----
"Wait!" I shouted before Salvador along with my Thea and Gwyn started to walk away. Hindi tumigil sa paglalakad si Salvador kaya nadadala niya ang dalawa naming kasama habang nasa magkabila ko naman si Drew at Ali na mukhang hinihintay lang ang pagkilos ko pasunod sa kasamahan namin.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ito na ang huling pagkakataon ko para makompirmang siya nga ang nakabuntis sa ate ko. Wala nang umaatake sa amin at ang pagguho at pag-alog na lang ng gusali sa paligid namin ang siyang kalaban namin ngayon.
"May kilala ka bang Blaire ang pangalan?" tanong ko uli rito bago magpatuloy sa pagsunod sa kanila. Kita ko ang pagtigil ni Salvador sa paglalakad niya at ilang segundong naging ganun siya kaya nagpatuloy ako, "Blaire Gordon is my older sister. Three years ago she works here before she go home pregnant and doesn't recognize the father of his son, Filan Gordon," I stated and see if he can recognize my sister. He flinched and stiffened for a few seconds.
"Captain! Captain! Hindi po namin mabuksan ang pintuan ng entrance! Mukha pong may nakaharang kaya hindi namin maitulak pabukas!" pagbibigay-alam sa amin ng isa sa kasamahan ni Salvador. Madiin na napamura ang Captain na tinatawag nila at agad na nagpatuloy sa paglalakad habang alalay siya nina Gwyn at Thea.
"Patay..." rinig kong bulong ni Drew kaya mabilis naming tinignan ang pinagmamasdan niya sa taas ng floor. Both Ali and I cussed hard when we saw how the structures collapsed and give more entrance of the infected from the floor. Dahil sa pagguho ng mga ito ang mga zombies na nasa ilang floor sa taas ay nagkukumahog na abutin at puntahan kami kaya natulala ako saglit at napanganga sa dami ng bilang ng mga ito.
"F*ck!" mura ni Ali bago ko maramdaman ang paghawak niya sa amin ni Drew at sabay kaming hinila papunta sa hallway na dinaanan nila Salvador. Sh*t! Ang dami pa rin nila! Napayuko kaming tatlo nang magsimulang barilin ng kasamahan namin ang kumpol-kumpol na mga taong nahawa na ng virus sa likod namin. Malapit na kami sa entrance at naabutan ang mga mukha ng mga nairescue namin na puno ng pag-aalala at pagkatakot.
"Alice! 'Yung sugat ni Salvador ayaw tumigil sa pagdurugo!" Lapit ni Thea sa akin kaya binalingan ko ng tingin ang lalaki at nakita siyang nakasandal sa nakasarang pinto ng Comfort room habang dumadaing sa sugat na natamo. Hinarap ko sa akin ang first aid kit na dala ko pero agad akong napasinghap nang may mabilis na dumaang kutsilyo sa harap ko at ramdam ko ang paghapdi ng kanang pisngi ko bago ko pinandilatan ang babaeng may itim na lipstick.
"Ops... sorry!" she insincerely apologized before she smiled at me and received a death glare from Thea as well as from Gwyn besides Salvador. Nawala ang atensyon ko sa ginawa niya nang makita kung gaano kabilis sinalakay ang mga kasamahan naming nasa unahan ng mga infected at nawala ako bigla sa konsentrasyon nang hindi ko napansin ang isa sa kanila na lumapit sa akin at bigla na lang akong dinakma. Sh*t!
"Misis!" narinig kong tawag sa akin ng pamilyar na tao bago ako nahiga habang nakadagan pa rin sa akin ang sigurado akong pasyente ng hospital at pilit ako nitong inaabot para makagat. Nagngitngit ako sa inis nang bumukas ang pintong nasa likod ko kaya sabay kaming nahiga sa sahig papasok sa kwartong bumukas. Ginamit ko ang dalawang kamay ko para ilayo siya sa mukha ko at pilit na hinanap ang baril ko pero hindi ko ito makita! Sh*t!
Dahil sa bigat niya ay unti-unti siyang nakalapit sa mukha ko pero bago pa man niya ako makagat ay bigla na lang itong dumaing na parang nasasaktan saka parang maamong aso na umalis sa harap ko at dahan-dahang lumayo sa akin. W-What's happening? Nahagip nang kanan ko ang baril na tumilapon sa akin kanina at aabutin ko na sana ito pero agad akong natigilan nang makita ang ilang patak ng dugo sa sahig malapit sa mukha ko. Dagli kong hinawakan ang kanang pisngi ko at sinulyapan ang zombie na umatake sa akin kanina.
BINABASA MO ANG
HYEORAEK
ActionWhat will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalypse? Will they help each other to fight the undead or will their personalities clash once they find ou...
