----Sasandal na sana ako sa backrest ng sasakyan pero
nagulat ako ng may biglang kumalampag sa tabi ko.Napalingon ako sa bintana sa kabila ko at basta na lang nanghina ang mga tuhod ko ng makita ko kung ano iyon.
'Yung... 'yung babae kanina... 'yung ina na tinulungan ko kani-kanina lamang.
Hindi ako pwedeng magkamali, kahit magulo na ang buhok niya, puno na ng dugo ang damit niya at mukha, at kahit puti na lang ang kulay ng mga mata niya. 'Yung mata niya na kanina ko pa lang nakita, 'yung mukha niya na nagpakita kanina ng pagod na ngiti sa ' kin.
Oh god!
I-isa na siya ngayong zombie.
Paulit-ulit lang niyang inuumpog ang ulo niya sa tabi ng salamin ko na parang nawawala siya sa sarili niya.
"Get down, AC. I will shoot her--" I quickly stopped Kuya by putting my hand to his gun. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa ginawa ko.
"No!" pigil ko sa kanya. Nilingon ko sila at kita ang pagtataka ng mga mata nila habang nakatingin sa 'kin.
They will not understand me.
"What? What if she bite you?" takang tanong ni kuya, tahimik lang ang tatlo na parang lang nanunuod ng palabas. Umiling ako sa kanya.
"It will not happen, Kuya. We know she can't," I assured to him sabay lingon ko ulit sa babae.
Pero agad nanlaki ang mga mata ko nang mas lumakas pa ang ingay galing sa labas na tingin ko ay palapit na sa amin.
Mukhang nakatawag kami ng pansin dahil sa pag start ng engine ng SUV na sinasakyan namin. Mas dumami ang pumaligid sa amin at parang nilindol ang sasakyan namin dahil sa malakas na pag-uga nito na gawa ng mga sumugod sa amin.
"Go! Go! Go!" Xavier nervously said.
"Andar na dali!" pati si Ali ay nagsimula na ring mataranta at panay libot ng tingin sa loob ng sasakyan.
Napahawak ako sa magkabila ko para suportahan ang sarili ko. Sumobra pa ang pagkataranta ng tatlo nang mas lumakas pa ang pag-yanig ng sasakyan.
"Let's get out of here, Kuya!" sumigaw na rin ako dahil sa pagkataranta ko.
Sh*t! Mababasag na ang mga salamin kung hindi pa kami aalis rito!
"Ok. Ok," Erros hurriedly said.
Pati siya ay nataranta na rin at laking pasasalamat ko dahil umandar na rin ito pero sobrang bilis kaya ganun na lang ang higpit ng hawak ko sa upuan ko. Nakita ko rin kung paano nahatak palayo ang mga zombies dahil sa biglaang pagpaandar ni kuya.
Ngayon ko lang narealized na hindi pala ako humihinga kanina pa. Kaya naman binaba ko ang salamin sa tabi ko at lumanghap ng hangin.
Hindi rin mawala wala ang mukha ng babae sa isipan ko.
Kung nakagat siya, ano nang nangyari sa dalawa pa niyang anak? iniisip ko pa lang ang mukha nilang umiiyak parang hindi ko matanggap na posibleng nakagat na rin ang mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/217544439-288-k472315.jpg)
BINABASA MO ANG
HYEORAEK
ActionWhat will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalypse? Will they help each other to fight the undead or will their personalities clash once they find ou...