Part 61: Bomb Planted

163 10 18
                                    

It's our Silent man POV!

----

Matt POV.

"Ahh!" Irita kong tinakpan ang kanan kong tenga nang marinig na naman ang tili ng kasama ko. After putting my hand on my ear I continued shooting our enemies who showed up on our way. Kung takot ang nararamdaman ng kasama ko ay iritasyon naman ang akin. Kanina pa ako naiirita sa tinis ng boses niya na mas malakas pa sa tunog ng baril na hawak ko.

"Can you lower down your voice?!" I hushed Thea before we run at the hallway of the door that we've entered. Halos mga kwarto lang ang nakita namin at punong-puno ng mga gamit sa laboratoryo. We've split up already but up until now ay hindi pa rin namin mahanap ang location ng vaccine.

"Sorry ah? Ikaw ba naman hagisan ng bomba ewan ko na lang kung hindi ka sumigaw sa takot!" she shouted while we're both hiding on the wall. Namamawis na ang noo't kamay ko pati paghinga ko ay hindi ko na rin makontrol dahil kanina pa kami takbo ng takbo sa walang kasiguraduhang silid na pinasok namin.

Sabay kami ng kasama kong napaangat ang tingin nang marinig namin ang malakas na sirena galing sa kung saan at ang pagkabog ng dibdib ko. "A-Ano 'yun? Anong ibig sabihin nun?" nahihintakutan na tanong uli niya sa akin pero katahimikan lamang ang naitugon ko sa kanya. Maybe someone already warned their allies about our attacks.

Kumunot ang noo ko nang makuha ng babaeng kasama ko ang atensyon ko. Nauna siya sa aking barilin ang nagsusumigaw na kalaban sa likod namin at mapakla akong natawa nang sa paa lang niya ito pinuntirya. "Hindi mo sila mapapatay sa pagbaril lang sa mga paa nila," I advised on her beforw I shoot my bullet to the next Chinese guy who's about to rescue his comrades.

"'Yun nga ang gusto ko. Ayaw kong pumatay lalo na ang makulong, no!" she reasoned before she tried again to hit the man's hand before he even reach his gun that's on the ground. Lihim akong napailing at binaril ang lalaking hindi man lang niya natamaan sa kamay nito. Napanganga siya pero inosente ko lang siyang tinignan. "B-Ba't mo siya pinatay?!" I closed my eyes when she shrieked again using a high-pitched of her voice.

"You're overreacting. He will just lost his consciousness but not his life," I answered her and hold my breathe. Habang nilalagyan ko ulit ng bala ang baril ko ay panay naman ang paghinga ko nang malalim. Nasa bag ko pa ang inhaler ko pero gagamitin ko lang ito kung kinakailangan. This is why I hate talking, hindi lang nito inuubos ang enerhiya ko pati na rin ang kamalayan ko.

Ikinasa ko ulit ang baril ko at itinutok sa harap ko. No ones showed up right now so we continued walking straight on the hallway. When will we find the vaccines? Kapag ba ubos na ang bala namin at wala na kaming laban? Is this a trap again? Hindi rin matanggal sa isip ko ang kalagayan ngayon ng mga nakahiwalay sa amin. I just wanted us to get out of here before something even worse happened.

"Mauna ka na," baling sa akin ng kasama ko habang inaayos ang bangs niya. She didn't wait my reply and run to my back before I can even object. Tsk. I ready my gun straight to my sight as we go along the endless hallway of the building. "Nasaan na ba nila itinago ang mga vaccines?! Parang pinaglalaruan lang nila tayo nito, eh!" I heard her complained and find myself agreeing on her.

"I can feel that this could really be their trap on us," hindi ko mapigilan ang paglabas ko ng saloobin. Pwede naman akong manahimik at hindi na lang magsalita pero hindi ko mapigilang sumang-ayon sa sinabi ng babaeng nasa likuran ko. Kahit papaano ay hindi lang pala ako ang nakakaramdam na may mali sa pagsugod namin dito.

HYEORAEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon