3 MONTHS LATER
MAG tatatlong buwan ng tahimik ang buhay ko dito sa Batangas. Malayo sa manila, malayo sa magulang kong sinasaktan ako. Malayo sa taong mahal ko. Nag pirmahan na kami ng dati kong asawa ng annulment na ikinatuwa ko dahil siya ang naunang nag alok. Binibigyan pa ko nito ng pera at syempre hindi ko tinanggap. Umalis ako doon dala ang mga gamit kong dinala din papunta doon, yung mga galing sa kanya na ibinigay niya sa akin noon ay iniwan ko sakanya. Alam kong masaya na siya sa dapat talagang taong papakasalan niya. Ang alam ko ay nanganak na ito nung araw mismo nag ka pirmahan na kami. Masaya ako sa kanya dahil magiging masaya na siya, maayos ang pag tatapos namin. Kung kailangan ko daw ng pang gastos ay tumawag lang ako sa kanya.
Nag tratrabaho ako ngayon sa isang companya dito sa batangas, hindi gaano kalaki ang sinasahod ko pero sakto lang ito para pang bayad ng upa, at pang kain sa araw araw, at may kaunting sobra pang gastos ko sa iba.
Ngayon ay araw ng biyernes, nag papasalamat ako at makakapag pahinga ako ng dalawang araw.
"Iha hinapon kana ng uwi ah." Sabi ni Aling Eda.
"Ah opo, namili pa po kase ako ng vitamis. Dahil kailangan ko nga daw po sabi ng doctor." Nakangiting sabi ko sa ali. Siya ang may ari ng inuupahan ko at may ari din siya ng medyo may kalakihang karindirya dito sa brgy. namin, kilala siya na masarap mag luto at totoo naman yun.
"Aba kung ganun mabuti, may extra kaba?" Tanong nito ng lumapit sa akin.
"Opo Nay, kailangan ko din kase mag ipon." Sabi ko pa dito.
"Nandito ako kapag kailangan mo ng tulong huh. Kumain ka muna dito tara." Nakangiting aya sakin ng matanda. Nag pahatak naman ako dito. Inalalayan ako nitong umupo. Pinatong ko sa isang upuan ang dala kong paper bag at ang bag ko pamasok.
"Ano ba ang gusto mong kainin iha?" Tanong nito.
"Syempre yang kare kare niyo nay." Sabi ko dito.
Simula mapadpad ako dito sa batangas ay sobrang laki na ng tulong na ibinigay sakin ni Aling Eda o mas tinatawag ko na ngayon Nay Eda. Binihisan at pinakain ako nito nung unang buwan ko dito dahil wala akong trabaho pa nun. Pero nung nakapag trabaho ako ay buti nasaktuhan na may isang umalis dito sa paupahan kaya kinuha ko na rin kahit ayaw ni Nay Eda.
Inilapag na nito ang isang cup ng kanin at isang mangkok ng kare kare at sa isang maliit na platito ay nakalagay doon ang alamang na gustong gusto ko.
"Salamat Nay, tapusin ko lang po pag kain ko tyaka ako mag bayad." Sabi ko dito. Inalis ko na ang sumbrero ko na suot ko at inilapag yun sa mesa.
"Ay nako huwag ka ng mag bayad, basta't kumain ka ng kumain jan. May mangga palang napitas sila Buboy kanina, gusto mo bang ipag balat kita?"
"Talaga nay? Sige po sana ay maasim. Nag laway tuloy ako." Nakangiting sabi ko dito.
"Ipipili kita huwag kang mag alala. Kumain ka lang jan, saglit lang." Sabi nito at iniwan na ko. Tahimik na kong kumakain, may mga taong umaalis at dumarating din agad. Bukas ay mag pahinga ako at baka sa hapon ay tumulong ako dito. Sa loob ng dalawang buwan na nag tratrabaho ako ay hindi na ko sanay na mag hilata hilata lang jan. Dahil alam kong mahirap kitain ang pera. Lalo at mag isa nalang ako ngayon.
"Ano masarap dito Buboy?" Tanong ng isang baritonong boses, kilalang kilala ko ang mababang boses na ito. Pero baka nag kakamali lang ako. Hindi ko na ito pinansin at nag patuloy ako sa pag kain.
"Ate Joan?" Tawag ng bata sa akin. Napahinto ako sa pag subo ng ulam at kanin. Inangat ko ang tingin sa batang tumawag sakin.
"Oh boy, ikaw pala. Kasama mo ba ang kapatid mo?" Nakangiting bati ko dito. Uminom ako ng tubig pag katapos kong sabihin yun.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.