Thea POV is waving!
----
Thea POV.
"Muntik na akong mamatay noon, pero may isang taong naglakas loob na iligtas ako. Kaya naman... pahahalagahan ko itong buhay ko kahit ang mismong kamatayan pa ang makaharap ko."
"Kuya Hugo!" sigaw ko at mabilis na hinawakan ang basa kong pisngi. Kuya Hugo...
"Thea! Thea anong nangyari? Binangungot ka ba, ha?" Mas lalo lang lumakas ang iyak ko nang marahan akong inalo ni Jean habang nakaupo na ngayon sa higaan ko. "Shh... tahan na. Sabi ko naman sa iyo na magtabi na lang tayo para alam ko agad kung--"
Hinawakan ko ang braso niya at napatingin sa kanya. Ang sakit. Ang sikip ng dibdib ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap. "Napanaginipan ko si Kuya Hugo. Miss ko na siya, Jean. Bakit kailangan pa niyang mawala? Bakit lahat na lang ng taong pinapahalagahan ko agad na kinukuha?" hinaing ko at napayakap ulit sa kaibigan ko.
Malungkot na tumitig sa 'kin si Jean at agad na pinunasan ang mga luha ko. Alam kong pinipigilan din niyang umiyak para ipakitang matatag siya at pwede kong masandalan. "Hindi pa naman tayo sigurado na wala na talaga siya. Hindi ba nga nakita pa natin kung gaano siya kabilis tumakbo noong hinahabol siya ng mga 'yun?" tipid siyang ngumiti sa 'kin na nagpagaan ng loob ko. "Ibig sabihin noon gusto pa niyang mabuhay, Thea. Alam kong lalaban siya at makakaligtas basta magtiwala lang tayo sa Diyos, ha?"
"Pero hindi ba nga iniwan natin siya? Naguiguilty ako... pakiramdam ko wala na naman akong nagawa para mailigtas man lang ang mga taong mahalaga sa 'kin," hagulhol ko at saka humikbi.
"Huwag kang magsalita ng ganyan. Lahat tayo walang nagawa dahil may pumigil sa atin. Alam kong lahat tayo gusto siyang iligtas at mabuhay," marahan niyang sabi at inakap ulit ako.
Tama siya. Gusto namin siyang iligtas pero pinigilan kami ng mga walang kwentang rescuer na 'yun! Mga wala silang awa! Ang sasama nila!
----
"Thea... gising na," Para akong hinihele ng mala-anghel na boses na 'yun. Gusto kong gumising pero ang bigat ng mga talukap ng mata ko. Para akong nag-overtime sa paglilinis dahil sa pagod na nararamdaman ko ngayon.
"Ano bang ginawa niyo kagabe at hanggang ngayon tulo laway pa rin 'yan?" Kumunot ang noo ko dahil sa boses lalaki na narinig ko. Teka... sa pagkakaalam ko mag-isa lang ako sa kwarto ko.
"Binangungot kasi siya kagabe, natagalan bago siya tuluyang tumahan," sagot naman ng boses anghel. Hmmm? Sino ba ang mga 'to?
"Tsk. Such a crybaby," boses babae ulit na mukhang maldita. Mabilis akong dumilat at nagtatakang pinagmasdan ang paligid ko. Tanga, Thea! Back to earth! Ang rami nang nangyari pero lutang ka pa rin!
"Hoy saan ka pupunta?" Bumangon na ako at tinignan ang malditang pusa na siyang tinanong ni Drew. Ang arte, hindi naman ako nagpapagising ba't pa nila ako hinihintay---
"Hala!" Gulat kong nilingon ang mala-anghel kong bestfriend na malawak ang ngiti sa 'kin. Agad ko siyang niyakap kahit may bad breath pa ako at saka sabay kaming nagtatalon sa tuwa. "Ngayon na ang labas natin! Oh my g! Excited na akong makita ang family mo!" masaya kong sabi.
BINABASA MO ANG
HYEORAEK
ActionWhat will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalypse? Will they help each other to fight the undead or will their personalities clash once they find ou...
