Third Person Point of View
Unti unti ngang nawalan ng ulirat si Jethro dahil sa pag kaka sak sak nito sa mga ugat na nilikha ni Pluto na lumabas sa lupa.
Patuloy parin ito sa pag halak hak dahil sa kanyang nagawang pag paslang at pag gapi sa kanyang pamangkin at ang mga Prinsipe na nangangalaga sa mga apat na elemento.
Nag lakad na ito palalayo at papunta sa kinarorooan ni Gettala.
"Pluto bakit kailangang gawin mo ito? Bakit kailangang buhay ang maging kapalit"
Pag tangis ni Gettala habang naka hawak ang mga kamay nito sa mga ugat na ginawang piitan ni Pluto.
Kitang kita nito ang walang awang pag papahirap ni Pluto sa apat na prinsipe at sa kanyang anak.
"Nararapat lamang sa kanila iyon. Lahat ng pag mamay ari ni Drieko dapat lang mawala!"
Sigaw nito kasunod ng kanyang pag halak hak.
"Hanggang kailan mo paba sisisihin si Drieko Pluto."
Wika ni Gettala habang ang mga luha nito ay patuloy parin sa pag Tulo.
"Lahat na ng kanyang nasasakupan nagawa mo ng sirain ang kaisa isa nyang anak nagawa mong paslangin. Hindi paba sapat. Bakit kailanagng mag padala ka sa galit ng iyong puso"
Dag dag nito dahilan para mainis sya at sampalin nya si Gettala.
"Tumahimik ka!!! Wag mo akong didiktahan at pangaralan!!! Dahil hindi mo alam ang sakit na naranasan ko sa kakagawan ng magaling mong Asawa!!!!!!!!!"
Sigaw nito. Maya maya pay ngumiti ito ng mapait bago tuluyang mag salita
"Nag mahal lang ako ng lubos ngunit ginantihan ako ng pag kasakit sakit. Pano nya nagawang gawin ito sakin ha!!!! Papaano!!!!!!!!!"
Sigaw uli nito dahilan para kumidlat sa kalangitan.
Patuloy parin sa pag tangis si Gettala bago ito pag salita
" kahit kailan Pluto, ikaw ang nasa isip ni Drieko. Matapos ang kasal matapos ang iyong pag kawala ikaw lang ang kanyang binabanggit. Walang araw na hindi sya umiiyak at lumuluha. Tanggap ko iyon Pluto! Tanggap kong ikaw ang kanyang mahal. Hindi ko hiniling na humantong sa ganito ang lahat. Hindi ko hiniling na akoy pakasalan dahil alam kong ikaw ang mahal nya simula palang nuong akoy ipakilala sa kanyang mga magulang."
Pag lalahad Ni Gettala
"Hindi totoo iyan"
Madiing sagot ni Pluto.
"Si Drizza, bunga sya ng apat na elemento at ng ang aking kapangyarihan. Sya ang nag iisang kayaman ng Olympus. Bunga sya ng mga kapangyarihan ng Olympus at hindi ng aming pag mamahalan ni Drieko. Dahil kailan man hindi ako ang minahal ni Drieko kundi ikaw!"
Pag lalahad ni Gettala dahilan para yumuko si Pluto at iniyukom ang mga kamao nito.
" At alam mo ang masakit, na makita syang naging malungkot sa buong buhay nyang maging hari. Ang makita si Drieko na umiiyak. Ang makita syang mangulila! Ang makita syang nag aantay sa wala sa mahiwang puno!"
Dag dag pa nito
"Tumigil kana!!!"
Sigaw ni Pluto kasabay ng pag patak ng mga luha sa kanyang mga mata.
"Wag mo akong linlangin dahil kitang kita ko kung paano nya akong saktan! Kitang kita ko sa kanya kung papano nya ko pag laruan at iwan ng ganun ganun nalang!!!!!"
Sigaw muli nito habang patuloy parin ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata.
"Nag kakamali ka Pluto. Iyon ang mga nakita mo sakanya dahil nag palamon ka ng galit. Hinyaan mong lamunin ka ng puot at lamunin ng kadiliman ang iyong puso. Hinayaan mong paniwalaan ang mga nakikita mo at hindi mo sya pinag bigyang mag paliwanag "
Sagot ni Gettala habang patuloy parin ito sa pag iyak.
"Sa araw ng aming kasal. Pinuntahan ka nya sa mahiwagang puno upang kausapin. Nais nyang takbuhan ang kanyang trono! Ang kanyang responsibilidad ang gusto ng kanyang ama at ina at lahat ng iyon sinuportahan ko dahil ramdam ko sakanya ang sakit at ang lungkot. Handa akong mag paliwanag at itaboy ng aming kaharian sa gagawin sanang iyon ni Drieko para lamang kayo ay mag sama ngunit hindi mo sya pinakinggan. Ni minsan Pluto hindi."
Pag didiin ni Gettala.
"Tama na!!! Tama na."
Pasigaw na sagot ni Pluto kasabay ng kanyang pag hiyaw at pag hagulgol.
"Aahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!"
Isang malakas na hiyaw nito kasabay ng pag tama ng malalakas ng kidlat sa kapatagan. Ang mga luha sa mga mata nito ay patuloy parin sa pag agos dahil sa kanyang mga narinig. Unti unting nawala sa kanyang mukha ang itim na marka dahil sa lungkot sa kanyang puso.
"Tama na ayoko na"
Mahinang bulong nito kasabay ng kanyang pag hikbi..
Ramdam ni Gettala ang panandaliang pag kawala ng itim na enerhiya sa katawan ni Pluto habang naka tayo at nakayuko itong tumatangis.
"Pakawalan nyo na ako. Nawala na saakin ang pinakamamahal ko. Tama na!"
Dag dag pa ni Pluto na tila may kinakausap.
Naguguluhan si Gettala sa kanyang nakikitang kinikilos ni Pluto.
Maya maya pay muli itong tumawa mg napaka lutong.
Tumingin ito kay Gettala mula sa kanyang pag kaka yuko at isang kagimbal gimbal na itchura at awra ang bumabalot sa kanya.
Nag limanon ng kulay itim ang kanyang mga mata at ang mga labi nito. Nag silabasan sa kanyang mukha ang mga ugat na itim at pati narin sa buong braso nito.
Lumakas ang taglay nitong kapangyarihan na bumabalot sa kanyang katawan.
"Si-sino ka?"
To be continued.....
Okay ayan pambawi kasi ang daming nag babasa. 😂😅 okay wag kakalimutang mag vote at mag comment ha? Saka pag shashare at pag like ng page. Maliwanag? Okay salamat!!! 😘😍
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantastikGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...