I'm Married

3K 7 1
                                    

WALA KO MAISIP NA TITLE KAYA AYAN NALANG😏 Mapanakit kaya toh?😌

"WHY are you pushing me away again Joan?" Kunot noong tanong pa ni Rajon sa akin. Napabuntong hininga ako.

Masaya ako simula nung nakilala ko siya pero hindi pwede. Hindi talaga ito pwede, kaya hanggat maaga pa tatapusin ko na kung ano man ang namamagitan saming dalawa.

"Rajon please huwag mong gawing mahirap ito sating dalawa." Pag mamakaawa ko pa sa binata. "Maraming iba jan, mababaling mo ang iyong atensyon sa kanila. Hindi lang talaga pwede Raj."

"Bakit? Ayan nalang parati mong sinasabi sa akin na hindi tayo pwede. Bakit nga ito ang parati kong tanong sayo Bakit Joan?"

"How many times do i have to tell you that I don't want you to be part of my life. I don't want your life to be messy like mine Raj. Magulo ang buhay ko at ayokong guluhin ang buhay mong napaka perpekto." Paliwanag ko dito.

"My life now is not perfect as you expect Joan, without you my life is a messy already." Nangilig na ang luha sa mga mata nito kaya iniiwas ko ang tingin dito.

"I'm sorry Raj, just please stop this. Hindi ko alam kung ano ba ang namamagitan sa ating dalawa pero kung ano man ito gusto ko ng ihinto." Sabi ko pa dito.

"Bakit?"

"Bakit ba mahirap sayong pakawalan ako. Dalawang beses lang may nangyare sa atin tawag lang ng laman yun Raj. Hindi mo ba makuha ang punto ko dito? Ayoko sayo itigil na natin ito, kung tutuosin hindi ko kailangan ipaliwanag sayo ang lahat lahat. Pero dahil sa sarado yang isip mo ginagawa ko ito!"

"I just want you to explain why do you push me away again!"

Punong puno na ako kaya isinigaw ko na kung bakit nga ba hindi kami pwedeng dalawa. "Because I'm married Raj! Masaya kana na nalaman mo na!" Sigaw ko dito at tumingin dito.

Nakita ko ang halo halong emosyon sa mata nito at nakakunot noo pa ito sa akin. Nagtataka at natatakot din ang nababasa ko sa expresyon ng mukha nito.

"Y-your what?"

"I'm married, I'm sorry kung ngayong ko lang sinabi." Nag baba ako ng tingin pagkatapos kong sabihin yun.

"Huh."

Napaangat muli ang tingin ko dito ng hindi ito mag salita. Namalisbis ang luha na kanina pa nitong pinipigilan.

"I-I don't want to hurt you Raj, pero nagagawa ko na ngayon. I'm sorry."

"S-sabihin mo sakin. Arrange married lang y-yan diba?" May pag-asang tanong nito sakin. Pinahid ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. Tumango ako.

"M-mahal mo na siya? K-kaya ayaw mo na s-saakin?"

"Of course not. Never akong mag mamahal ng demonyong katulad niya." Sabi ko dito.

"Isa nalang. M-mahal mo ba ko Joan?" Tuloy tuloy ng tumulo ang mga luha nito ng matapos niyang sabihin ang tanong niya sa akin.

"R-raj." Utal kong tawag dito.

"Please Joan sabihin mo sakin. Ano ba ko sayo? Isang laruan o isang kabit lang talaga. Kung kabit handa akong maging kabit huwag ka lang mawala sa piling ko. Laruan? Sige pag laruan mo lang ako, basta huwag ka lang mag sawa sa akin. Huwag mo lang akong iwan. I can't live without you now Joan. I-I I do everything you want I give everything you need. You need money? I will give you money. You, you want to leave this country I will book now. You want my business? I will give you my business. You want my properties? I will give you all of my properties. H-huwag mo lang akong iwan please. Ibibigay ko lahat lahat ng kailangan mo o ng gusto mo. Huwag mo lang akong iwan mag isa please." Pagmamakaawa nito. Habang sinasabi niya yun ay lumalapit siya sa akin at ngayon ay nakaluhod na siya sa harap ko habang humahagulgol at habang hawak ang kaliwa kong kamay ng sobrang higpit, ramdam ko ang takot niya. Kahit ang mga luha ko ay hindi ko na din mapigilan. "I will do everthing just please don't leave me."

Si Raj, yung taong hindi ko inaasahang magiging ganito sa akin. Sa likod pala ng maskara niya ay nag tatago ang isang binata na takot maiwan ng taong mahal na mahal niya. Kahit iwas na iwas ako sa kanya dahil ayokong maging misirable ang buhay niya ng dahil sa akin. Perpekto ang buhay niya para saakin. Nakilala ko ang pamilya niya na sobrang babait at mapagmahal na tao. Walang inaapakan na tao ang pamilya nito. Paano ako? Gusto ko din ng perpektong pamilya na mahal ka at aalagaan ka. Yung kaya ka isinilang dahil aalagaan ka nila at mamahalin. Pero kabaliktaran ang buhay ko. Hindi ito perpekto o anuman ang tawag ko sa buhay ko ay misirable, bakit? Bakit nga ba ayun ang tawag ko sa buhay ko?.

Dahil isinilang ako upang hingian lamang ng pera. Ayaw nila akong magpapagod upang kumita ang gusto nila ay mabigyan ko sila habang ginagamit ko ang katawan ko sa isang taong never kong kinausap o nakapitan man lang. Sa taong nasira ang buhay ng dahil sa magulang ko. Gusto ko ng tumakas sa madilim kong mundo. Gusto kong umalis pero kada plano kong umalis, sipa, suntok, sampal, kurot, hampas, at hataw parati ang naibibigay sakin ng magulang ko. Kapag hindi rin nila nakuha ang gusto nila sa akin ay bugbog din ang bagsak ko. Manhid na manhid na ko sa lahat ng pananakit na ginagawa sakin ng magulang ko. Nakasanayan ko nalang ito, nagagawa ko na ngang nakawan ang bahay ng asawa ko upang maibigay ko lamang ang kinakailangan nilang halaga.

"Raj, please let me go. Pareho lang tayong masasaktan." Pag mamakaawa ko dito. Naibagsak ko na ang bag ko dahil pilit kong inaalis ang pag kakahawak nito sa isa kong kamay.

"S-sabihin mo muna ano ang nararamdaman mo para saakin."

NARINIG ko ang malalim na buntong hininga ni Joan. "Ikaw yung huling taong lalapitan ko. Ikaw yung taong pipiliin ko at lalapitan ko dahil ikaw ang safe place ko Raj. I'm sorry kung mukha kitang ginamit. Ayokong sabihing mahal kita dahil hindi talaga ito nararapat. Hindi ka para saakin na puro sakit lang ang maidudulot sayo. Ayokong magulo ang buhay mo lalo na ng pamilya mo. Inaamin ko unti unti na kitang minamahal pero hindi talaga pwede. Dahil sa mundo ko ay wala akong karapatang mag mahal ng iba. Sobrang misirable ng buhay ko kung alam mo lang, pero syempre ayokong sabihin sayo kung ano ang kwento ng buhay ko. Ayokong madamay ka sa panget na mundo ko. Gusto kong sumaya ka, gusto kong makita na masaya kana sa iba. Titingnan nalang siguro kita sa malayo habang kapiling ang tamang tao para sayo. Mahal kita pero hindi pwede."

"I-inaaming mong mahal mo ko. Huwag mo kong iwan huwag kang umalis sa piling ko. Huwag ka ng bumalik sa inyo. Kaya kitang buhayin kaya nating ayusin ang arrange married mo. Sabihin mo lang lahat lahat gagawin ko. Huwag mo lang akong iwan Joan nag mamakaawa ako sayo. Ito ang unang beses na maramdaman ko ito. Mahal na mahal kita hindi ko kayang mawala ka sakin." Alam kong para na akong tanga na nag mamakaawa sa babaeng pilit akong tinataboy sa magulo niyang buhay. "Wala akong pake kung misirable ang buhay mo. Simula noong una nating kita naging parte na ko ng buhay mo. Kaya ko ipaliwanag kila Mom ito matatanggap ka pa nila. Huwag mo kong iwan ito lang ang isang hiling ko sayo."

"Raj nag mamakaawa ako-."

"Nag mamakaawa din ako Joan, nag mamakaawa ako na huwag mo kong iwan. Hindi ko kaya."

🐼Mami_panda🐼
Opss🤭
Do you want more? Haha.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon