DUL

1.7K 13 0
                                    

IT'S already 10 in the evening nasa loob parin ako ng kwarto. Sure na nasa working room na si David kase kanina ko pa siya hindi pinag bubuksan ng pinto. Tinext ko si ate Nikki na iakyat na ang mga pinamili ko at akyatan din ako ng order kong Jollibee.

Napalingon ako ng may kumatok. "Bhe dito na ko." Sabi nito. Umalis na ko sa kama at isinuot ang tsinelas at lumapit na sa pintuan. Binuksan ko na yun at pinapasok na si ate. Sumilip ako sa hallway at buti walang ibang tao doon. Itinulak ko papasok ang mga paper bag at isasara na sana ang pinto ng may humarang doon na kamay.

Nakapamulsa ang isang kamay ni David at ang isa ay kapit ang hamba ng pintuan.

"Bitawan mo." Sabi ko dito.

"Why you lock the door and remove the connection?" Tanong nito.

"Wala kana doon. Bitawan mo sabi." Sabi ko dito.

"Why?"

"Makulit kaba, di mo ba naiintindihan tagalog ko huh. Ispell ko pa ba?"

"Are you mad?"

"Ay bhe hindi. Kaya bitawan mo na yan pwede." Inirapan ko ito at hinatak pa sara ang pinto pero mas malakas ito. Nabwebwesit kong binitawan nalang yun.

"Kumain kana dito bhe." Sabi ni Ate Nikki. "Nag aaway na naman kayong mag asawa nako."

"Ate pasuyo ako ikaw nalang mag ayos nyan sa loob." Sabi ko dito at tinuro ang mga paperbag malapit sa pinto.

"Oo sige, Kumain kana." Sabi nito at isa isang kinuha ang mga paper bag at ipinasok sa loob ng closet.

Umupo na ko sa table doon at sinimulang kumain. "Nikki you can leave now." Rinig kong sabi ni David.

Lumingon ako dito at nakita ko ngang lumabas si ate Nikki sa closet room. "Wag ate ituloy mo pag aayos doon." Sabi ko dito. Papasok na sana ito ulit ng mag salita si David.

"Ako na mag aayos."

"Hindi ate sige ituloy mo na."

"I will fire you Nikki kapag tumuloy ka jan."

"Wag kang makinig jan ate." Sabi ko at napatayo na.

"Pwede ba David lumabas kana!" Naiinis na talagang sabi ko dito.

"Why would I? This is my room and this is my house lady."

"Oww really? Asawa mo ko kaya may karapatan din ako!"

"Nikki Please just leave us here we need to talk. Private."

"Hindi ate sinasabi ko sayo."

"I will give you 1 million just leave this room now." Mababang boses na sabi nito. Nakita kong napalunok si Ate Nikki at dahan dahan lumalapit sa pintuan.

"Hindi na kita papansinin Ate. Babawiin ko na lahat ng ibinigay ko sayo."

"Ay bhe mas grabe ka naman. Wag ganun. Need niyo nga kase mag usap ni Sir eh. Wag mong bawiin huh wag mong gagawin sinabi mo huh. Dito lang ako sa labas promise." Sabi nito at lumabas na nga ng tuluyan.

Inirapan ko si David. Pumunta ko sa loob ng closet at kumuha ng bag doon. Nag lagay ako ng dalawang panlakad at isang pang bahay. Nag bihis na din ako at nag rubber shoes. Kinuha ko ang favorite kong bodybag na Chanel doon at lumabas na ko ng closet at isukbit ang bag.

"Where are you going?" Tanong ni David saakin.

Inilagay ko sa body bag ko ang cellphone ko, kinuha ko din ang wallet ko at inalis ang 6 na card doon at inilapag sa kama. Inilagay ko ang ibang cash sa wallet ang iba ay isiningit ko nalang sa bag. Kinuha ko ang liptint, powder at cologne ko doon.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon