Part 60: The Trio

182 13 18
                                    

Let's welcome Drew's POV!

----

Drew POV.

"Rhim! May nagawa ako!" sigaw ko nang hindi ko sinasadyang mapindot ang delete sa computer na kanina ay inuupuan ni RhimRhim. Nagkakagulo na nga't lahat pero nagawa pang mag-cr ng dalawang 'yun! Ako rin kaya naiihi pero pinigilan ko lang para bantayan ang iba ko pang kaibigan.

"What did you do again, Drew?" Nagsalubong ang kilay ko paglingon ko kay Gabin at RhimRhim. Ba't ganito sila? Lagi na lang nila akong ginaganito eh wala pa naman akong ginagawang kung ano.

"Pinakialaman mo naman ang isang 'to, ano?" akusa ni Rhim sa 'kin kaya nagkunwari akong walang alam at umupo na lang sa tabi ng upuan niya.

"There's no need to ask when the answer is right in your front you," saad ni Gab nang makita ang reaksiyon ko. Nagtaka lang naman ako sa mga nakalagay sa computer eh. Malay ko bang magdidilim na lang bigla ang screen eh isang pindot lang naman ang ginawa ko.

"Wala akong ginagawang masama, no! Bakit pala nagblack na lang 'yan bigla?" depensa ko at itinuro ang black na screen ng computer na minamanipula kanina ni RhimRhim. Kinakabahan ako baka nasira ko na ang system na sinasabi ni Gab eh kailangan pa naman naming bantayan ang mga kalaban at mga kasama naming nakapasok na sa loob ng gusali na 'to.

"Bakit ka kasi pindot ng pindot dito, Totoy. Kung iba pa ang napindot mo baka nasira na natin ang system nang tuluyan," pangaral ni RhimRhim sa 'kin tapos pinindot niya ang undo sa keyboard ng computer. Kaya nakita ulit namin ang mga taong pinagmamasdan namin at nakita pa sila Alice at sila bossing na nag-uusap sa harap ng apat na pinto.

"Anong nangyayari?" tanong ni RhimRhim nang makita namin ang ganap sa pagitan ng walo naming kasama. Napakamot ako ng ulo at kinuha na lang ang bag na dala-dala ko. Maayos na naman ang computer at mukhang malapit na nilang makuha ang vaccine namin. Gusto ko sanang makipagbakbakan pero masyado akong tamad at... sige takot na rin.

"Malay ko..." sagot ko sa tanong ng katabi ko bago ko dukutin ang pandesal na isinuksok ko pa sa bag na dala ko. Pero naiwan sa ere ang pagkagat ko sa tinapay nang parehong napalingon sa 'kin ang dalawa kong utol.

"Kahit pala rito hindi mo pa rin pinapalampas iyang katakawan mo," komento ni Rhim sa 'kin kaya napangiwi ako bago ko tuluyang ipasok ang tinapay sa bibig ko. "At isang plastic pa talaga ang dinala mo. Pahingi nga ako," dagdag niya pa bago kumuha rin ng tinapay sa dala ko. Napailing na lang si Gab sa amin bago itinutok ang mga mata sa screen.

"Eh sa nagugutom ako eh," dahilan ko bago ko maalala ang taong kasabwat ko rito. "Si Ali kaya ang nagsuggest nito, sinunod ko lang naman ang utos niya malay ko bang magkaiba kami ng lokasyon," sabi ko pa bago lamunin ulit ang dala ko. Napatingin sa 'kin si Gabin at mukhang nag-iisip nang malalim. May sasabihin ito panigurado.

"Hep hep! Magtagalog ka nga Gab na nonosebleed na ako eh!" sabi ko sa kanya bago pa niya ibuka ang bibig niya. Agad akong napakamot ng ulo nang paluin ako ni RhimRhim rito at napaaray pa ako.

"Huwag kang magsasalita ng puno pa ang bibig mo, Totoy. At magfocus nga tayo baka mamataan tayo ng kalaban," sabi niya sa 'kin bago ayusin ang salamin niya at itinutok ulit ang mata sa computer sa harap niya.

"That Ali..." banggit ni Gab sa lalaking isip bata na kasama namin.

"Bakit?" kuryuso kong tanong dito.

HYEORAEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon