(4)

1K 15 0
                                    

ONE WEEK LATER

"Hi, My Baby." Masaya kong sinalubong si Jessabell. Hinatid nalang siya ng Tita Jona nya dito sa gym, dahil may importanteng bagay itong gagawin.

"Miss na miss ni Mommy yang Baby girl na yan." sabi ko at niyakap ito ng mahigpit.

"Pano ba yan bes. Una na ko huh." Pa alam agad nito. Tumayo ako at hinarap ito.

"Sige ingat ka." Sabi ko dito. Bumeso ito samin ni Jessabell at nag paalam ulit.

Nang makaalis ito ay tyaka ko binalik sa anak ko ang tingin ko. "Kamusta exam mo nak?" Tanong ko kay Jessabell.

Inalis nito ang pag kakasabit ng bag nito sa balikat nito. Ipinatong nito ang bag sa upuang malapit samin. May kinuha itong papel doon at inabot sakin.

Binasa ko ang naka sulat doon. Naka ngiti kong binalik ang tingin kay Jessabell. " Galing naman ng Baby Girl ni Mommy." Sabi ko dito at hinalikan ito sa pisngi.

"Mommy next week po training naman namin sa swimming." Sabi nito.

"Oo nga pala noh." Nasabi ko nalang ng malimutan yun. "Wait, mag dinner pala tayo later  with your Dad." Sabi ko dito.

Nanlalaki ang matang tumingin sakin si Jessabell. "M-mamemeet ko na po ang Daddy ko?" Utal na tanong nito.

"Yes Baby mamemeet mo na later si Daddy mo." Sabi ko dito.

"Yehey, Thank you Mommy." Excite na sabi nito at niyakap ako sa beywang. Niyakap ko din ito.

GABI na at palabas palang kami sa gym. Pag angat ko ng tingin ay saktong kay Alex ako napa tingin.

Ngumiti ito sakin at ginantihan ko din ito ng ngiti. "Na dito na pala Daddy mo." Bulong na sabi ko kay Jessabell.

Lumapit si Alex samin at ng makalapit ito ay agad nitong niluhod ang isang tuhod para mapantayan si Jessabell.

"A-anak?" Utal na tawag nito kay Jessabell. Binuka ni Alex ang mga braso para ayain ng yakap si Jessabell.

Mabilis namang yumayap si Jessabell sa ama nito. "D-daddy." Halatang umiiyak na boses na tawag nito sa ama.

Nang makitang kong may luha din na tumulo sa mga mata ni Alex ay nag iwas ako ng tingin ng maramdamang may luha din na tumulo sa isang mata ko.  Pinahiran ko agad yun.

"Daddy parehas po pala tayo ng color ng eyes." Rinig kong sabi ng anak ko sa ama nito. Binalik ko ang tingin sa kanilang dalawa.

"Oo nga anak ngayon ko lang din na pansin." sabi naman ni Alex habang pinapahiran ang mukha ng anak na puno ng luha.

"Daddy?"

"Yes, Baby?"

"Are you for real?" Takang tanong ni Jessabell sa ama.

"Madami naman po akong pogi nakita na parating nag pupunta noon samin para dalan ng mga kung ano ano si Mommy. Pero parang kulang po ang salitang pogi or gwapo sa inyo eh." Mahabang sabi nito. Piit akong natawa sa sinabi nito. Nag angat ng tingin sakin si Alex at nag tatanong ang tingin nito. Nag kipit balikat lang ako dito.

"Ikaw din naman anak kulang ang salitang maganda eh." sabi naman ng ama nito sa kanya.

Nag yakapan ulit ang mag ama ng matapos itong mga mag usap. "Are you hugry?" Tanong ni Alex sa anak. Tango lang ang sagot ni Jessabell sa ama.

Nilipat ni Alex ang tingin sakin. "How 'bout you are you hungry?" Tanong nito sakin.

"Yeah, actually we did'nt eat meryenda eh." Sabi ko dito.

"Owh, so super gutom na ba ang Baby ni Daddy." Sabi nito sa anak at binuhat pa si Jessabell na kinatuwa naman ng anak ko.

"Sa sobrang excited niyang bata nayan ayaw ng kumain kanina, kaya pati ako hindi na rin kumain." Sagot ko sa sinabi nito.

"So let's go." Sabi nito.

"San niyo ba gustong kumain?" Tanong nito samin ng anak niya.

Nag katinginan kami ni Jessabell at nginitian ang isa't isa at sabay sabing "Unli Wings." Nang masabi namin yun ay nag tawanan kaming mag ina. Lumapit ako sa mga ito at hinalikan sa pisngi si Jessabell. Hindi ko naman namalayang sobrang lapit na pala ng mga katawan namin ni Alex. Napansin ko lang ng tumikhim ito.

"Ops sorry." Sabi ko dito.

"Hanggang ngayon hindi parin nag babago ang gusto mo." Sabi ni Alex sakin.

"Of course." Sabi ko dito.

"Tara na nagugutom na din ako." Sabi nito at hinapit ako sa beywang. Hinayaan ko nalang ito. Namamangha din ako sa lalaking ito eh. 22 kg ang timbang ni Jessabell ako nga ay kahit saglit lang ay nangangalay na kakabuhat dito. Pero itong si Alex ay isang braso lang ang nakabuhat sa anak at ang isa ay nakapulupot sa beywang ko.

Sa loob ng isang linggong wala sakin si Jessabell ay parati ako inaaya ni Alex na kumain sa labas at kweninto nito ang naging buhay nito sa mga nag daang taon wala ako sa piling nito.

Binigyan ko siya ng isa pang pag kakataon para sa bata at para na din samin. Inamin ko naman sa kanya na hindi nawala ang pag mamahal ko dito sadyang na saktan lang ako ng mga panahong iniwan ko ito.  Ganun din naman daw ito. Hindi na nito nagawang tumingin pa sa iba at sabi pa nito ay tama ang sabi sabi ng iba na 'Kung kilan nawala doon ka mag sisisi na.'

Pinag buksan ako nito ng pinto ng makalapit kami sa sasakyan nito. Inalalayang makaupo ng ayos. "Ay nasa kotse ni Jerson yung upuan ni Jessabell nalimutan ko paiwanan. Dito nalang siya sakin ikakandong ko nalang." Sabi ko dito.

"Ah no. May binili akong upuan para sa kanya." Sabi nito. Napatango nalang ako dito. Sinuot nito ang belt ko at tyaka sinara ang pinto ng passenger seat. Sumandal ako sa upuan at pinikit ang mga mata. Nakakapagod na araw na naman.

Minulat ko lang ang mata ko ng maramdamang may umupo na sa driver seat. "Are you tired?" Tanong nito.

"Always." Sabi ko dito.

"What about you take a leave?" Tanong nito sakin.

"Bakit naman?" Tanong ko dito.

"Para mag vacation tayong tatlo." Sabi nito.

"Hindi pwede si Jessabell next week." Sabi ko dito.

"Why?"

"Because i have training in swimming po Daddy." Sagot ni Jessabell sa likod.

"Oh. Kilan kayo free?" Tanong nito.

"Pag tapos po ng training ko sa swimming next next week po." Sagot ulit nito sa ama.

"Next next week then." Sabi naman ni Alex.

"Ala sige mag drive kana at kumakalam na ang tyan ko." Sabi ko dito.

"Yes ma'am." Sabi nito at bago iistart ang kotse ay kumindat pa ito na ikinangiwi ng mukha ko na ikinatawa nito habang umiiling.

🐼Mami_panda🐼
Ito na nga po update na nga po hehehe. Keep safe guys❤️

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon