Ang tagal ng next noh? Hahaha. Last chap🤔
"YOUR DNA result is here." Sabi ni Mark sa telepono ng masagot ko ang tawag nito. "Do you want to see it by your self or you want me to read it now?"
"I'm going there. Wait for me." Sabi ko at binaba na ang tawag nito.
Tumayo na ko sa swivel chair ko at kinuha ang coat ko na nakasabit sa stand sa gilid ng office ko at isinampay muna yun sa bisig ko. Kinuha ko ang susi ng kotse ko na nasa mesa ko at nag lakad na ko palabas ng office ko.
Huminto ako sa table ng secretary ko. "Cancel my meeting."
"Lahat?"
"Yes, I need to go to the hospital."
"Samahan ho ba kita?"
"No need, you can go now." Sabi ko at umalis na dun. Pinindot ko ang private elevator. Pang akin lang itong elevator na ito or sa mga bisita ko slash bwesita na mga kaibigan.
"READ it now." Sabi ko kay Mark ng makapasok ako sa clinic nito.
Kinuha nito ang envelope na nasa mesa nito. Umupo na ko sa upuan doon.
"99.9%." Sabi nito.
"Anak ko?"
"Oo." Sabi nito.
Tumayo ako muli at lumapit sa mesa nito. "Pwede ko naman kunin yan diba?"
"Oo naman." Sabi nito at ibinalik ang papel sa envelope at iniabot nito yun saakin na kinuha ko agad.
"Una na ako." Sabi ko dito.
"Sige mag ingat ka."
KANINA pa ako kumakatok dito sa pinto ng apartment nila Reigh, pero walang nag bubukas. Nang may isang tao na kakarating lang.
"Anong ginagawa mo dito iho?" Tanong sakin ng ginang.
"Nasaan na po naka upa dito?" Tanong ko.
"Umalis na iho nung linggo pa." Sabi nito.
"Fuck!" Bulong ko at basta nalang umalis doon.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko at tinawagan ang kaibigan ko.
"Hey."
"Bro, I need you now. I need you to trace my wife now. I will pay." Sabi ko habang nag lalakad ako palapit sa kotse ko.
"Ok give me 5 minutes." Sabi nito. Pumasok na ko sa kotse at hinintay ulit itong mag salita.
"I will message you the address Bro." Sabi nito ng makalipas na ang tatlong minuto.
"Thanks Bro." Sabi ko at binaba na ang tawag. Inistart ko na ang makina ng kotse at na receive ko na ang address na sinasabi nito.
Pinaharurot ko agad doon ang kotse ko.
"NAGUGUTOM na ba ang baby ng Mommy?" Tanong ko kay Sky ng magising ito. Mag lalunch palang naman.
Medyo marami rami na ring alam si Sky sa pag sasalita. "Opo." Sabi nito habang kinukusot ang mata nito. Napangiti ako. Napakagwapo talaga ng anak ko. Madaming nag sasabi na boy version ko at totoo naman. Buti may natabi akong isang litrato ko nung bata ako.
Nasa mansion kase lahat ng gamit ko. Lahat ng gamit ko ngayon galing sa pag papakapagod ko sa trabaho.
Binuhat ko na si Sky at lumabas na kami ng kwarto dito sa bagong inuupahan namin. Nag lakad ako papunta sa mesa at inupo ito sa upuan niya. Umupo na din ako sa katabing upuan doon. Pinakain ko ito ng carrot at patatas na maliliit ang hiwa. Habang nanguya siya ay ako naman ang kakain.
Tapos na kami kumain kaya nag ligpig na ko ng pinag kainan namin. Inilapag ko muna si Sky sa may sala at nilagyan ito ng mga laruan niya. Tanaw ko naman mula dito sa kusina siya. Mas maliit kase itong nakuha ko kesa noon.
Nag pupunas na ko ng kamay ng may kumatok sa pinto ng inuupahan ko. Nag tataka man ako pero lumapit parin ako dun. Sinilip ko si Sky pero busy parin naman ito mag laro.
Binuksan ko yun at nagulat sa taong asa labas ng bahay ko. Isasara ko na sana ang pinto ng humarang ito doon.
"Bakit ka nandito!" Inis na sabi ko.
"I get the DNA this and It's positive , so that means I'am his father!" Galit din na sabi nito ng makapasok sa bahay ko.
Agad akong lumapit kay Sky at binuhat ito. Mahigpit ang kapit ko sa anak ko.
"Umalis kana! Wala kang mapapala dito!"
"Hindi ka niya kailangan kaya umalis kana. Please lang Stell, lahat nalang kinukuha mo sakin. Hindi pa ba sapat ang pag hihiganti mo sa pamilya ko? pag kuha sa ibang business ng magulang ko? Kaya ito ngayon pinaghihirapan ko ang mga pangangailangan namin mag ina. Wala ka ng pinag bubuntis ko siya at hanggang lumaki siya ng ganito wala ka. Kaya umalis kana nagmamakaawa ako sayo. Umalis kana!"
"Kung hinayaan mo kong maging ama sa kanya sa tingin mo hahayaan kitang mag pakahirap para palakihin siya. Hindi ka kasama sa pag hihiganti ko sa magulang mo!"
"Akala mo yung pag papakasal ko sayo noon ay para lang din dun, Minahal kita ng buo Reigh, never naman kitang sinaktan ah."
"Umalis kana, nag mamakaawa ako sayo."
"Nag mamakaawa din ako sayo. Gusto kong maging ama sa anak ko na pinagkait mo saakin. Parati nalang kase sarili mo ang iniisip mo, hindi mo na inisip ang mararamdaman ko!"
🐼Mami_panda🐼
Mema update lang hahaha. Wait lang sa PM huh dami ko sched ngayong may at June eh😭
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RastgeleWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.