HOLD DOP

7.7K 25 3
                                    

"PERA KO?." Tanong sakin ni Don teo.

"Ah, Don teo wala pa po akong mabibigay ngayon." Sabi ko.

"Na naman?"

"Pasensya na po. Promise next week po." Sabi ko.

"Nako naman Marga. Ilang beses na to,huh isa pang ganyan mo. Buhay mo na ang kapalit." Sabi nito.

"O-opo." Sabi ko.

"Na daan ka jan sa restaurant sa labas diba?" tanong nito.

"Opo." Sabi ko.

"Magaling ka naman mang nakaw ng kotse. Yung kotseng itim yung gusto ko na ibayad mo sakin." Sabi nito.

"Sige po." Sabi ko.

"Next week huh?."

"Opo,kahit ngayon pa susubukan kung kunin." Sabi ko.

"Sige pwede kana umalis." Sabi nito.

Tumango ako at lumabas na ng hide out.

"Oh, buti buhay ka pa naka alis jan." sabi ni Boboy.

"Ganun talaga." Sabi ko.

"Tara na. May trabaho pa tayo." Sabi ko.

Umalis na kami doon at nag mamadaling lumabas ng looban ng baranggay husay.

"Nakikita mo yung kotse sa 4" sabi ko.

"Oh."

"Ayan ang gusto ni teo." Sabi ko.

"Edi tara na." Sabi nito.

"Saglit lang. Mag masid muna tayo." Sabi ko.

"Ok." Sabi nito.

Tumawid na kami sa kabilang kanto. Hanggang ngayon ay na doon parin yung kotse na itim. Maganda nga pero parang ang hirap kunin nito. Walang pa susi sa may pinto. Ford ata to.

"Mahirap ata yang kunin." sabi ni Boboy.

Gabi na naman at walang masyadong tao dito. Pwede ko na siguro to makuha.

"Mag bantay ka jan huh." Sabi ko.

"Oo."

Nilapitan ko na ang kotse at inilabas ang pang kutkot ko.

"Shemay ayaw pumasok." Sabi ko sa isip ko.

Ilang minuto na ako doon pero di ko parin talaga ma pasok ang alambre sa loob.

Nang bigla nalang may humawak sa mag kabilang beywang ko. Nanigas ako sa pag kakatayo ko.

"Ano yang ginagawa mo?" tanong ng taong nasa likod ko.

"Alam mo bang masama yang ginagawa mo huh?" Tanong pa nito. Ang lapit lang ng mukha nito dahil nararamdaman ko sa may bandang tenga ko ang hininga nito.

Sisikuhin ko sana pero nakapitan agad nito ang dalawa kong kamay at may kinabit na malamig na bagay doon.

'P*ta ang malas. Mahuhuli pa ata ako ngayon.' sabi ko sa isip ko.

Nagpumilit ako kumawala sa hawak nito. Pero di ko magawa.

"Pulis ako kaya wag ka ng kumawala pa." Sabi nito.

"At yang sasakyan na gusto mong buksan ay akin."

Napalunok nalang ako. Binuhat ako nito sa beywang at pilit pinasok sa loob ng kotse nito.

Hindi na ko nag reklamo at baka mas lumala pa. Naiiyak nalang ako dahil ang malas ko lang talaga ngayon.

Sumilip ako sa labas at wala na si boboy doon.
Pumasok naman ito sa driver seat ng kotse. Naka tungo lang ako sa kamay ko na naka posas.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon