Best Friend Goals 2

3.3K 6 0
                                    

FEW MONTHS LATER

"MAY new friend nga ko." Sabi ko.

"Oh tapos?"

"Inaaya ako mag xylo. Sama ko daw gusto ko isama." Sabi ko pa dito.

"Sabi ko madami akong gusto isama. Ok lang daw kahit ilan. Sabi ko ok basta wala akong ilalabas. Oo daw."

Ngumiti si Kath sakin ng pag lingon ko dito. "Yang ngiti mo nakakademonyo beh." Sabi ko dito at uminom na ng coke sa baso ko.

"Kilan daw?"

"Mamaya agad." Sabi ko dito.

Natawa ko ng masamid ito. "Agaran? Gabi?"

"Ay tanga ka girl? Sige nga mag bar ka mag isa sa hapon." Irap ko dito.

"San tayo tutuloy kung sakali?"

"Meron silang hotel doon. Doon nalang daw tayo. May driver naman daw sila yung isang Van nila dadalin. Kase sabi ko medyo madami ko isasama. Minsan lang ito." Sabi ko dito.

"Ay ok yan. Sabihin ko overnight sa inyo." Sabi nito.

"Gaga mo baka mamaya pumunta nga yun samin." Sabi ko dito. "Ipaalam mo naman night swimming bukas tayo ng tanghali uuwi." Sabi ko pa dito at inubos na ang coke sa baso.

"Ay sige ako na bahala. Edi mag dadala pa ko ng damit?"

"Malamang iwan mo dito sa bahay, tapos dito naman tayo deretso pag uwi eh. Maligo ka muna bago ka umuwi sa inyo."

"Ok sige. Hatid mo na ko para makapag paalam na ko." Sabi nito.

Nag paalam na si Kath sa tatay ko doon na busy manood ng netflix. Kinuha ko lang ang susi ng motor at lumabas na.

"Ako mag drive." Sabi ni Kath, kaya hinagis ko dito ang susi.

GROUP CHAT

Reig: Xylo mamaya.

Jomar: Uy sama naman jan.

Reig: Kung sino gusto sumama pumunta lang sa labas ng sm mamayang alas syete.

Tian: G

Jm: Sama!!

Jacob: *Reply to your message* Sige

Maica: *Reply to your message* Uy sama ko jan syempre.

Dj: Sama din ako.

Vicente: *Reply to your message* Jacob sunduin niyo ko.

Jacob: *Reply to Vicente's message* Always naman.

Vicente*Reply to Jacob's message* Para makasama ko.

Lorens: @Jomar punta ko jan sabay tayo.

Justin: *Reply to your message* Di ko sure huh. Mag luluto ko burger ulit ngayon eh haha

Reig:*Mention Justin* Minsan lang ito Tin sumama kana. Pag wala ka mamaya FO toh.

Justin: *mention you* hala hindi ko talaga sure. Pero tingnan ko.

Reig: Good.

Jacob: *Mention you* Pano pala tayo uuwi? Masyadong malayo saatin ang xylo?

Reig:...

Reig: May sasakyang susundo satin mamaya at may tutuluyan tayo doon wag kayong mag alala.

All: Nice/ Uy yun oh/ first time sa xylo.

Jomar: Ayusin niyo mga porma niyo wag mukhang dugyot. Xylo yun mayayaman na doon.

Maica: *mention you* Nakakuha ka ba ng sugar daddy? Kaya xylo ngayon ang aya mo?

Reig: Gago may bago kong kaibigan. Di naman ito una naming pag kikita mag tiwala kayo.

All:G/see youu later.

7:00pm

Nandito na kami ni Kath sa labas ng sm. Wala pa naman yung susundo samin. Nakaupo kami sa isang bench sa labas at kumakain ng waffle. 8:00 pa naman punta ng susundo samin, pinaaga ko lang ng isang oras dahil alam kong late ang mga ito.

Madaming lumilingon samin ni kath. Kase ikaw ba man ang nasa labas ng mall na naka heels eh. Naka sando dress na backless akong fit sakin hanggang kalahati ito ng hita ko. Naka jacket naman ako ngayon na ganun din ang haba. Habang si kath ay naka crop top na di tali lang sa likod at naka maong short ito. Pinahiram ko na din ito ng heels na 4 inch.

Unang dumating ay si Justin na hindi pa ito sigurado na pupunta. "Kayo palang?" Takang tanong nito.

"Di ba halata?" Tanong ko dito.

Napangiti ako na ang pogi ng porma nito. "Pogi natin ah naka polo ah."

"Syempre baka na doon na ang the one." Sabi nito at umupo na sa tabi ko. Mag kakrus ang hita ko.

Sunod sunod na din silang dumating. Nakumpleto kami ng 7:50 buti at medyo napaaga ang sundo namin. Dahil saktong pag dating nila Jacob, Vicente, Tian, DJ at JM ay pag dating din ng itim na van.

Lumabas doon si Camile na napaka ganda ng ngiti sa akin. Yumakap ito sa akin. Sumunod na lumabas ay si Janel yumakap din ito sa akin. Ang huli ay ang kuya ng Dalawa si Cleo. Yumakap din ito sa akin.

Isa isa kong pinakilala ang mga ito sa isa't isa. Nang matapos ako ay nag kaayaan ng umalis.

Nasa tabi ako nila Camile at Janel nasa passenger seat naman si Cleo habang may driver ang mga ito. Isa sa mga mayayaman na pamilya sila Camile. Ilang buwan na kaming nag uusap sa IG. Unang kita namin ay sa Moa ang sumunod ay sinama nila ako sa pag shopping sa Moa ulit at ang huli ay ang pag punta nila dito samin at nilibre ulit ako. At ito na nga ang pang apat na pag kikita namin.

Birthday daw kase ng pinsan nila kaya naisipan nila akong isama at mag sama. Medyo tahimik ang mga tropa ko sa likod habang ang dalawa sa mag kabilang gilid ko ay kinukulit ako.

"Hindi kami talo ng Kuya niyo." Sabi ko sa dalawa upang tumigil.

"Kuya payag ka nun may tumatanggi na sayo." Sabi ni Janel sa kuya nito. Lumingon si Cleo samin at nag tama ang tingin naming dalawa.

"Wag niyo ng kulitin si Reig. Totoong hindi kami talo nyan." Sabi nito at ngumisi bago ibalik ang tingin nito sa harap.

"Sayang bagay pa naman kayo ni Kuya." Nakasimangot na sabi ni Camile. Pangalawa sa kanila ay si Cleo na 22 nasumunod ay si Janel na 20 at itong si Camile na kaedad ko na 19. May Kuya pa sila pero ang sabi ay nasa USA dahil inaasikaso ang business nila doon. Mas matanda lang ng dalawang buwan si Camile saakin. Taken na ang mag kapatid na yan si Cleo lang ang ayaw pa dahil nag aaral ito sa business nila kaya busy na tao.

"Ireto mo nalang ako sa iba beh." Sabi ko dito.

Ngumiti ito bigla saakin. "Yung pinsan ko gwapo yun baka mabet mo medyo mas matanda lang satin ng 5 years." Sabi nito.

"Beh sabi ko sayo 2-3 years lang ang gap na papatulan ko." Sabi ko dito.

"Ay basta mamaya." Sabi nito.

🐼Mami_panda🐼
Mga 2 chaps pa or 3 haha ewan. Keep safe guys and have a good health everyone.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon