Chapter 25:

439 36 1
                                    

Lark's POV


"Teka? Ano?! Pano manganganib si Harley?"

Biglang usisa ko matapos sabihin ni Azaiah na nanganganib si Harley.

Matapos kasing matulala nito kanin ay parang nangangamba na ito at paniwala koy galing ito sa ilalim ng lupa. Ramdam ko rin ang ragasa ng enerhiyang iyon na hindi maipaliwanag. Ang hindi ko lang lubos maintindihan ay kung bakit konektado si Harley?

"Wala ng oras"

Muling bulalas nito.

"Teka lang pero"

Sumbat ko ngunit kaagad akong hinawakan nito sa kanang kamay dahilan para mag laho kaming dalawa at higupin ng enerhiya.

"Teleport"

Mahinang bulong ko habang pinag mamasdan ko ang liwanag na nilalakbay namin.

Napapadalas rin ang sulyap ko sa mukha nito habang naglalakbay kami at napapansin ko ang pag iiba ng presensya nya.

Mukhang nag aalala at makikita mo ang pang hihina nito

Naisin ko mang mag tanong ngunit minabuti ko nalang ang mahamik habang nag lalakbay kami. Maya maya pay umiilaw nanaman ang berdeng marka ng korana sa balikat nito.

Sa ganoong paraan din noong umilaw ang pulang marka sa balikat nito ngunit anong ibig sabihin nito?

Maya maya pay nakarating na kami sa aming patutunguhan.

Ang bahay ni Harley

Akmang hahakbang pa lamang sana ako noong bigla nalang nag laho sa tabi ko si Azaiah.

Pag tingin ko sa di kalayuay naka upo na ito sa damuhan.
Sa labas ng balkonahe ng bahay ni Harley habang...

"Harley?"


 Bulalas ko matapos kong makitang inaakay nya si Harley mula dito.

Duguan at puno ng pasa at galos sa katawan

Kaagad naman akong nagtungo sa kinaroroonan nila at tinulungan si Azaiah sa pag akay kay Harley.

Mapapansin sa mga mata ni Harley ang tumutulong luha kasama ng mga dugo sa labi nito.

"Anong nangyayari? Bakit si Harley nanaman?!"

Naguguluhang tanong ko sa isipan ko.

mag sasalita pa sana ako ngunit

"Kailangan natin sya ilagay sa katawan ng tubig"

isang boses ang kumausap sa aking isipan. Pag tingin koy nakita ko Azaiah na natitig saakin. Sya nga.

"Ka kailanganin ko ng tulong mo. Masyado na akong na pata sa mga nakaraang araw at hindi ko na kakayaning ni punta ko pa kayong tatlo sa may Eastcoast. Dalhin mo sya doon. Ikabubuti nya ito. Aantayin ko kayo doon."

Sumamo nito at kaagad ng naglaho.

Kaagad naman akong pumikit kasabay ng pag pihit ng hangin dahilan para maglago kami ni Harley at tinangay ng Hangin papuntang Eastcoast.

"A-andito ka?"

Tanong saakin ni Harley habang nag lalakbay kami.

"Wag ka munang mag salita. Malaking enerhiya ang nawala sayo. Mamahinga ka muna. Malapit na tayo"

Sagot ko sakanya at agad naman nitong tinugunan.

Ano ba kasing nag yayari?

Sino ang gumagawa nito?

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon