Chapter 69

370 29 0
                                    

Third Person Point of View





"Salamat sa konting panahon nagawa kong makausap ang iyong ama. Salamat dahil sa kakaunting panahon nagawa kong muling mapakinggan ang kanyang tinig at madama ang kanyang mainit na pag mamahal. Isang nakapalaking utang na loob. Maraming salamat "


Panimula ni Pluto kay Azaiah matapos itong bumalik sa kanyang katauhan.

"Hindi pa tapos ang lahat Pluto. Hindi pa duon nag sisimula ang pag babagong magaganap"

Sagot ni Azaiah dahilan para magulat sya sa kanyang narinig.

"Bilang panimula sa isang kabanata ng pag babago, kailangang may mabuhay muli at kailangang may mag paraya para sa ikabubuti ng lahat."


Dag dag pa ni Azaiah na syang nag pa lito kay pluto.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tanong ni Pluto. Kasunod nito ang pag hawak ni Azaiah sa kanyang mga palad at tuluyan nga silang nag laho.

Gumawi at lumapag sila sa mahiwanag puno na matagal ng patay dahil sa kagagawan ni Pluto.

"Alam kong pamilyar ka sa lugar na ito. Alam kong ito ang saksi sa inyong pag mamahalan ng aking Ama. Ito rin ang dahilan kung bakit nasa maayos na kalagayan ang Olympus sa matagal na panahon."


"Ngunit, kung ito ang nais mong mangyari? Malabo ang iyong iniisip? Matagal ng walang buhay ang puno? Papaano?"

Balik tanong ni Pluto kay Azaiah.


"Kaya ako na ririto. Kaya ako pinili ng Mga elemento para isalba ito."

Sagot naman ni Azaiah dahilan para magulat si Pluto.

Pilit pinigilan ni Pluto ang nais ni Azaiah ngunit nag pumulit ito at kaagad ding nag laho.

Nasa kalagitnaan ng pag uusap ang mahal na reyna Gettala, at ang apat na prinsipe nuong biglang lumitaw sa kanilang harapan si Azaiah.

"Anak"


Wika ng kanyang Ina.

Mag sasalita palang sana ni Lark nuong bigla silang nag lahong lahat at lumapag sa mahiwagang puno kung saan naroroon ni Pluto.


"Ang mahiwagang puno"


Mahinang bulong ni Gettala kasabay ng kanyang pag lapit sa patay na puno at hinawakan ito.

"Matagal na panahon na simula nuong masilayan lahat ng mga taga olympus at ang na sasakupan nito kung gaano ka ganda, kahiwaga at ka makapangyarihan ang punong ito"

Wika ni Gettala.

Maya maya pay biglang nag salita si Azaiah na syang umani sa lahat ng kanilang atensyon.

"Ngayon ang simula."

Panimula nito na syang dahilan para maguluhan ang kanyang mga kasama.


"Ang pag babago ng lahat. Ang unang hakbang sa pag alis at pag waksi ng kadiliman sa kaharian. Ngayon ang simula ng magandang bukas para sa mga tao ng Olympus, Gnomes, Arfis, Undies at Sylph."


"Anak? Anong ibig mong sabihin?"

Tanong ng kanyang ina.

"Ako ang susi para sa kapayapaan ng lahat. Ang aking buhay katawan at dugo ang mag bibigay liwanag at buhay para sa magiging proteksyon at gabay ng buong kaharian. "

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon