----
"AC, guys! let's get out of here, come on," kuya said.
Kanya-kanya na kami ng takbo palayo sa zombies. Magulo pa rin ang paligid, marami ng umuusok na sasakyan at ang iba nito ay nagliliyab pa kaya nagkakaroon ng liwanag sa dinadaanan namin.
Walang mababakas na ilaw pwera na lang sa nag-iisang street light malapit sa isang malaking gusali. Gusali na may apat na palapag at hindi kalayuan samin, wala na itong ilaw kaya madilim pati na rin sa taas, may naka-bold at big letter sa gitna rito. Ayala Malls Markina.
"There!" sigaw na naman ni kuya at tinuro ang Mall na sinasabi ko kanina.
Kanina pa siya sigaw ng sigaw at utos ng utos sa amin pero wala namang nagrereklamo dahil mas kabisado niya ang lugar na ito kaysa sa amin.
Nahuhuli ang tatlo sa amin kaya nauna kami ni kuya na makapasok.
Magulo ang loob ng mall, nagkalat ang mga supplies at mga goods and foods, unang palapag ito at 'di ako pwedeng magkamali kahit madilim alam kong isa itong malaking Supermarket.
Glass lang ang barrier nito pero mukha namang matibay,
wala ring mababakas na mga zombies o namamalikmata lang ako dahil madilim?
Nakita ko si Xavier at Matt na binabaril pa rin ang mga infected. Mas pinupuntirya nila ang mga ulo nito kaysa sa katawan, kaya madaling nila itong napapatay.
Wait, namamatay nga ba sila?
Kulang na lang takpan ko ang tenga ko dahil sa ingay ng mga putok ng baril nila. Habang si Ali naman ay tumakbo na palapit sa 'kin at hinawakan niya ang glass door sa kaliwa habang ako naman sa kanan.
"Matt, Xavier! Pumasok na kayo rito, bilis!" tawag niya sa dalawa niyang kaibigan.
Agad napako ang atensyon ng dalawa sa amin, pero hindi nila pinansin ang pagsigaw ni Ali at pinagpatuloy pa rin nila ang pagpatay ng mga zombie's na para silang nag-paparamihan.
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila at sa papasugod pa sa kanila. Nataranta ako at nagsimula nang magpanic ng makitang wala pa rin silang balak na pumasok.
This two guys is giving me headache.
"Get inside here, or else I will close this door right here, right now!" banta ko sa kanila.
Hindi ko alam pero parang naalarma at biglang nataranta ang dalawa dahil siguro sa banta ko na gagawin ko talaga.
I'm getting pissed off because of them, parang wala lang sa kanila ang mga zombies. Kahit hindi ko pa sila gaanong kakilala ay natatakot na rin akong mawalan ulit ng kasama.
Parang na phobia na ako dahil sa incident kanina roon sa mag-iina.
F*ck that incident. Until now sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil doon.
Mabilis na tumakbo ang dalawa palapit sa amin, nang makapasok na sila ay napansin ko naman si kuya na may hawak ng mahabang bakal ngayon. Kaya siguro hindi ko siya mahanap kanina.
What is he planning to do?
Pumwesto ang dalawa paharap sa pintuan hindi kalayuan sa amin at patuloy pa rin na pinagbabaril ang mga zombies na papasok sa Mall.
"Close the door!" sabi pa ni kuya samin.
Agad naman naming sinarado ang pintuan at ngayon ko lang narealized ang gamit nang mahabang bakal na hawak ni kuya kanina. Agad niya itong pinasok sa holder ng pintuan at hindi na ako nagulat sa sunod niyang ginawa.
BINABASA MO ANG
HYEORAEK
ActionWhat will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalypse? Will they help each other to fight the undead or will their personalities clash once they find ou...
