Third Person Point of View
"Ibigay ninyo lahat ng inyong lakas aking mga anak! Patayin lahat ng nilalang na makakasagupa ninyo! Hahaha"
Sigaw ni Pluto sa kanyang mga binuhay na kawal mula sa kanyang kapangyarihan na galing sa itim na usok sa kanyang mga kamay pag katapos nitong matagumpay na maharangan ang apat na pwersa mula sa mga elemento.
"Wag kayong mag titira ng buhay! Sugod!!"
Dag dag pa nito dahilan para umarangkada pa abante ang kanyang hukbo para sumugod sa hukbo ni Azaiah.
"Para sa Olympus!!!!"
Sabay sabay na sigaw ng apat na prinsipe dahilan para mag hiyawan ang kanilang hukbo at nag sitakbo narin para sumugod sa paparating na mga hukbo ni Pluto.
Kaagad nag liwanag ang kamay ng apat ng prinsipe at unti unting nag pakita ang kanilang mga armas sa kani kanilang mga kamay.
Unang umatake si Blaze sa mga kawal ni Pluto ang kanyang kasuotan ay nag liyab ng apoy habang itoy sumusugod. Sa kamay nito ang napaka garang pana na nababalutan ng apoy. Gamit ang kanyang bilis ay nagawa nyang patumbahin ang halos limampung kalaban sa kanyang unang pag atake gamit ang kanyang armas.
"Laban mga taga Arfis!!!!"
Sigaw niyo kasabay ng pag salpukan ng kani kanilang hukbo.
Kaagad namang hinataw ni Jethro ang kanyang mga arnis sa lupa dahilan para mag silabasan sa lupa ang mga patulis na bato sa kanyang harapan. Lahat ay namangha sa kanyang ginawa dahil lahat ng mga matutulis na bato ay may napinsalang kalaban.
Lumukso ito sa ginta ng nagsalpukang hukbo at nag patuloy sa pakikipaglaban.
"Jethro sa likod mo!"
Sigaw ni Harley kaya kaagad itong yumuko. Kasabay nito ang napakabilis na pag salpok ng sibat na armas ni harley sa limang kawal na aatake sana kay Jethro. Unti unting nahugot ang armas ni harley na napapalibutan ng kakaibang tubig na syang nag papalakas s bawat atake nito.
"Salamat kapatid"
Wika ni Jethro at sila ngay nag patuloy na sa pakikipag laban.
"Madami ng na sasaktan at nasasawi sa aming mga hukbo!"
Sigaw ni Lark sa kanyang isipan habang nakikipag laban ito sa mga nilalang na nilikha ni Pluto.
Napansin nito ang kakaibang lakas at liksi ng kanilang kalaban kaya minarapat nga ilabas ang kambal ng kanyang katana.Biglang umihip ang hangin sa kanyang kaliwang kamay nasabay ng pag litaw ng kanyang isang armas. Nag ilaw ang kanyang mga mata at sa isang kisap lamag ng kanyang mga mata ay kumilos ito ng napakabilis tulad ng hangin. Tumilapon ang dugo sa himpapawid habang nakikipag tuos ito. Ang kanyang hukbo ay namangha at hindi mapigilang hindi mapanood ang mga tumitilapong lupay pay na katawan ng kanilang mga kalaban sa kagagawan ni Lark.
Maya maya pay biglang lumitaw si Lark sa harap ng kanyang hukbo na kanilang ikinagulat. Ang mga mata nitoy nag iilaw parin ng kulay asul dahil sa taglay nitong kapangyarihan
"Makinig kayo. Ang mga nakakasagupa natin ay may kakaibang lakas at liksi. Mag iingat kayo at maging alerto sa pag atake. Hayaan nyong ako ang manguna at sundan nyo ako sa aking pag atake. Walang mamatay! Tulong tulong tayo sa pakikidigma! Maliwanag ba!!! "
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasíaGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...