Part 20: Mood of Serenity

411 27 10
                                    



----

"Halika kayo mga hija at hijo," tawag ni mother sa aming walo.

Mula sa malaking pinto galing sa loob ng simbahan ay tanaw ko na agad si mother na nakatayo sa harapan ng malapad na lamesa.

Ako ang nauuna habang nasa likod ko naman ang pito na abala rin sa pagpapantasya sa mga palamuti sa loob ng simbahan. Pati ako ay hindi mapigilan mapaangat ang tingin sa mga santo na may iba't-ibang disenyo.

Tahimik na tahimik ang paligid at mga hakbang ko lang at ng mga kasama ko ang maririnig na ingay.

"Wow!" bulalas nila nang makarating na kami sa malawak na kusina. Kapansin-pansin ang medyo kadiliman sa loob nito. Sa altar rin ay walang mababakas na kahit na anong ilaw, kaya pati kadiliman ay nakikiisa na rin sa katahimikan sa loob na dahilan para magmukhang nakakatakot ang simbahan.

I pulled the chair to my side at doon naupo. Kuya and Ali seated on my side too, and I felt a sudden uneasiness and uncomfortable feelings when I realized that I didn't apologize to Erros this past few hours.

This is really getting complicated.

"Wow! Ang daming pagkain!" Ali exclaimed.

Nagpakawala ng matamis na ngiti ang matanda sa amin ng marinig ang komento ni Ali sa mga pagkain na kanilang hinanda.

Naupo na rin si Drew, Gab at Rhimson sa tabi ni kuya. Sa kaliwa naman ni Ali tumabi si Xavier at Matt.

Iba't-ibang putahe ang makikita sa malapad at mahabang lamesa, na hindi ko masyadong matukoy kung anong klaseng putahe dahil kandila lamang ang nagsisilbing ilaw sa harapan namin.

"Pagpasensyahan niyo na kung madilim rito, pakiwari ko ay naputol ang kable ng ilaw na nagbibigay ng liwanag dito sa loob ng kombento. Hindi na namin ito naayos dahil takot kaming lumabas," hindi pa man kami nagtatanong ay agad ng nagbigay ng paliwanag ang matanda.

"Ayos lang po 'yun lola. Delikado po kasi talaga ang lumabas rito," mas lumaki ang ngiti ng matanda ng sabihin iyon ni Drew.

Bigla na lang lumitaw sa isipan ko nang mapunta kami rito at napansin na wala ni isa akong makitang zombie na pakalat-kalat sa daan. Hindi pa iyon madilim kaya hindi pwedeng magkamali ang mga mata ko.

The question is why is there no one zombie outside?

"Ganoon ba mga hijo? Maraming salamat sa pag-intindi," malugod na pagpapasalamat ng matanda sa amin.

Naging tahimik ang paligid ng hindi na ulit nagsalita si Drew.

Tahimik talaga ako kaya hindi na nakakapagtaka ngunit ang mga kasama ko ay mukhang nakiki-pagkiramdaman pa rin sa isa't-isa na parang takot ang mga dila at bibig nila na ibuka.

"Magkakaibigan ba kayo? Pakiramdam ko ay naiilang kayong lahat sa isa't-isa?"
tanong ng matanda sa amin, pero kahit si kuya na palaging may magalang na sagot sa lahat ay tahimik rin at hindi man lang nagtaas ng tingin.

"Kakikilala pa lang po namin sa isat-isa," magalang na sagot ni Rhimson. Pagkatapos niyon ay wala na ulit nagsalita.

I find myself in awkward situations.

HYEORAEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon