Chapter 53

322 29 0
                                    

Third Person Point of View



Matapos ang usapan nila Lark at Azaiah ay tuluyan na itong mag paalam kay Lark upang sya ay makapag handa na sa digmaan.

Kaagad namang ginamit ni Lark ang kanyang kapangyarihan at unti unting naging hangin papunta sa harapan ng kanilang hukbo.

Inaantay nito ang palatandaang sinabi ni Azaiah sakanya upang sila na ay ususad papunta sa gagapin na digmaan.

Maya maya pay biglang lumikha ng napaka lakas na ingay ang hayop ng hangin na syang nag babantay sa kanilang kaharian. Ang Griffin.

Nag iingay ito kasunod ng panyang pag lipad pahimpapawid at nag palibot libot sa kanilang kaharian. Maya maya pay pumunta na ito sa unahan ng hukbo at tumigil sa ginagawa nitong ingay.


Gnomes


Lahat ay nag hahanda narin at inaabangan ang palatandaan ni Azaiah sa kanilang pag lusob.

Batid nila ito sapagkat nag tungo ito kanina saka nilang kaharian. Nasa harapan ng hukbo sa laabas ng kanilang kaharian si Jethro at nag aabang din sa palatandaan. Maya maya pay unti unting yumanig ang lupa at may lumikha ng malakas na ingay ng isang hayop.


Kasunod nito ang mga dagundong ng yapak ng paa palalapit sakanila.

Namangha ang buong hukbo sa nasaksihan nuong mag pakita ang halimaw ng kagubatan. Ang hayop ng lupa. Ang tagapag bantay ng Gnomes. Humiyaw ulit ang halimaw pag karating nito sa paanan ng kanilang hukbo.

"Maligayang pag babalik aking kaibigan. Wari koy matagal tagal ang iyong pag tulog at matagal tagal ang ating hindi pag kikita"

Wika ni Jethro sa kanyang alaga dahilan paya iginaya pababa nito ang kanyang mga palad at umangas paitaas si Jethro papunta sa balikat ng halimaw.

"Natitiyak kong madugo ang darating na digmaan kaibigan. Ihanda mo ang iyong sarili."

Muling wika nito habang naka tayo sa balikat ng halimaw at nakatingin sa malayo sa direksyon ng kaharian ng Olympus.



Undies


Malakas na ragasa ng tubig at nag ngangalit na hampas ng alon ang bumulabog sa mga kawal at hukbo ng undies habang silay nasa kaharapan ng kanilang kaharian at imaantay ang palatandaan ni Azaiah. Maya maya pay isang ungol at hiyaw ng mala halimaw ang kanilang narinig sa ilalim ng tubig papunta sa kanilang kaharian.

"Hindi kaya"

Wika ni Harley at unti unting lumapit sa tubig at nag lakad upang salubungin ang naririnig nilang hiyaw ng halimaw.

Labis ang galak na ramaramdaman ng kanyang puso at tuwa sa pag lapit na tila halimaw na lumilikha ng alon at ingay  sa ilalalim ng tubig.

Ang ilan sa mga kawal ay inalalayan ang prinsipe sa kanyang likuran sa kanilang dahilang isa  itong kalaban.

Maya maya pay isang malakas na bugso ng tubig at pumahimpalawid at ang karoon ng kaunting pag ulan dahil sa nilikhang pag talon ng nilalang na syang inaabangan ni Harley. Hindi maipinta sa kanyang mukha ang galak na kanyang nadarama sa mukling pagka silay sa kanyang alaga. Ang kanyang tagapangalaga.

"Maligayang pag balik aking kaibigan"

Wika nito sa tumabad na nilalamg sa kanyang harapan.

Isang napaka laking water horse. Ang hayop ng tubig at ang tagapangalaga ng Undies.

Labis ang pag ka mangha ng hukbo sa nasaksihan. Maya maya pay lumikha ulit ito ng ingay kasabay ng pag kalma ng mga alon at ang tubig.

Unti unti namang lumapit at umangkas sa likuran nito si Harley at tumingin sa direksyon ng Kaharian ng Olympus.


Arfis



"Anak kanina pa toyo nag aantay ng palatandaan? Hindi ba binanggit sa iyo ng mahal na prinsipe ang kanyang ibibigay na palatandaan?"

Tanong ng hari ng arfis  sa anak nito habang sila ay nag tityagang mag antay.

"Wala ama. Ngunit natitiyak kong malalaman natin ito ka agad"

Sagot naman ng Prinsipe kasunod nito ang malakas nga pag sabog at pag siklab ng apoy sa itaas ng kastilyo ng Arfis. Lumabas sa pag sabog ang ang napaka laking ibon na kulay atim at na nababalibutan ng nag babagang apoy. Lumikha itk ng napakalakas na tili.

"Ang aking Phoenix"

Masayang wika ni Blaze habang pinag mamasdan ang napaka gandang paglipat ng kanyang bantay. Ang hayop ng apoy. Ang Phoenix na syang nag babantay sa kanilang kaharian. Maya maya pay nag tungo na ito sa paanan ng hukbo sa harapan ng hari at ni blaze. Bahagya itong yumuko at nag bigay pugay sa kanyang pinag sisilbihan. Dali dali namang lumapit si Blaze at hinawakan at hinaplos haplos ang ulo nito.

"Mabuti naman at nag pakita ka ngayon aking kaibigan"

Wika nito habang hindi mapigilan ang pag guhit ng isang ngiti sa kanyang mga labi.

Bahagyang nawala ito at hindi na muling nag pakita pa nuong ipakilala at ipakita nya ito kay Azaiah.

"Ama natitiyak kong ito na iyon. Sanay ipag pa ubaya nyo na saakin ang ating hukbo"

Wika ni Blaze sa kanyang ama habang hinahaplos ang ulo ng kanyang alaga.

"Mag iingat ka aking anak. At kahit ano mang mangyari, protektahan nyo ang mahal na prinsipe kahit buhay man ang kapalit. Nararapat syang manatiling buhay"

Pa alala ng kanyang ama. Tumango naman ito at tinungo ang kinarorooan  ng kanyang ama at yinakap ng mahigpit.

"Pangako ama"

Wika nito bago kumalas at umangkas sa likod ng kanyang alagang ibon.

Ang mga palatandaang ibinigay ni Azaiah ay nag pakita na sa apat na kaharian. Maya maya pay sabay sabay na  gumawa ng napaka lakas na ingay ang mga tagapangalagang hayop ng apat na kaharian na syang nag bigay hudyat sa apat na malalaking hukbo sa bawat kaharian ng apat na elemento.

Kasunod nito ang pag usod ng mga hayop patungo sa Olympus. Sinyales na nag aantay na si Azaiah sakanila sa bungaran ng Olympus.



To be continued..


oh ayan.  pahirit. konting favor lang guys, please please please hit the vote button hihi number 3 nanaman kasi tayo sa fantasy, nakaka lkungkot, tryna comment down nadin para masaya hihi. Thank you in advance!

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon