Part 37: Break Free

264 12 16
                                    



----

"So sinasabi mong nakita mo na ang pamilya mo pero hindi mo sila naabutan?" Drew clarified while peeking his head behind the curtains that serves as our barrier from the mens isolation room.

"Inulit mo lang ang sinabi niya, Drew," Thea mocked and scratched her eyebrows then started bit her nails. "Paano ka na niyan? Kung hindi mo alam kung saan sila pupunta, eh saan mo sila hahanapin?" Thea panicked.


I sighed and feel uncomfortable while sitting at my hospital bed. Nasa kaliwa ko nakapwesto si Gwyn na tahimik lang habang nasa kanan ko naman si Thea at Jean. Sa kabilang kwarto naman si Ali kasama si Drew na sumisilip sa amin para makasali sa usapan.

"I need to find them," I decided and look at them. I'm sitting with my both my legs are down on my bed while crossing my both hands and supporting by my legs.

"Tatakas ka? Eh dalawang araw tayong nakakulong rito paano ka makakaalis dito?" Drew exclaimed and then look around when he notice how his voice risen. It's already evening and one of the nurses who's assigned to us told us to sleep early for the medical checkups tomorrow, but Drew can't sleep so he joined our commotion upon hearing my family's whereabouts. While Ali is on the comfort room far away from us.

"Kung ganun... saan mo sila hahanapin?" Jean asked suddenly and turned her gazes on us after she fixed her bed. She then sitted beside Thea on her bed.

"Oo nga! 'Yan nga ang tanong ngayon. Hindi ka naman pwedeng tumakas lang dito tapos pag nasa labas ka na, ano? Nga-nga?" tanong ulit ni Thea na halatang nag-iisip talaga kung paano ako tutulungan. I know all of them wants to help me, but they just don't know how.

Bukod sa malalim na pag-iisip kung paano ko hahanapin ang pamilya ko ay pakiramdam ko may kulang. My arms missed a warmth feeling. My eyes look down at the bag just beside me and the face of the blue-eyed baby appears. So it's Timothy's presence I'm been longing for.

Nasabi ko na sa kanila ang tungkol kay Timo. Muntik na ngang magwala si Thea nang inakala nitong kinuha ng mga staff ang baby, pero pinaliwanag ko na naman sa kanila ang lahat. Pagkatapos noon ay hindi ko na napigilan pang sabihin sa kanila na nahanap ko na ang pamilya ko, na ngayon ay nawawala ulit.

"Kung nandito lang sana si..." hindi na tinuloy ni Thea ang sasabihin niya at napayuko na lang. Doon lumipat ang tingin ko kay Gwyn na nakatulog na pala habang nakatalikod sa amin. Hindi ko alam kung tulog na ba talaga ito o nagpapanggap lang.

"Misis!" Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang sigaw ni Ali mula sa labas. Napatayo ako kasabay si Thea at Jean, saka lumabas para salubungin ang nagpapanic na si Ali. Kami lang anim ang nasa isolation room at sa labas ng kwarto namin ang hallway na deritso sa lokasyon ng mga medical staffs.

"Huwag ka nga sumigaw, baka maabutan nila tayo rito na nag-uusap," paalala ni Drew kay Ali na tuluyan nang nakalapit sa amin. Halatang nagmamadaling makabalik ito dito dahil sa pawisan niyang mukha at napahawak pa ito sa pader saka huminga ng malalim.

"Misis!" tawag niya ulit pagkatapos ay hinabol na naman ang paghinga niya. Para naman kaming mga tangang naghihintay sa sasabihin niya. Ako, si Thea, Jean at Drew lang ang lumabas habang naiwan naman sa loob si Gwyn. Mukhang totoong natutulog na ito.

"Misis--"

"Ba't ka ba Misis ng Misis? Nasa harap mo na siya, oh! Para kang sirang plaka na paulit-ulit!" pagalit na bulong ni Thea na naging alerto sa paligid namin.

HYEORAEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon