Part 51: Her Past

240 10 13
                                    



----


Third POV.

"Happy Birthday to you... Happy Birthday to you..."

Abot tenga ang ngiti ng batang si Alice nang ipagdiwang nilang buong pamilya ang ikapitong kaarawan niya. Isang hindi malilimutang memorya iyon lalo na at lumuwas pa sila ng maynila para puntahan ang nag-iisa niyang lola sa mansyon nito, iyon din ang unang beses na makita niya ang nanang niya na tuwang-tuwa sa kanya.

"Anong ini-wish mo, Claire?" nakangiting tanong ng ate Blaire niya habang katabi ang kuya Erros niya na parehong naka-kulay rosas na damit samantalang nakapulang bestida naman siya. Mas lumawak ang ngiti ni Alice at excited na sinabi ang hiniling niya, "Hiniling ko po na sana magtagal pa tayo rito!"

"Naku! Dapat ang hiling ay hindi sinasabi, Apo. Hindi iyan magkakatotoo," bulalas ng Lola niya na ikinasimangot niya.

"Ma, kasabihan lang po iyon at kahit hindi sabihin ni Claire ay magtatagal pa naman talaga kami rito. Unang beses niya pa lang dito sa maynila kaya paniguradong aayain niya ang mga kapatid niyang mamasyal sa lugar na ito," natatawang sabi ng Mama niya habang nasa likod naman niya ang asawa niyang tahimik lang na pinagmamasdan ang masayang pamilya niya.

Dahil sa sinabi ng Mama niya ay napuno ng tawanan ang buong hapagkainan nila. Nalipat ang tingin ni Alice sa labas ng pinto nila nang mapansin niyang may taong nagmamasid sa kanila at doon niya nakita ang batang lalaki na halos kaedad lang niya na nakatingin sa kanya.

Mabilis niyang kinuha ang isang stick ng lollipop at nakangiting nilisan ang hapag nila. Naisip niyang pwede niyang maging kaibigan ang bata sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng pagkain at mas natuwa pa siya na ito ang magiging una niyang kaibigan sa maynila bukod sa probinsya nila.

"Hi, Bata! Anong pangalan mo?" Nakangiti niyang tanong at kumaway pa siya rito. Tahimik lang siyang pinagmasdan ng batang lalaki na at hindi man lang nagpakita ng kahit anong emosyon. Una niyang napansin ang maliit na nunal nito sa ilong ng maputing mukha.

"A-Ali..." nag-aalangang sagot ng batang si Ali. Lumaki ang ngiti ni Alice. "Gusto mo?" Alok niya sa dala niyang lollipop. Ngunit bago pa man makasagot ang batang lalaki ay natigilan sila pareho nang may itim na Van ang tumigil sa gilid nila at lumabas doon ang dalawang nakaitim na lalaki na may takip sa mga mukha. Napako sa pagkakatayo si Alice nang kinuha ng isa sa kanila ang batang lalaki kaya mabilis niyang pinigilan ang lalaki sa pamamagitan ng pagkagat niya sa kamay nito.

"Aray!" sigaw ng lalaki at biglang nabitawan ang hawak niya kaya agad na nagtatakbo palayo sa kanila ang batang lalaki habang nagngingitngit namang kinuha ng lalaki si Alice kahit pilit pa itong nagpumiglas.

"Tulong!" paghingi niya ng tulong sa batang lalaking iniligtas niya pero naiiyak lang siya nitong tinignan at mabilis itong nagtatakbo palayo sa kanila.

"Bwisit! Nakatakas 'yung isa!" sumbong ng isa nang tuluyan na itong naipasok si Alice sa loob ng Van at tinakip ang panyo nito sa bibig ng bata doon ay unti-unting nilamon ng dilim ang paningin ni Alice at nakita pa niya ang iba pang mga bata sa loob ng sasakyan.

"Hayaan mo na! Isara mo na ang pinto baka may makakita pa sa atin," sagot ng driver nila bago paharurutin ang sinasakyan nila.

Ilang minuto rin ay nakarating na sila sa isang malaking building na halatang inabandona na. Pinasok sila sa loob nito at hindi lang pala silang mga nakidnap ang nasa loob kundi mas marami pang mga bata ang nasa loob at kitang-kita niyang nakapreso ang mga ito at sa kay raming mga armadong mga tao at mga batang panay ang pagmamakaawa na pakawalan na sila. Mas natuunan niya ng pansin ang nag-iisang tao na siyang nag-iisang nakasuot ng lab gown, at parang tuliro habang may kinakalikot sa mga nakapaligid sa kanyang mga maliliit na bote at kung ano-ano pa na hindi na mapangalanan ni Alice dahil marahas silang pinapasok sa isang selda at doon kinulong. Kahit na kinakabahan at nanghihina ay narinig pa rin niya ang mga sinasabi ng mga armado at ng nakaputing lalaki.

HYEORAEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon