"LEIGH , Alam mo na ba na may papalit daw kay Sir Raf ngayong araw. Mga isang linggo daw natin yung bagong prof. Natin." Sabi ni Ria.
"Hindi ko pa alam sayo palang." Sabi ko. "May ginagawa kase ako dito sa room kaya wala akong balita pa sa labas." Sabi ko pa.
"Mamaya na jan na yun, gwapo daw eh." Sabi pa ni Ria. Tumango nalang ako dito at pinagpatuloy ang pag kutkot sa laptop ko. Maya maya ay oras na nga ni Sir Raf.
"Good afternoon class." Bati ng isang baritonong boses na kilalang kilala ko. Nag angat ako ng tingin sa taong bagong pasok sa room namin. Nang makita ay nang lalaki ang matang na tinitigan ito.
"Good afternoon Sir." Bati ng mga kaklase ko.
"By the way call me Sir Migs." Sabi nito.
"Good afternoon Sir Migs." Bati ulit ng mga ito.
Napakurap kurap lang ako ng may sumiko sa braso ko. Nilingon ko si Ria. "Bakla kunti nalang luluwa na yang mata mo sa sobrang paglalaki niyan." Natatawang sabi nito. "Siya yung sinasabi kong bagong prof." Sabi nito.
"Eh hindi naman teacher yan eh." Sabi ko.
"Eh alam mo naman tong school natin kahit di teacher basta may kapalitan yung teacher na umalis eh." Sabi nito. Tumango tango ako dito.
"Sino ang president niyo?" Tanong ni Migs.
"Si Leigh po Sir." Sabi ng mga kaklase ko.
"Leigh?" Tanong nito. Tumayo ako at tumingin ito sakin. Nagulat din ito ng makita ako.
'Nagulat o gulat gulat.' sabi ko sa isip ko.
'Dalawang taon ko din hind nakita ang lalaking to.' sabi ko pa sa isip ko. 'Hindi maaari.""Bakit po Sir?" Tanong ko.
"Ah eh , sino may hawak ng attendance niyo?" Tanong nito.
"Ako." Sabi ko.
"Pwedeng mahiram?" Tanong nito.
"Oo naman Sir." Sabi ko. Kinuha ko ang laptop ko at lumapit sa kanya sa lamesa sa unahan. Inilapag ko sa harap niya ang laptop ko at na doon na ang attendance.
Nag hintay lang ako sa tabi nito habang nag aattendance. Nang matapos ay humarap ito sakin.
"Thank you Leigh." Sabi nito.
"Walang anuman Sir." Sabi ko. Kukunin ko na ang laptop ng ma back yun sa may wallpaper ng laptop kaya mabilis kong isinara yun.
'Nakita niya ba?' tanong ko sa sarili ko.
'Ok, sana kung si Jeigh lang ang nakita o napansin niya.' sabi ko pa sa isip ko.
Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang laptop ko sa mesa nito.
"Ano yun?" Tanong nito ng makatalikod ako.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.