"BABY KO." Medyo malakas na sabi ko ng ibalik na samin ang anak namin.
Iniabot sakin ng Nanay ko si Alec. Binuhat ko ito at hinalikan sa noo.
"Namiss kita." Nakangiting sabi ko.
"Kamusta Mommy ang pag aalaga kay Alec?" Tanong ko habang hinihili ko ang anak ko.
"Iyak nga ng iyak yan. Siguro ay nalalaman na wala kayo ng asawa mo sa tabi niya." Natatawang kwento ng mommy ko.
"Wawa naman ang baby namin namimiss agad si Mommy at Daddy." Baby talk na sabi ko.
"Nasan pala ang asawa mo anak?" Tanong ng Daddy ko.
"I'm here Dad." Sigaw ni Allen na nasa kusina.
Pumunta na doon ang tatay ko. Lumapit sakin si Mommy at sinilip si Alec na natutulog na.
"Ayaw mo ba talagang kumuha ng katulong para jan sa anak mo?" Tanong nito.
"Mas ok na ako nalang ang mag aalaga sa kanya Mom. Ayokong mangyare ang nang yayare sa ibang sanggol na may katulong." sabi ko .
"Ok,na dito lang kami para kami minsan ng Daddy mo ang mag alaga sa kanya huh." nakangiting sabi nito at hinimas ang ulo ko.
"I know Mom." nakangiting sabi ko.
"Eh, pano ang pag no-nurse mo?" Tanong pa nito.
"Naka leave pa naman ako Mommy." Sabi ko.
"Baby, dito na kayo ni Mom,kakain na tayo." sigaw ni Allen.
"Ok." sabi ko.
Ibinaba ko sa kolong kolong si Alec sa may gilid ng hapag kainan para masilip silip ito habang kumakain kami.
"Ang dami mo palang niluluto dito." sabi ko ng alalayan ako nitong umupo.
"Pupunta din sila Mama dito." Sabi nito.
"Ahh." Nasabi ko nalang.
Nag hintay pa kami ng ilang minuto bago dumating ang magulang at kapatid ni Allen.
"Where's my apo?" Tanong ni Mama ng makapasok sa bahay.
Hinalikan ko muna ito sa pisngi bago ito sinagot. "Natutulog po Ma" sabi ko. Sunod na hinalikan ko ay si Papa at nakipag tanguan lang ako sa kapatid nitong lalaki na si Aillen.
"Sa susunod samin naman ang apo ko huh." sabi nito at kumapit pa sa braso ko.
"Opo naman Ma" ngiting sabi ko dito habang nag lalakad papunta sa kusina.
"Balae." tili ni Mama ng makita si Mommy.
"Balae." ngiting bati ng Mommy ko at tumayo para salubungin si Mama.
"Baby, mauna ka ng humigop ng sabaw dito." sabi ni Allen at inilapag sa harapan ko ang isang bowl ng sabaw.
Ginawa ko ang sinabi nito. Na ngangalahati palang ako ng marinig kong umiyak ang anak ko.
Lumapit ako kaagad doon at binuhat ito. "Nagugutom na ba ang baby namin?" Tanong ko habang inihele toh.
"Sa kwarto lang po kami." Paalam ko sa mga tao doon.
Nag lakad na ako papunta sa kwarto sa taas.
Umupo ako sa sofa at doon pinadede ang anak ko.Ilang minuto na ay narinig kong bumukas ang pinto sa lukod ko. Pabango palang ay alam ko na kung sino.
"Ito baby, dinalan na kita ng pag kain." sabi nito.
"Hmm" sagot ko.
Umupo ito sa tabi ko at sinubuan ako ng pagkain.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES
RandomWARNING: MATURE CONTENT |R-18 NAKAPALOOB DITO AY MAIIKLING KWENTO LAMANG NA DAPAT KONG ISULAT. : ) START:MAY-19-2020 No ending.