Chapter 51

337 28 0
                                    

Continuation of Flashback


Nag patuloy ang pag lalahad ng kwento ng Ina ni Drieko habang silay nasa pinakamataas na palapag ng kanilang kastilyo. Unti unting nalaman ni Drieko ang tungkol kay Pluto at ang tinataglay nitong kapangyarihan.

"Ngunit ina, si ama?"

Tanong ni Drieko sa kanyang Ina
Maya maya pay hinaplos ng kanyang ina ang ulo ni Drieko kasabay ng pag guhit ng matamis na ngiti sa mukha ng kanyang ina.

"Simula nuong dalhin ko sya sa ating kaharian, malugod syang tinanggap ng iyong ama dahil sa kanyang taglay na mala anghel na mukha at sa prisensyang taglay nito sa Olympus, tila nag karoon ng pananggalang ang kaharian nuong namalagi sya rito at unti unti itong lumakas habang siya ay lumalaki. " 


paglahad ng kanyng ina

"Ina, alam kong mali ang aming pag mamahalan, alam kong tutol kayong dalawa ni Ama, ngunit.. ngunit"

Wika ni Drieko at tuluyan ng hunagulgol dahilan para hindi na nya maituloy ang kanyang sasabihin.

Maya maya pay unti unti ng pumatak ang ulan kasabay ng pag tangis ni Drieko. Hinawi naman ng kanyang ina ang kamay nito sa himpapawid dahilan para mag karoon ng pananggalang sa kanilang dalawa upang silay hindi tuluyang mabasa.

"Tignan mo ang nangyayari aking Anak, ang iyong pag tangis at ang lungkot na iyong nadarama ay naramdaman ni Pluto. Sa ngayon ramdam ko ang lungkot sa kanyang puso at ang kanyang emosyon ang dahilan ng ulan na ito. "

"Ngunit ina"

"Ang pag mamahal ay walang pinipiling kasarian aking anak. At kung saan mo ikaliligaya at kung saan ikaaayos ng kahairan ang ang apat na elemento duon paparoon ang pasya ko. Kung ipag papatuloy mo ang iyong pagiging malungkot ay labis lamang na masasaktan si Pluto. Ang Prinsipe ng Kapayapaan ay magiging malungkot"

Pag papa alala ng kanyang ina.

"Ang iyong Ama"

Wika muli ng kanyang ina.

"Alam kong batid na nya ang inyong estado ni Pluto. Nag usap narin kami tungkol dito"

"Kung gayon ina? Pumapayag si ama sa pag mamahalan namin ni Pluto?"

Magalak na sumbat ni Drieko sa kanyang ina.

Maya maya pay unti unting ngumiti ang kanyang ina at kaagad nitong binawi.

"May mga bagay na kailangan nating iwaksi anak"

Bungad ng kanyang ina dahilan para mapatingin ito.

"Anong ibig mong sabihin ina?"

"Ikaw ang susunod sa trono. Ang tagapangala ng apat na elemento, at maisasatuparan lamang iyon kapag nag karoon ka ng kahalili sa iyong tabi"

"Ngunit si Pluto ang gusto kong humaliki saakin kapag ako na ang naging hari"

Sa pag kakabigkas ni Drieko sa mga katagang iyon ay biglang lumapit ang kanyang ina at hinaplos ang kanyang pisngi.

"Isang dalaga ang dapat humalili saiyo aking anak"

"Hindi ina mahal ko si Pluto"

Pag pupumilit nya. Unti unti namang pinunas ng kanyang ina ang mga luhang umaagos sa mga mata nito.

"Anak, sana maintindihan mo, isang malaking responsibilidad ang iyong mamanahin. Kung ipag liliban mo man itoy ang kapayapaan sa Olympus ay mawawala, ang kapangyarihang bumabalot dito ay mag lalaho. Anak, kung mahal mo talaga si Pluto, handa kang mag pakatatag, handa kang mag paraya, handa kang mag sakripisyo at gawin ang lahat. Sana maintindihan mo ako aking anak"

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon