Part 36: Her Family

243 12 20
                                    



----

"Nandito na tayo." Naalimpungatan ako dahil sa hindi pamiyar na boses. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay mukha ni Ali ang bumungad sa 'kin. Sumunod ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa bote ng gatas ni Timo na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pagdede. Hindi ko napansing nakatulog na pala ako.

Kinuha ko na ang pagkakahawak roon at napatingin kay Gwyn. It's my first time seeing her sleeping while pouting. There's also traces of tears on her right cheeks, she cried. I can clearly see that.

Our aircraft safely land on the ground of the wide range of the place. The place looks private but with full of people, a survivors like us.

"Baba na," utos ng lalaking nasa harap namin. Sinamaan ko siya ng tingin at ganun din si Gwyn na nagising sa ingay nito.

"'Wag kang atat! Bababa naman kami, ah!" ganti naman ni Ali na mukhang maayos na.

"Aba't! Loko ka ah!" mabilis na naagapan ng piloto namin ang kamay ng lalaki. Balak na naman sana nito kaming saktan pero napigilan niya ito. Inawat niya ito at sinabihan na kaming bumaba.

Naunang bumaba si Ali at pareho kaming inalalayan ni Gwyn na bumaba. Hindi pa man lumilihis ang paningin ko nang hindi namin inaasahan  ang mabilis na paglapit ni Thea kay Gwyn at malakas itong sinampal.

"Thea tama na," awat ni Jean sa kaibigan niya. Hinawakan ni Drew ang braso ni Thea para pigilan ulit itong sugurin si Gwyn pero malakas nitong winaklit ang kamay niya at pinanlisikan ng mata si Gwyn.

"Kasalanan mo 'to!" sigaw ni Thea saka dinuro-duro si Gwyn. Nakayuko lang si Gwyn at hindi makatingin sa isa sa amin. "Kung hindi mo lang sana binalikan 'yang bag mo edi sana kasama pa natin ngayon si Kuya Hugo! Kung hindi ka lang sana tatanga-tanga edi sana nakaligtas na sana siya kasama natin!" sigaw niya ulit at pulang-pula na ang mukha.

Lahat ng kasamahan naming rescuer ay walang nagawa kundi tumingin lang sa pagkompronta ni Thea sa katabi ko.

"Thea tama na 'yan. Huwag mo na siyang sisihin," awat ulit ni Jean sa babae.

"Hindi eh! Kung hindi lang sana siya bumalik doon sa baba hindi sana siya susundan ni Kuya Hugo!... Ikaw!" Dinuro ulit ni Thea ang babae sa tabi ko kaya marahan itong napaatras. "Nung una pa lang talaga alam kong selfish ka na, eh! Selfish ka! Sarili mo lang lagi ang iniisip mo!"

"Tama na 'yan, Thea. Hindi na rin naman mababalik ng pagsisi mo kay Gwyn si  Brother Hugo, eh!" awat na rin Drew. Pero ayaw magpaawat ni Thea. Alam kong galit na galit ito kay Gwyn dahil sa nangyari.

"Ano, Drew? Kumakampi ka na sa kanya ngayon? Siya ang dahilan kung bakit wala sa tabi natin ngayon si Kuya Hugo!" nagsimula ng umiyak si Thea at nanlilisik ulit na mata ang binigay kay Gwyn. Agad na bumaba ang tingin niya sa bag na yakap pa rin ng babae.

"Thea!" tawag ni Jean nang biglang hablutin ni Thea ang bag ni Gwyn. Pinigilan pa ni Ali ang babae pero naunahan na siya nitong kuhanin ang bag.

"Ito ang bagay na hindi mo maiwan-iwan, diba? Bakit? Anong bang meron sa bagay na 'to at nagawa mo pa 'tong balikan?" My jaw dropped when she furiously opens Gwyn bag and dropped those inside of it. Lumabas roon ang ilang piraso ng damit, papel pati mga gamit pang-skwela. Napunta ang tingin namin sa huling bumagsak na cellphone sa sahig.

HYEORAEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon