Azaiah's POV
Tapos na ang pag hihirap ng lahat. Tapos na ang madugong labanan. Kailangan kong tapusin lahat ng maaring maging gusot sa digmaang ito.
Si Pluto, nabubuhay parin sya, alam kong hindi nya ginusto lahat ng nangyaring ito.
Nabasa ko ang lahat matapos kong maki pag laban kay Galand."Anak, sigurado ka ba sa iyong nais?"
Tanong ng aking ina pag ka kalas ko sa yakap ni Lark na ngayon ay masigla na dahil sa pag bibigay ko sa kanyang katawan sa elemento ng Hangin.
"Oo ina. Kailangan ko itong gawin para mas masiguro kong magiging maayos na ang Olympus"
Sagot ko naman kasabay ng kanyang pag yakap saakin.
Tuluyan na ngang nawala ang makakapal na ulap na syang dahilan ng kadiliman sa buong Olympus at apat na kaharian.
Mabilis akong lumapit sa kinaroroonan ni Pluto na syang naka gapos parin ang katawan dahil sa aking kusarigama.
Alam kong may malay na ito dahil sa unti unti nyang pag galaw at ang mga bagong luha na tumutulo sa kanyang mga mata.
Ramdam ko ang pag sisisi sa kanyang katauhan. Ang kanyang pangungulila sa aking Ama. Ang dahilan kung bakit sya nag kaka ganito ngayon.
"Tapusin mo na ang buhay ko. Parang awa mona. "
Pag tangis nito matapos kong maka rating sa kanyang kinaroroonan.
Ang mga bukal ng luha sa kanyang mga mata at ang busilak na pag sisi si ang nag udyok sa kanya para sabihin ang mga katagang ito.
"Tapos na ang lahat, isang malaking kahihiyan ang aking nagawa. Ang pag sira sa kaharian at ang pag kawala ng aking pinaka mamahal dahil sa aking ka hangalan. Hindi ko na kaya ang sakit Drizza paslangin mo na lamang ako. Wala ng patutunguhan ang aking buhay. Parang awa mo na"
Pag tangis muli ni Pluto saakin dahilan para madurog ang aking puso.
"Ako ang mag dedesisyon sa katapusan ng lahat, tama. Ngunit hindi ibig sabihin non ay hindi na maaring gawaran ng isa pang pag kakataon ang isang nilalang na magbago"
Sagot ko sa kanya kasabay ng kanyang pag tingin saakin.
"Alam ko ang iyong naka raan. Ako ang anak ng pinakamalakas diwata kayat kaya kong basahin ang bawat naka raan ng isang ni lalang. Nagawa ko ito matapos kong makipag tuos sayo nuong una akong bumisita dito naaalala mo ba?"
Napako ang tingin ni Pluto saakin habang ang mga mata nito ay patuloy parin sa pag luha.
"Ang aking Ama"
Dag dag ko dahilan para mapa pikit ito at mas bumilis ang pag luha sa kanyang mga mata
"Ang aking Ama ang dahilan. Ang pag mamahalan nyong wagas ang dahilan kung bakit ka nawala sa iyong katauhan at naging dahilan ng pag kontrol ni Galand sa iyong kahinaan. Alam kong lubos ang puot na naramdaman mo sa pag kikipag isang dib dib ng aking ina sa aking Ama. Ngunit batid ko ring nai paliwanag na ng husto ito ng aking ina."
Pag papaliwanag ko sa kanya.
Mga hikbi lamang ang aking narinig mula sakanya. Napansin ko ang kanyang itim na buhok na unti unti ng nagiging puti.
Marahil ay unti unti ng nawawala ang kadiliman sa kanyang puso at ang mga bakas ni Galand na kanyang naiwan sa pag higop sa kanya ng mga elemento.
"Wala kang kasalanan sa lahat Pluto. Alam mo na ikaw lamang ang minahal ng aking Ama. Alam na alam mo yan dahil sa inyong sumpaan. Ikaw ang kanyang minahal hanggang sa kanyang kamatayan na syang iyong kagagawan. Ang labis na makita kang mag bago ng aking ama at ang lubos na nag pahirap sayo nuong syay na bubuhay pa. Wala akong karapatang wakasan ang buhay ng taong pinaka mamahal ng aking ama dahil alam ko at batid kong hindi nya ito kagustuhan"
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasyGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...