Pluto's POV
Marahil ngayong oras na itoy pinag lalamayan na ang kaharian ng Sylph. Nasisiguro kong walang makakaligtas sa aking ginawang pag salakay, natitiyak ko ring nabura na sa mapa ng Olympus ang kanilang kaharian. Haha! Nararapat lamang! Dahil hindi ako makakapayag na maging apat na kaharian makikipag niig sa aking pamangkin para tubusin ang Olympus! Walang ibang nag mamay ari sa Olympus kung hindi ako!! Saakin lang ang Olympus!!!!
Flashback
"Mahal? Handa kana ba?"
Tanong ni Drieko kay Pluto matapos itong makapag bihis sa kanyang silid.
"Handa na"
Ganti naman nito at sinabayan ng isang napaka tamis na ngiti ni Pluto.
Labis ang tuwa sa puso no Drieko sa tuwing masisilayan nito ang napaka tamis at napaka among mukha ni Pluto. Walang pag aalinlangang mahal nya talaga ang prinsipe. Kahit kapatid pa nya ito."Tara?"
Wika ni Pluto kay Drieko dahilan para lumabas na sila at mag tungo sa mahiwagang puno kung saan sila madalas pumalagi at mag usap. Si Drieko ang naka sunod sa linya na mamumuno sa Olympus dahil sa ang panganay.
"Drieko? Tama bang nag mamahalan tayo?"
Pambasag ni Pluto sa katahimikan dahilan para magulat si Drieko sa tinanong nito.
Bahagyang hinaplos nito ang mga buhok ni Pluto na nakahiga sa kanyang binti habang nakatingala ito sa kanya. Isang ngiti ang iginawad ni Drieko bago pa man ito mag salita"Walang mali sa ating pag mamahalan, at alam kong higit pa sa mag kapatid ang turingan natin, alam mo naman yun diba?"
Sagot nito kay Pluto dahilan para mapatango ito.
"Kaya ito ang tatandaan mo, kahit anong mangyari, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko ikaw lamang ang magiging laman ng puso ko."
"Pero si Ama, alam mong tutol sya dito"
Wika muli ni Pluto dahilan para hindi maka imik si Drieko. Imbes na mag salita unti unti nitong inilapit ang kanyang mga labi sa labi ni Pluto at hinagkan ito ng pag katamis tamis.
"Tandaan mo Pluto, kahit anong mangyari, mahal na mahal kita. Kaya sana ipangako mo din saakin na mamahalin mo din ako ano man ang mangyari"
Wika ni Drieko matapos nitong hagkan si Pluto.
"Pangako"
Sagot naman ni Pluto at muling nag lapat ang kanilang mga labi.
Malalim na ang gabi at ang mga kawal at ang mga nasasakupan ng Olympus ay nasa kani kanilang tahanan na. Maging ang nag mamahalang si Pluto at Drieko ay nasa kanikanilang silid na.
Ngunit napa balikwas ni Drieko sa kanyang higaan noong narinig nito ang mga hikbi ni Pluto.
Kahit malayo layo ang kwarto nito sa silid ni Pluto ay rinig na rinig nya ito dahil sa kapangyarihang na mana nya sa kanyang ina. Dali dali itong bumangon at kumaripas ng takbo papunta sa silid ni Pluto. Pag karating nya ritoy nadatnan nya ang kanyang Ama na nag galit na nag sasalita kay Pluto. Si Pluto namay naka upo lang sa kanyang kama habang nakayukong umiiyak."Malalim na ang gabi Drieko! Dapat ay natutulog kana sa iyong silid. Umalis kana dito dahil may pinag uusapan lang kami ni Pluto"
"Ngunit ama"
"Simpleng utos hindi mo magawa? Papano ka papalit sa aking trono kung hindi mo magawa ang mga simpleng bagay?! Balik na!!"
Bulyaw ng kanyang ama dahilan para mapatingin ito kay Pluto na umaagos ang mga Luha sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Last Heir: and The Four Elemental Princes
FantasíaGnomes- The Earth kingdom ⛰ Undies- The Water Kingdom 🌊 Sylphs- The Air Kingdom 🌪 Arfis- The Fire Kingdom 🔥 These four Elemental kingdom, they create balance power to maintain the peace and stability of the Elemental Brewer Kingdom, The Olympus. ...