Part 25: Dark Escape

323 20 23
                                    



----

"Hindi ko mabuksan ang pinto," saad ni Hugo na halatang kanina pa naiinis sa sitwasyon niya.

Sabay kaming lahat na napalingon sa kanya na naliligo na sa pawis dahil sa pagtakbo at dagdag na rin sa mga nangyari kanina. Hinihingal kaming lahat nang makarating na kami sa backdoor na sinasabi niyang pwede naming labasan.

"Patingin ako," ani Drew at agad na lumapit kay Hugo na abala pa rin sa paghila ng pinto para mabuksan.

"Baka tinutulak 'to?" tanong ni Drew sa sarili niya habang nakahawak sa doorknob ng pinto. Napamaang naman kaming lahat lalo na ako nang mabilis siyang batukan ni Ali at muntikan pang mauntog ang ulo ni Drew kung hindi lang nasalo ni Hugo ang noo nito.

"Aray! Ba't ka nananapak?!" inis na tanong ni Drew sa katabi niya at laglag pa rin ang panga niya.

"Hindi 'yan hihilain ni mamang Peklat kung patulak naman pala ang pagbukas niyan, tanga nito," lait ni Ali sa isa. Napakunot pa ang noo ko sa tinawag niyang mamang peklat pero nang makita ko ang pagkunot rin ng noo ni Hugo ay mukhang alam ko na kung sino. Parang mga bata kung magsigawan ang dalawa na ang lapit-lapit lang naman ng mga mukha nila sa isa't-isa. Napailing ako habang hawak pa rin si Timothy. I'm currently feeding him by the supplies that mother left to us in our room. Kaya pala iyak nang iyak dahil gutom na pala.

"P-Para kayong mga baliw dyan. Kung hayaan niyo na lang kaya si kuya Hugo ang magbukas niyan," nanginginig na suwestiyon ni Thea sa dalawa pang kalalakihan na kasama namin. Nakayakap siya sa sarili niya at katabi naman niya si Jean na basang-basa pa rin ang pisngi dahil sa pag-iyak.

Kung gaano ako kalapit sa pintuan ay ganun naman ang layo ng distansya ni Gwyn saamin. Wala pa ring makikitang emosyon rito at parang bato na nakatayo lang at nakasandal sa pader habang nakikinig sa pag-uusap namin.

"Umalis nga kayong dalawa riyan. Kahit dito hindi pa rin kayo nagbabati.... parang mga bata tsk," Kunot noong sabi ni Hugo na halatang naiinis na rin sa sitwasyon. Walang awa niyang tinulak ang dalawa palayo sa pinto at saka niya ulit sinubukang ipihit ang doorknob at hilain ito.

Napaiwas ako nang sa tabi ko mismo bumagsak si Ali at binigyan lamang ng masamang tingin si Hugo papunta kay Drew. Tumayo siya kasabay rin ng pagtayo ni Drew na tinulungan pa ni Jean, napairap pa si Ali nang makita akong nakamasid sa kanya.

Hindi ko na pinansin pa ang pagtabi ni Ali sa 'kin at mas pinagtuonan na lang ng pansin ang malaking pinto na hindi pa rin nabubuksan ni Hugo. Bakit nga ba hindi ito mabuksan?

"When is the time that you use this? It looks old.." I asked when I notice the rusty that sorrounds the every edge of the door. Maybe that's the reason why it's not opening now.

"S-Sabi ni Mother... matagal-tagal na raw na hindi nila 'to nagagamit. In case of emergency lang daw," naalalang sabi ni Thea. I nodded afterwards and take a little closer of the door. Tumabi naman si Hugo para mas bigyan ako nang mas maayos na view.

"Eh paano natin 'yan mabubuksan?!" hysterical na sabi ni Ali na nasa tabi ko pa rin.

"You will need a full force to open that door," napapaos na sabi ni Gwyn na nakapikit at nakaupo na ngayon sa sahig nang lingunin ko. Sumang-ayon kami sa sinabi niya habang nakakunot lang ang noo ni Drew na mukhang hindi naintindihan ang sinabi ng dalaga.

HYEORAEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon