Chapter 62

324 24 0
                                    

Lark's POV





"AZAIAH!!!"

Sigaw ko matapos makita ang pag kakatarak ng sandata ni Pluto sa lupay pay na katawan nito. Ramdam ko ang sakit. Para akong masisiraan ng bait sa aking nakita. Ang aking pinaka mamahal!

Hindi!

Hindi ito maari!

Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa nakita. Nag mistulang bukal ang aking mga mata sa mga luha na umaagos dito. Wala na aking pinaka mamahal. Ang aking pinaka iingat ingatan.

"Hhhhaaaaaaaaaaaaaa!"

Hiyaw ko dahilan para bumugso ng napaka lakas ang hangin.
Itinagay nito palayo si Pluto sa paanan ni Azaiah. Maging sina Harley, Blaze at Jethro ay naitangay sa lakas ng pag bugso ng hangin na aking nilikha sa aking pag sigaw.

Nilamon na ako ng galit.


"Patawad Mahal. Ngunit kailangan kitang ipag higanti"






Third Person Point of View





"Lark. Arrhg!"

Wika ni Harley matapos itong maka bangon mula sa kanyang binagsakan dahil sa lakas ng hanging pinakawalan ni Lark.

Labis ang pag ka gulat ng tatlong prinsipe na tagapangalaga ng Apoy Tubig at Lupa dahil sa taglay na lakas ni Lark. Ibang iba ang kanyang kapangyarihan.

Kitang kita sa kanya ang pag sanib ng buong pwersa ng Hangin at ang asul liwanag na bumabalot sa kanyang nag dudulot ng kakaibang pakiramdam. Halos mag tayuan ng balahibo ng tatlong prinsipe sa kanilang nakita sa kasamahan.



"Papaano nya ito nagawa?"


Takang tanong Ni Blaze habang naka tingin parin sa nakayukong anyo ni Lark habang ang hangin ay patuloy parin sa pag bugso.


Maya maya pay naka tayo na si Pluto mula sa kanyang pinagbagsakang malaking tipak ng bato.


Ramdam nito ang pag tulo ng dugo mula sa kanyang pisngi dahil sa sugat na tinamo nito sa ginawa ni Lark.


" Pag sisisihan mo ang ginawa mong ito!!"

Sigaw nito at kaagad umatake papunta kay Lark ngunit mas naging malakas ang bugso ng hangin na pumapalibot sakanyang kung kayat hindi magawang lumapit ni Pluto at tumilapon nanaman ito.


" Tignan nyo ang mga katana ni Lark"



Wika ni Blaze sa dalawang Prinsipe.


"Imposible"

Tugon naman ni Jethro dahil sa pag ilaw ng sandata ni Lark habang ang mga ito ay nag iiba. Mas naging mahaba at malapad ito at kakaiba ang talim. Kitang kita mula sakanyang bagong armas ang mga hangin na naka palibot dito at ang kakaibang kapangyarihang bumabalot kay Lark.


Maya maya pay nagulat silang tatlo nuong sunod sunod na tumilapon pahimpapawid si Pluto. Magkaka sunod din ang kanyang pag bagsak sa lupa na nag dudulot ng kaunting pagyanig.



"Kakaiba ang taglay nitong lakas"



Gulat na wika ni Jethro at mas humigpit ang kanyang pag kakahawak sa kanyang arnis na nasa  magkabilang palad nito.



"At ang akala mo ba matatalo mo lamang ako sa mga ganyan? Hanga--

ARRRRRRHGHG!"



The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon