Husband

3.8K 18 1
                                    

Hi guys ginamit ko lang ang name ng SB19 dito. Pero hindi naman lahat hahaha. Wala na ko maisip na name eh. Happy Reading😉.

"ANO ng gagawin ko?" Tanong ko sa sarili ko.

"Reigh, bakla yung sa agency na pinasahan natin ng papeles ang sabi ay. Ok naman daw yung back ground mo pero bakit daw marriage eh." Sabi sakin ni Mak Mak ang kaibigan kong bakla na pinag selosan ni Allen asawa ni Kat.

"Single dapat?" Tanong ko.

"Oo." Sabi nito.

"Sige, kuha mo ko sa uncle mo  ng annulment paper huh." Sabi ko dito.

"Eh pano mo mapapaperma ang asawa mo doon sa papel na yun?" Tanong ni bakla.

"Ako na bahala." Sabi ko.

"Ok sige mamaya bibigay ko sayo." Sabi nito.

"Ok sige salamat." Sabi ko.

"Alis na ko para kunin yun. Balik ako dito agad pag kuha ko." Sabi pa nito.

"Sige sige ingat." Sabi ko.

Umalis na ito at naiwan nalang ako sa apartment na tinutuluyan ko kasama ang anak ko na nanonood ng tv.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kat. Sinagot naman nito agad yun.

"Kat?" Tawag ko.

"Bakit?" Tanong nito.

"Pwede ko bang iwan sa inyo si Sky?" Tanong ko dito.

"Bakit na naman?" Tanong nito.

"Pupuntahan ko lang si Stell." Sabi ko.

"Pupuntahan mo ang asawa mo? Himala ata yan Reigh ah." Sabi nito.

"Need ko. Yung sa inaaplayan kong trabaho ay ok na pero dapat daw ay single eh." Sabi ko.

"Sinasabi ko naman kase sayo sa kompanya nalang ulit ikaw nila Allen mag trabaho." Sabi nito.

"Eh, masyadong malapit sa magulang ko at marami na akong utang na loob sa inyo." Sabi ko.

"Kase naman bat ayaw mo pa bumalik sa inyo. Nag hihirap ka tuloy jan." Inis na sabi nito sakin.

"Alam mo ang dahilan ko kat." Sabi ko.

"Nako bala ka. Sige dalin mo dito yang inaanak ko. Namimiss ko na kakulitan nyan. Namimiss na din ni Alec yan." Sabi ni Kat.

"Ok love you talaga best friend." Sabi ko.

"Ewan sayo. Love you too." Sabi nito.

"Sige bye na." Sabi ko.

"Bye." Sabi nito.

NANG HAPON na ay naibigay na sakin ni Mak ang papeles na hinihingi ko dito. Nadala ko na din si Sky sa bahay nila Kat.

Ngayon ay pabyahe na ako papunta sa Ajero Building. Nang makababa sa sariling sasakyan ay inangat ko ang tingin sa building na yun. Napangiti nalang din ako. Pero pumasok na din kaagad.

"Good afternoon Mrs. Ajero." Bati sakin ng guard doon.

"Oh naaalala niyo parin po pala ako." Natatawang sabi ko.

"Syempre naman po ma'am." Nakangiting sabi nito.

"Najan ba si Stell?" Tanong ko dito.

"Opo Ma'am nasa opisina niya." Sabi nito.

"Sige salamat po." Sabi ko.

Tuluyan na akong pumasok at marami paring bumabati sakin. Nginingitian ko nalang ang mga ito.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon