Part 3: Erros Gordon

593 44 4
                                    



----

Pipikit na sana ako para tanggapin ang kahihinatnan ko pero wala pang isang segundo ng isa-isang natumba ang mga Zombie's na papalapit pa lang sa 'kin. May bumabaril sa kanila galing sa likod ko kaya napalingon ako roon.

And to my surprise nandito na agad ang tatlo sa tabi ko habang pinapaputukan pa rin ang mga magtatangkang lumapit sa amin.

Are they... protecting me?

What the hell?

"What the hell are you still doing here?" irita kong tanong sa kanila.

Gusto kong isigaw sa kanila na kaya ko namang mag-isang lumaban, pero wala ng lumabas pa na kahit anong salita sa bibig ko bukod sa tanong ko na iyon kaya iginala ko na lamang ang mga mata ko sa mga tao at zombies na nagkakagulo.

I swear, kahit sinong tao na mapupunta sa posisyon ko ngayon ay mapapatakbo na lang talaga sa takot.

"Ikaw ba naman ang hindi nag-iisip at bigla-bigla na lang tatakbo pasalubong sa mga kalaban, sa tingin mo makakaya ng konsensya namin hayaan ka lang?" rinig kong pagrarason ni Xavier kaya naman ay napayuko ako, he's right. Hindi nga ako nag-iisip.

"At hindi kami pinalaki ng mga magulang namin na pabayaan lang na mapahamak ang isang tao, kung meron naman kaming alam na paraan para mailigtas ito," ang piloto 'kuno' naman namin
na si Matt ang nagsalita.

Makokonsensya na sana ako ng biglang magsalita ang taong nasa unang listahan ng kinaiinisan ko.

"'Wag ka kasing tatanga-tanga, Miss," 'Yun lang ang sinabi ng lalaking kakikilala ko pa lang na si Ali na may halong pang-aasar pa. Sasabihin ko na sana sa kanya kung ano ulit ang pangalan ko.

Like the heck? My name is Alice and not Miss!

But I immediately interrupted-

"Saan ka pupunta at dadalhin ka namin doon!" sigaw sa 'kin ni Xavier dahil palaki na nang palaki ang ingay na ginagawa ng tao at mga sumusugod sa kanila.

God! how I hate this scene now.

Ang makita ang mga tao na nagkakagulo, nagkakasakitan dahil sa pag-aagawan ng mga sasakyan na hindi ko alam kung sino ang may-ari, just made me so sick.

Sobrang gulo ng mga tao at zombies.

May nagkakabanggaan na at kung sino ang matutumba ay siya ang maaabutan ng mga zombies. Natatakot at
nagpapanic, iyan ang emosyong nakikita ko ngayon sa mga mata ng mga tao.

Gustong gusto ko tumulong pero hindi ko alam kung papaano, pero napahinga ako ng maluwag ng makita kong sinusubukan din ng tatlong kasama ko na tulungan na mapabagsak ang kay daming zombies na susugod sa kung sino man.

At bago ko pa makalimutan ang tanong ni Xavier ay itinuro ko na kaagad ang kinaroroonan ng kapatid ko, na hanggang ngayon hindi pa rin ako mapansin dahil abala pa rin ito sa pagpatay ng mga zombies na hindi na yata nauubos kakasugod sa kanya.

"Ok. Pupuntahan natin siya,"
sabi naman ni Ali na nakakatakot na ngayon ang aura na bumabalot sa kanya.
Hindi ko alam pero ngayon lang ako natakot sa isang tao maliban na lang sa mga zombies.

Kanina naman para lang siyang bata na nagsusumbong sa mga magulang niya, pero ngayon ay bigla na lang nag-iba ang timpla ng mukha niya.

HYEORAEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon