NOT 🚫
"YOU promise right?."
"I-I'm sorry. P-patawarin mo ko."
"At sa tingin mo mapapatawad kita ng ganun ganun lang huh. Keith masakit. Hindi mo alam yung nararamdaman ko ngayon. Nangako ka sa harap ng simbahan, sa harap ng Diyos at sa pamilya ko. Ako lang. Ako lang. Pero bakit naman ganun." Umiiyak na nasabi ko.
"Dahil ba hindi ka mag ka anak sakin huh!" Sigaw ko dito at pinag hahampas ito sa dibdib. "Sabihin mo Keith. Dahil ba hindi ka mag ka anak sakin?"
"H-hindi sa ganun. Sorry." Puro sorry nalang ang nasasabi nito. Wala akong paki kung umiyak siya sa harap ko, dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
"Nabuntis mo yung tao kaya nag pakasal ka. Kahit alam mong kasal kana sakin? Alam mo ang kundisyon ko kaya hindi tayo mag kaanak, hindi ba? Hindi kaba makuntento kay James huh?" Hindi ko na napigilan ang kamay ko na sampalin ito. "Ayos lang ako. Kung maaari huwag ka na muna mag pakita sakin." Sabi ko dito at tinalikuran ito.
Bumuhos pa ang mga luha ko ng yumakap ito sa beywang ko habang nakaluhod ito sa likod ko.
"Hon huwag mong gawin sakin ito." Pag mamakaawa nito.
Habang umiiling ay tinanggal ko ang pag kakayakap nito sa beywang ko.
"Kung gusto mo makipag hiwalay. Sabihin mo ng maayos hindi yung ganito. Hindi yung ganito na sa iba ko pa malalaman na may anak at asawa ka sa laguna. Akala ko trabaho ang inaasikaso mo doon. Hindi pala kung hindi babae." Sabi ko ng humarap ako dito.
"Hindi mo alam yung sakit na nararamdaman ko ngayon Keith, hindi mo alam!" Sigaw ko pa dito.
"Patawarin mo ko." Pag mamakaawa pa nito.
Pinahiran ko ang mga luha ko " Gusto mo patawarin kita huh?"
Tumango lang ito. "Pwes umalis ka dito at doon kana sa asawa mo sa laguna. Sasabihin ko kay Papa na asikasuhin ang Divorce nating dalawa." Mahinahong sabi ko.
"Hindi, dito lang ako. Pangako hindi ko na sila muli pupuntahan. Pero huwag mo kong alisan ng koneksyon sa anak ko. Kahit yung anak ko nalang. Maricar. Kahit yung anak ko nalang." Pag mamakaawa pa nito.
"Gusto mo yung anak mo hindi ba. Ngayon na pinagbibigyan kita na doon ka nalang sa kanila. Total may anak ka na sayo mismo. Kase si James hindi nanggaling sa dugo't laman mo. Kaya ganito nag hanap ka ng iba, para magka anak ka. Napaka gago mo Keith. Napakamasarili mo. Alam mo yun."
"Inasam ko rin naman mag karon ng anak na matatawag kong akin. Pero walang tiyansa na mag karon ako ng akin. Kaya lahat ng pag mamahal na gusto kong ibigay sa magiging anak natin. Ibinigay ko kay James." Umiiyak parin na sabi ko dito.
"Alam ko yun Hon. Pero huwag naman tayong umabot sa hiwalayan. Hinding hindi ko na ulit kikitain si Mary pangako. Pero hayaan mo akong maging ama sa anak namin."
"Ano ba ang sinabi ko Keith? Ang sabi ko diba. Pumunta ka doon at maging asawa sa pinakasalanan mo. Kahit alam nating pareho na hindi naman talaga kayo legal na mag asawa dahil kasal ka sa akin. Ito nga't binibigyan kita ng pagkakataon na maging asawa't ama doon sa nasa laguna pero ayaw mo. Wala na akong magagawa pa." Mahinahon na nasabi ko dito. Kahit ang sakit sakit na ng nararamdaman ko. Sa loob ng 9 na taong kasal kami ngayon niya lang ginawa ito. Ang sakit pala ng lokohin ka ng taong mahal na mahal mo. Lahat ibinigay ko pero anak ang pinaka hindi ko kayang maibigay sa kanya dahil sa may sakit ako sa puso at hindi na talaga mag kaanak. Kung mag karon man ay magiging mapanganib pareho ang buhay namin kung sakali.
"Hindi. Hindi huwag niyo kong iwan." Pag mamakaawa pa nito.
"Pare pareho kayo ng magulang mo na man loloko. At talagang nadoon pa ang ama mo at kapatid mo sa kasal mo na yun. Napakasasama ng ugali niyo hindi niyo na ko nirespeto bilang kapamilya niyo. Grabe kayo."
Inalis ko na ang pag kakahawak nito sa kamay ko at nag mamadali akong umakyat sa kwarto naming mag asawa. Oo sarado na ang utak ko sa ngayon. Kailangan ko ng sariwang hangin upang makapag isip isip ng tama. Kailangan kong mapag isa upang makapag isip ng gagawin. Wala na akong magagawa dahil ilang buwan ng buntis ang kabit ng asawa ko at malapit ng manganak ito. Napakawalang hiya nila ng pamilya niya. Hindi na ko nirespeto bilang tao man lang sana. May karapatan naman akong magalit hindi ba? Ako ang legal na asawa. Hindi ko man alam kung gagawin ko talaga ang sinabi ko na divorce. Pero ayun lang ang paraan na nakikita ko sa ngayon upang lumigaya ang taong mahal ko.
Pero napaka makasarili niyang tao.
🐼Mami_panda🐼
Drafts muna tayo guys. Di ko pa alam kung kilan ko update yung Husband (3) Ito isang chap lang kaya yun. Keepsafe guys.
Happy 6K Reads dito🥰
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.