----"Papa?" I bite my lips while watching Filan recognized his father whose kneeling in front of him. Nilibot ko ang tingin ko sa mga taong nasa loob ng malaking kwarto. My mother was crying while my father remained serious and observing how their grandson finally meet his father. Nalipat ang tingin ko kay Ate Blaire na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kaiiyak habang pinagmamasdan ang mag-ama niya.
"Are you really his father? Or you're just making fabricated stories?" Darius suspiciously asked the man. Among us, Darius was the one who are not convinced that the man I've introduced to them is Filans real father. Kahit nga ako at paniguradong si Papa rin ay hindi makapaniwala at hanggang ngayon ay hindi pa rin naniniwala. It's just happened too fast yesterday. Misyon ang pinunta ko roon pero hindi ko akalaing madadala ko sa pag-uwi ko ngayon ang matagal na naming hinahanap mula pa noon.
"Darius, show some respect on him. Hindi ka ba masaya na nahanap na rin ni Filan ang ama niya?" Nakangiting tanong ni Mama sa bunsong kapatid namin. They're both sitting on the edge of the bed while my sister and I both standing near at the door. Tahimik lang si Salvador at hindi man lang nagsalita mula pa noong pumasok siya sa kwarto naming pamilya.
"I would be happy if he find Filan early as possible and didn't let the three years passed on his hand. If he's Filan father then he should atleast finds them without wasting a years," kalmado ngunit may diin ang pagkakasabi ng bunso namin habang hindi inaalis ang naniningkit niyang mga mata sa lalaking kaharap niya. Wala nang umangal sa sinabi ng kapatid ko dahil alam naman naming siya ang pinaka may concern sa anak ng ate namin, he's the most closest person of Filan and what he'd said was partly true.
"Hinanap ko siya," Salvador finally speak and looking directly on his son before he turned around and meet Ate Blaire tearful eyes. "Nagpatulong ako sa pinsan ko na siyang kasama niya noon pero hindi pa man ako nakakapagsimula ay nalaman kong umalis na pala siya sa trabaho niya at hindi sinabi kung saan siya nagpunta," pag-amin niya kaya ang Ate ko mismo ang unang umiwas ng tingin. "Sinubukan ko siyang hanapin. Kahit malaki ang maynila ay hinanap ko pa rin siya pero kung saan-saan na ako napadpad ay hindi ko na ulit siya nakita. Blaire... pangalan lang niya ang tanging alam ko kaya paano ko siya mahahanap? Inabot ako ng ilang buwan hanggang sa tumigil na rin ako kasi bakit pa? Bakit ko pa siya hahanapin kung siya na naman mismo ang kusang lumayo. Ni hindi ko nga alam pati apelyido niya," mapait na kwento ng lalaking akala ko pangmamaliit ng tao ang alam.
"I guess... we should leave Salvador with Blaire to talk and explain untold things. Dadalhin na namin si Filan para makapag-usap kayo ng maayos," puno ng awtoridad na sabi ni Papa bago siya tumayo ng maayos. Darius glared Salvador before he take Filan with him and Papa carried my nephew on his arms. Ako na ang nagbukas ng pinto pero bago pa kami makalabas ay muling nilingon ni Papa si Salvador. "Just a piece of reminder, I don't trust you and didn't give any concent to hold my daughter kaya kapag nalaman kong hinawakan mo siya kahit isang hibla lang ng buhok niya ay agad kitang ipatatanggal sa trabaho mo," banta ni Papa rito kaya agad siyang hinampas ni Mama sa balikat.
"Cixto! Maghunos dilí ka nga!" Mama blurted out.
"Wala po akong gagawing masama sa anak ninyo, Sir. Malaki po ang respesto ko sa inyo at sa ina ng anak ko," mahinahong sagot ni Salvador. Unang beses ko ring marinig na gumamit siya ng po na hindi ko aakalaing maririnig ko mula sa bibig niya. Marunong naman pala siyang huminahon bakit lagi siyang galit kapag kami ang kaharap niya?
"Kung ganun ay mabuti. Blaire, ayusin ninyo ito. Matanda na kayo at kailangan ninyong panagutan ang responsibilidad ninyo bilang magulang ng apo ko, nagkakaintindihan ba tayo rito?" huling habilin ni Papa at sinagot naman iyon ng tango ni Ate kaya tuluyan na namin silang iniwan. Nauunang maglakad si Darius sunod sina Mama at Papa habang nahuhuli naman ako. I was planning to go to my colleagues dahil hindi ko na sila nakausap pa pagkatapos ng misyon namin kahapon at mabigyan ng parangal, a protection and needs for our family. Pero bago pa ako makalayo sa kwarto ay biglang may tumawag sa pangalan ko.

BINABASA MO ANG
HYEORAEK
ActionWhat will happen if a serious woman, Alice Claire Gordon, who has PTSD, and Ali Madrigal, who has two personalities, cross paths during the Apocalypse? Will they help each other to fight the undead or will their personalities clash once they find ou...