Part 26: Survive the Day

297 16 15
                                    



----

"Anong sabi mo?" nanginginig na tanong ni Thea sa taong nasa harap niya. Napakuyom na ang mga kamay nito at nagngingitngit na ang mga ngipin habang mabibigat ang paghinga.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang babae na nasa harapan ko. Naririnig ko ang iyak ni Timothy na humihina na ngayon habang hinihele ko siya sa mga bisig ko.

"Oh! I didn't know you would get what I've said," manghang sabi ni Gwyn na halata naman sa boses ang pang-iinsulto.

"At anong tingin mo sa 'kin, bobo? Hindi porket maid lang ako at hindi nakapagtapos ng pag-aaral hindi ko na maiintidahan ang pang-iinsulto mo sa kaibigan ko," Matapang na sagot ni Thea kay Gwyn.

"Friend?" Kunwaring mangha ni Gwyn, "You two just meet a few days ago and you consider her as your friend? Isn't too early for that, honey?" maarteng sabi nito at pinagkrus pa ang magkabilang braso sa dibdib niya at tinaasan pa ng kilay si Thea.

"Bakit naiinggit ka? Kasi wala kang kaibigan dahil dyan sa magaspang mong ugali?" Thea answered again. Tumayo na si Jean mula sa pagkakaupo at pinigilan si Thea na sagutin pa si Gwyn.

"T-Tama na, Thea.." Jean trailed off.

"I don't need friends. Friends is just a pain in my ass," walang emosyon na sabi ni Gwyn. I start to cover Timothy ear using the cloth to prevent him from hearing the fight.

"Pwede bang tumahimik kayo!" Pare-parehas kaming napatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsigaw ni Hugo. Tumayo ito sa pagkakasalampak sa sahig at galit na tinignan si Gwyn at Thea. Napaiwas naman ng tingin si Thea habang sinalubong lang ni Gwyn nang blankong tingin si Hugo. "Ilang taon na ba kayo at pati maliliit na bagay pinag-aawayan niyo, ha? Nagdedelubyo na nga sa paligid natin at nagagawa niyo pa talagang magtalo!" Sermon niya pa sa dalawa.

Napatingin ako kay Ali nang marahan itong lumapit sa 'kin at napahawak pa sa laylayan ng damit ko.

"Nakakatakot pa lang galitin si mamang Peklat," mahina niyang sabi. Napatango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Patuloy pa ring sinisermunan ni Hugo ang dalawa pero natigil lang siya at biglang napahawak sa kanang banda ng tiyan niya saka huminga nang malalim. Naalala kong sinaksak pala siya nung baliw na lalaki noon sa evacuation center, hindi pa rin pala gumagaling ang sugat niya.

"A-Ayos ka lang po, kuya Hugo?" Nag-aalalang tanong ni Thea. Kita rin ang paglapit ni Jean sa lalaki at agad na inalalayan ito.

"Magiging maayos lang ako pag hindi na matigas 'yang mga ulo ninyo," sarkastiko nitong sagot. Napasimangot pa si Thea sa sinabi nito saka tinulungan si Jean na iupo sa isang tabi si Hugo na halatang hirap na hirap na ngayon dahil sa sugat na meron siya.

"'Yan kasi! Huwag niyo kasing ini-stress si brother Hugo," panenermon rin ni Drew at napaharap pa kay Gwyn na hindi lang siya pinansin at tinalikuran lang siya, "Aba't! Ang maldita!" dagdag pa nito.

Kinalabit ako ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nakaupo na ngayon sa sahig at tinapik-tapik pa ang bag na kanina pa namin dala. Napaupo na rin ako at napasandal sa bag na nasa likuran ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at ang pangangalay ng kamay ko na nakahawak pa rin kay Timothy na natutulog na, napangiwi rin ako nang biglang manghina ang mga binti ko.

HYEORAEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon