Wala ko maisip na title eh hehe. I'm back, pero paminsan minsan parin. Busy pa author niyo sa personal na buhay hehe.
HAPPY READING💔
"OWW sabi na." Sabi ko dito habang tinatango ang ulo ko.
"Babe."
"So paano ako? Sino partner ko sa sabado?"
"Babe need kong gawin para ma ipromoted din namin yung new drama namin."
"Alam mo Rick simula mag meeting ata kayo about jan sa drama na yan. Naging ganto na relasyon natin." Sabi ko dito.
"Bahala ka sa buhay mo." Dagdag ko pa.
"Babe come on."
"Wag mo kong mababe babe Rick. Pagod na ko eh. Pati ba naman sa Gala event, siya parin? Kilan naman ako? Puro siya nalang ba? Hindi na ko ang pinipili mo ngayon? Parehas tayong artista alam ko ang trabaho sa personal na buhay. Pero nagiging priority mo na siya eh."
"Hindi sa ganun yun Babe. Si Direk nakiusap sakin na si Ella ang i-partner ko sa Gala." Sabi nito.
"Ok fine. Ano ba sabi ko bahala ka sa buhay mo." Tumayo na ko sa upaan at nag lakad paalis ng kusina nila.
"Uuwi kana iha?" Tanong sakin ng Mommy ni Rick.
"Yes Tita. Una na po ako." Nakangiting sabi ko dito.
"Di ka man lang ba ihahatid ni Rick?"
"Di na po kailangan, mag taxi nalang po ako."
"Ganun sige mag ingat ka huh." Sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.
"Salamat po sa dinner." Sabi ko habang nakangiti. Tumango nalang ito tyaka ako nag lakad ng tuluyan paalis sa bahay nila.
"Babe!"
Rinig kong tawag sakin ni Derrick pero di ko na siya nilingon. Dinalian ko pa ang pag lalakad ko, buti ay naka rubber shoes ako ngayon. Malapit na ko sa gate ng may humawak sa palapulsuhan ko at hinatak ako.
"Mag usap tayo."
Nilingon ko ito at pagak itong kinausap "T-tapos na diba? Ano pa ba?"
Mag sasalita sana ito ng unahan ko siya "Ipinamukha mo na saakin na siya ang pinipili mo simula noon Rick, parang binabasura mo nalang relasyon natin. Huwag mong sabihing nag iinarte ako dito dahil hindi. *Sob* Gusto ko lang ibalik mo sakin yung atensyon mo pero hindi mo magawa. Dito mo ba gustong tapusin ito? Huh?" Pinahiran ko ang luhang tumutulo sa pisngi ko at inalis ang kapit nito sa pulsuhan ko.
"Kung ganun, ayoko na rin eh. Ayoko na rin kase pagod na pagod na ko Rick *Sob* pwede mo namang sabihin ng ayos saakin kung ayaw mo na eh. Hindi yung ganito na parang ginagago mo ko patalikod. Tama na, t-tama na." Basag ang boses na sabi ko. Pagod na kong intindihin siya masyado. Ilang buwan ng ganito relasyon namin pero hindi naming magawang maiayos.
Pati ba naman sa Gala event yung babaeng yun parin ang pipiliin niya. Hindi na nga siya mag kaoras saakin, parating 'May kailangan kaming ayusin ni Ella sa scene i practice lang namin.' 'May meeting kami ni Ella.' 'May gagawin pa ko.' 'Busy ako, may importante lang kaming pag uusapan pa ni Ella.'
Puro Ella, Ella jan Ella doon. Puro nalang siya. Eh bakit hindi nalang yung Ella na yun jinowa niya total puro yun bukang bibig niya sa calls or kaya ang irereply niya saakin.
"What are you saying? Makikipag hiwalay? No Rian, walang hiwalay na mang yayare!" Galit na sabi nito.
"Ikaw pa tong may ganang magalit jan. Pake ko sa anger issues mo. Wala kang karapatang magalit, ako dapat yun. Sa ayaw at sa gusto mo. Makikipag hiwalay na ko sayo. Ngayon na dito mismo sa bahay niyo! Punong puno na ko sayo Rick pagod na pagod na rin akong intindihin ka. Unawain ka, sabihin mo ng maayos huh. Pero di na kita mabibigyan pa ng oras dahil tapos na tayo." Sigaw ko dito at tinalikuran ito agad.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.