sa hita ko na hinayaan ko lang. Pinisil nito yun. Tinanggal ko ang kamay nito doon at inilipat sa kambyo ng kotse.

Pero ibinalik nito yun at mas tinaas ang kamay nito sa hita ko.

"Nakikiliti kase ako!" Inis na sabi ko dito. Hanggang ibabaw lang kase ng tuhod ang dress na suot ko. Tapos umangat yun dahil naka upo ako ngayon.

"Don't remove my hand." Madiing sabi nito.

Napailing nalang ako dito at tumingin sa labas.

Ilang saglit pa ay nakarating din kami sa opening ng Cafe ng Mommy nito.

Bumaba kami agad at lumapit sa Mommy nito.

"Ang tagal niyong dalawa huh." Sabi nito.

"Simulan na natin Ma'am?" Tanong ng isang staff doon.

"Ah yeah." Sabi ng Mommy nito.

Nasa mag kabilaang part ng ribbon ang mag asawa. Naka hawak sa beywang ko si Boks at sobrang lapit na naman ng katawan namin.

NGAYON ay nasa loob na kami ng Cafe at kumakain na. Madami ding dumalo sa opening ng Cafe. Naka upo lang ako habang sumisipsip ng frappe ko.

Kada may titingin o lalapit sakin ay nginingitian ko lang ang mga ito.

"Hey, Marga." May tumawag sa pangalan ko sa gilid ko.

Nilingon ko ito at ngumiti. "Hey, Isaac." Nakangiting bati ko dito.

"Pwedeng umupo?" Tanong nito.

"Oo naman." Sabi ko.

Umupo naman ito doon at pinalibot ang tingin sa mga tao doon.

"Where's Boks?" Tanong nito.

"May mga kausap na business man." Sabi ko at humigop ulit sa frappe ko.

"Kamusta?" Tanong nito.

"Ok lang naman." Sabi ko.

"Kung dati maganda ka lang ngayon mas gumanda ka na ah. Ang laki na ng pinagbago mo talaga." Sabi nito.

"Ano ba. Isaac ako lang toh." Sabi ko at tumawa pa sa huli. Natawa din naman ito.

"Alam mo bang ilang buwan ka na naming sinusundan ni Boks." Sabi nito.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon