This chapter is dedicated to siamelmendez9 and BeaHaskkkudjdu. Kamsahamnida.
----
"Hello?" I heard out of nowhere.
Napahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong pamilyar na boses.
"Hello?" I heard it again.
Madali lang sa 'kin mahanap ang pinanggagalingan ng boses dahil paulit-ulit itong nagbabanggit ng iisang salita.
Mula sa kanan ay nakita ko ang bahagyang nakabukas na pinto. Humakbang ako papalapit dito para mas mapakinggan pa ang boses na naririnig ko mula pa kanina.
And when you become interesting in such things, Alice?
"Nay?.." Napakunot ang noo ko ng ibang salita naman ang narinig ko sa pareho pa ring boses.
Mas lumapit pa lalo ako at mahinang binuksan ang pintuan, doon ko natanaw si Thea na nakatalikod sa 'kin at bahagyang nakaharap sa bintana ng kwarto niya. Napansin ko rin na may hawak-hawak siyang telepono na kung hindi ako nagkakamali ay ang hawak rin niya kanina doon sa kusina.
"Nay? Kayo po ba 'yan? K-Kamusta na po kayo? Ano pong--" Napahilig ang ulo ko ng bigla na lang siyang matigilan sa pagsasalita.
Parang siyang binuhusan ng yelo ng hindi na niya matuloy pa ang sasabihin at nanahimik ulit.Ang pamilya niya ang tumawag sa kanya?
"S-Sino ka?... Nasaan 'yung pamilya ko?.." natatarantang tanong ni Thea sa kausap niya sa telepono habang nanginginig niyang kinakagat ang kuko niya.
Mas lalo pa akong naguluhan ng marinig ko ang panginginig ng boses niya habang tinatanong ang mga katanungang iyon.
Napasinghap ako kasabay ng paglaglag ng panga ko ng biglaan na lang siyang napaluhod.
Dahil sa gulat ko ay hindi na ako nakagalaw pa at pinagmasdan na lang siya. Napansin ko ang paggalaw ng mga balikat niya at hindi mapakali ang kamay na ngayon ay nanginginig na.
What the hell just happened?
"Hindi... hindi totoo 'yan.. b-buhay p-pa sila.. buhay pa.." kahit na paubos na ang boses niya ay naintindihan ko pa rin ang mga salitang binanggit niya.
Unti-unti akong napaatras at napahawak sa doorknob ng pintuan.
Did she lost her family?
Her family was gone?
I unconsciously closed the door for unknown reason.
Bigla na lang nanginig ang mga kamay ko at ramdam ko rin ang panghihina ng tuhod ko dahilan para mapakapit ako sa doorknob nang mahigpit.
Napaharap ako ng hallway ng biglaan kong narinig ang malakas na iyak ng sanggol.
"Timothy.." wala sa sarili kong banggit.
Huminga ako ng ilang beses para pakalmahin ang sarili ko.
I placed my hand to my heart and feel the fast beat of it.
BINABASA MO ANG
HYEORAEK
FanfictionWhat will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalypse? Will they help each other to fight the undead or will their personalities clash once they find ou...