NASA kotse na kami ng mag salita si Jessabell.
"Mommy?" Tawag nito sakin. Nilingon ko ito. "Yes, baby?"
"Siya po Daddy ko diba?" Tanong nito.
"Yes Honey." Sabi ko dito.
"Hmm." Nasabi nalang nito.
"Ipapakilala kita siguro bukas huh, mag uusap muna kami mamaya pag nag kita kami." Sabi ko dito. "Or kaya next week pag tapos ng exam mo." Sabi ko pa dito.
"Ok po." Sabi nito.
Nung mag 4 years old siya ay sinabi ko sa kanya kung sino ang totoo niyang ama. Dati kase ay akala niya ang Tito-Papa niya ang ama niya. Pinakita ko din dito ang picture ng ama nito. Pero sinabi ko dito na huwag muna itong tawaging Daddy hanggat hindi ko ito napapakilala doon. Mabilis naman itong nakakaintindi. Lalo na pag ako ang nag sabi dito.
Nag tungo kami sa mall para makabonding ang anak ko.
MABILIS lumipas ang oras at 7:30 na.
"Sure kang makikipag usap ka sa kanya?" Tanong sakin ni Jerson.
Tango lang ang naging sagot ko dito. Kinuha ko na ang susi na nasa table. "Lakad na ko ikaw na muna bahala kay Jessabell." Sabi ko dito.
"Sige mag ingat ka. Tawagan mo ko kapag mayroong hindi magandang nang- yare." Sabi nito.
"Opo Boss." Sabi ko dito. Tinalikuran ko na ito. Nag lakad ako palapit sa anak kong busy manood ng Dora.
"Baby." Tawag pansin ko dito. Kinuha nito ang remote na nasa tabi nito at inis- stop ang pinapanood nito.
"Yes po?"
"Aalis na muna si Mommy Huh." Sabi ko dito.
"Ok po ingat po kayo." Sabi nito at bumaba sa sofa at lumapit sakin niyakap ako nito sa hita. Yumuko ako para halikan ito sa noo.
"Opo Ma'am." Sabi ko naman dito. Ngumiti naman ito sakin.
"Sige po ingat po kayo huh." Sabi ulit nito ng malapit na ko sa pintuan. Tango nalang ang sinagot ko dito.
Tuluyan na kong lumabas ng bahay at dumeretsyo sa kotse ko. Pag kapasok ay inilapag ko sa passenger seat ang dala kong bag. Ipinasok ko na ang susi sa susian ng kotse at sinimulang paandarin yun ng mag start.
Nang nasa highway na ko at nag stop light ay tumingin ako sa relo ko. 8:30 na ng gabi. Late na ko sa napag usapang oras. Hindi ko din naman inaasahan na matratrafic ako ngayon. Nang mag green light ay pinaandar ko na agad ang kotse.
HALOS mag isang oras na kong nag hihintay kay Bella dito sa Cafe na sinasabi niya. Sumimsim ako sa kape ko habang pinapalibot ang tingin sa buong Cafe. Napatingin ako sa pumasok ng Cafe at si Bella na yun at mukhang nag hahanap.
Tumayo ako kaya sakin nabaleng ang paningin nito. Ngumiti ito ng ngitian ko ito. Lumapit naman ito agad sa pwesto ko. Pinag hatak ko ito ng mauupuan nito.
"Thank you." Sabi ko dito. Ako naman ay umupo na sa kaninang inupuan ko.
"May gusto ka bang kainin?" Tanong ko agad dito.
"Ah hindi na. Busog pa ko." Sabi nito.
"Water?" Tanong ko dito.
"Sige." Sabi nito.
"Waiter." Tawag ko sa waiter na mefyo malapit samin.
"Yes Sir?" Tanong ng waiter ng makalapit ito.
"Water with ice nga." Sabi ko dito.
"That's all Sir?"
"Yes."
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.