----
"Na 'san na tayo boss?"
Wala sa sarili akong napadilat ng mga mata ko at habang nag-aadjust pa rin ang paningin ko ay patuloy ko naman naririnig ang usapan ni kuya at Xavier.
"I honestly don't know," dismayadong bulong ni kuya. Luminaw na ang paningin ko kaya umayos na ako ng upo at hinilot ang nangangalay kong leeg.
"You're awake. Here drink it. Tsk. Ginagawa mo na naman ang 7 hours sleeping routine mo," puna ni kuya sa pagtulog ko. Inabot niya rin sa 'kin ang isang mineral water at isang de-lata na ulam. Kinuha ko 'yun at ininom muna ang tubig. So I sleeps in 7 hours?
That's my sleep routine everyday to gain some energy at hindi ko alam na makakatulog pa ako ng ganoon katagal simula nang mga naganap ngayong araw.
"I thought you know this place already, Kuya," mahihimigan ang disappointment sa boses ko. Hindi naman sa nag-eexpect ako na ma me-memorya niya agad ang bawat sulok ng marikina but he stayed here for how many years. Inilapag ko muna sa baba ko ang de-lata, wala akong ganang kumain.
"I know. Pero hindi naman lahat alam ko, don't worry lil sis hindi pa naman tayo naliligaw. This place looks familiar to me," dagdag niya.
Tapos naging dahan-dahan na yung pagmamaneho niya saka inikot ang paningin.
"Hindi pa ako nakakapunta rito pero parang nagiging pamilyar rin sa 'kin ang lugar na ito," sabi pa ni Xavier.
Nakigaya na rin ako sa dalawa ko pang kasama na si kuya Erros at Xavier na abala na ngayon sa paglilibot ng mga paningin sa paligid.
Habang 'yung dalawa ay mahimbing na natutulog. Si Matt na nakasandal sa salamin ng van at si Ali na ngayon ay nasa tabi na ni Matt at nakasandal naman ito sa balikat ng kaibigan.
Hindi ko rin akalain na magiging ganito kaseryoso ang mukha ni kuya at lalong-lalo na ni Xavier. Sa pag-uugali kasi ni Xavier- based on my observations- akala ko madadatnan ko rin siyang mahimbing na natutulog sa tabi ng kanyang dalawa pang kaibigan. But I'm wrong. Hindi ko pa nga sila kilala.
"Now I know why it's looks familiar.." mahinang bulong ni kuya. Mas bumagal pa ang pag-andar namin kaya mas nabigyan ako ng oportunidad na makita ang nasa labas.
Expected na ang magulong senaryo pero mapapansin mo kaagad ang kay daming baril na nakakalat at mga.. baston? wait.. napaangat ang paningin ko sa nakasulat sa pinakamataas na pader ng gusali, bago ko pa ito mabasa ay naunahan na ako ni kuya na banggitin niya ito.
"Marikina Police Station."
Inihinto ni kuya ang sasakyan. Naging tahimik kami katulad ng katahimikan sa labas ng sinasakyan namin. Walang kahit na anong bakas ng mga nilalang na na-encounter namin kanina.
"Police station. So pwede ba tayo ritong humingi ng tulong?" Xavier asked innocently.
Xavier is right. Ang mga police ang nagsisiguro ng kaligtasan at katahimikan ng isang lugar. Maaari kami sa kanilang humingi ng tulong pero nasaan sila? Nasaan ang mga police na dapat tumutulong sa mga nangangailangan? Naging zombie na rin ba sila lahat? pero bakit ang tahimik ng paligid--
"'Yan ang bagay sayo! Mga peste kayo kung anong nilalang man kayo!" rinig namin sa kung saan.
Nagtagpo ang mga tingin naming tatlo at sabay na nilingon ang pigura ng isang nilalang na abala sa pagtatadyak ng kung ano man ang nasa ibaba niya.
BINABASA MO ANG
HYEORAEK
ActionWhat will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalypse? Will they help each other to fight the undead or will their personalities clash once they find ou...
