EX

3.4K 19 0
                                    

"DAD!" Naka simangot na sabi ko.

"Anak para rin naman sayo yun." Sabi nito.

"Dad naman eh, i told you already na I don't need a bodyguard na." Sabi ko pa.

"Darling your Daddy is right ok." Sabat naman ng nanay ko.

"Para saan pa ang pag aaral ko ng self defence diba." Sabi ko.

"Darling hindi naman sapat ang pag aaral mo nun para protektahan ang sarili mo." Sabi ng tatay ko.

"So balik na naman tayo sa dati? Na may bodyguard ako and I don't have a privacy again?" Tanong na sabi ko.

"Anak ngayon hindi ko na papakilaman ang buhay mo. Basta may bodyguard ka at alam kong safe ka sa kanya." Sabi nito.

"Ok fine. Hindi na ko makikipagtalo dahil kahit ano ng gawin ko talo parin ako." Sabi ko. "Who is he?"

"It's Garrett." Sabi ni Mommy.

"Garrett what?"

"Garrett Velasquez." Sabi ni Daddy.

"What?" Gulat na tanong ko. "My Ex?" Tanong ko pa.

"Yes Honey." Nakangiting sabi ni Mommy.

"Mom! Dad!"

"Oh bakit? Ex mo na diba? Ilang taon na din ang lumipas eh siguro naman limot mo na yung nangyare sa inyo." Sabi ni Daddy.

"Dad sa tingin niyo makaka limot ako----." Nahinto ako sa pag sasalita ng may marinig na umiiyak.

"Momma." Rinig kong tawag ng batang babae.

"Momma Si kuyaaa." Umiiyak na sabi nito.

"Ano na naman ba yan Chloe?" Tanong ko. Bumukas ang pinto ng library at pumasok doon ang isang batang babae.

Yumakap ito sa akin. "Si kuya Momma." Sumbong pa nito.

"Ano na naman ba ito Cleo?" Tanong ko sa batang lalaki na kakapasok lang din ng library.

"Momma Kuya said i'm ugly." Umiiyak pa na sabi nito.

"Cleo?" Tanong ko sa batang lalaki.

"Momma?" Nakasimangot na tanong nito.

"Inaasar mo na naman kakambal mo!" Inis na sabi ko dito.

"Sorry?" Patanong na sabi nito.

"Bakit sakin ka nag sosorry, dito ka kay Chloe mag sorry." Sabi ko.

"Sorry Litle sis." Hingi nito ng tawag sa kakambal.

"Ulitin mo pa pang aasar sa kakambal mo hindi na kita papapasukin sa dance class at karate class mo Cleo." Pananakot ko pa dito.

"Momma?" Mangiyak- ngiyak na tanong nito.

"Isa pang paiyakin mo ang kakambal mo. Makita mo lang Cleo. Ayan ata na tututunan mo doon eh." Pinangdilatan ko ito.

"No Momma. Pls po huwag po. Magiging good brother na po ako." Sabi nito at nag punas ng luha.

"Promise to Momma." Sabi ko

"Promise Mom." Sabi nito.

"Ok." Sabi ko.

"Don't cry na huh." Sabi ko kay Chloe. Tumango ito at nag punas ng luha.

"Bati mo na si Kuya?" Tanong ko dito habang pinupunasan din ang mukha.

"Opo." Sabi nito habang tumatango.

"Come here." Aya ko kay Cleo na sumunod naman agad.

"Huwag mo ng uulitin huh?"

"Opo, sorry po kung nagalit ko na naman po kayo." Sabi nito.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon